Benjamin Alves apologizes to Polo Ravales for being excessively physical in their fight scene

Marami raw natutunan si Benjamin Alves sa nangyari sa kanila ni Polo Ravales sa isang eksena ng GMA-7 afternoon soap na Unforgettable. Aniya: “And you know kailangan ko pong sabayan si Polo, e… Usually, ako po yung naghahabol, kasi these guys are all seasoned actors so I’m really learning a lot.”


Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Benjamin Alves tungkol sa totoong pananakit niya diumano kay Polo Ravales sa fight scene nila sa Unforgettable.

Dahil dito, nagalit daw si Polo at nag-walk out sa set.

(CLICK HERE to read related story.)

Nauna nang nagbigay ng pahayag si Polo sa PEP at ngayon naman ay pagkakataon na ni Benjamin na magpaliwanag.

“Iyon po, nadala lang po ako sa eksena talaga,” pag-amin ng baguhang aktor nang makausap namin siya sa taping ng Unforgettable sa Tagaytay City kahapon, April 16.

Dagdag niya, “I should have controlled it. I was… iyon nga po, nag-sorry naman po ako right after."

NOT A WALK OUT. Nilinaw rin ni Benjamin ang lumabas na report na nag-walk out diumano si Polo dahil sa nangyaring insidente.

Aniya, “Hindi po siya nag-walk out. Kasi professional naman po si Polo.

“Maski po… kung meron pa po siyang mga eksena after, he would have stayed, I’m confident.”

Sigurado si Benjamin na hindi nga nag-walk out si Polo dahil tapos na ang mga eksena nito kaya umuwi na.

Ito rin naman ang kinumpirma ni Polo sa panayam sa kanya ng PEP.

“At saka nagkaayos naman po kami right after. We were able to shake hands after,” sabi pa ni Benjamin.

Totoong nag-text pa si Benjamin kay Polo para muling humingi ng paumanhin.

“Yeah, I made sure na I was able to communicate with him a few days after para lang po makipag-ayos po.

“Para ano po… hindi naman po isyu yun. Kumbaga, e, para naman po…

“Kasi po, we had scenes the next taping day, okay naman po kami.”


CARRIED AWAY. Nasira nga ba ang suot na polo ni Polo sa eksena, at nagkaroon pa ito ng pasa at nalagot ang kuwintas nito?

Sabi ni Benjamin, “Iyon nga po, nasira yung shirt niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yung… kailangan ko po siyang kuwelyuhin, so sumobra naman po, and I take blame for that.”

Ayon kay Polo, alam nito na intense na artista si Benjamin kaya nadala sa eksena.

Sabi naman ni Benjamin, “Well, you know, I’m sorry it had to be seen that way.”

Inulit namin kay Benjamin na compliment iyon ni Polo, na isa siyang intense actor.

“I know, I know. As I’m saying, it was a compliment…

“But I’m sorry it had to get that far, na nasaktan ko po siya at nasira po yung shirt niya.

“It could be intense. I was told nga by Direk Gina [Alajar] na, ‘You could be intense, but you could also be safe, and you don’t have to be that physical.’

LESSON LEARNED. Inamin naman ni Benjamin na lesson learned ang nangyari sa kanila ni Polo.

Sabi niya, “And I’m still learning and kaya naman po ako nasa show na ganito, para po matutunan yung mga ganoong bagay.

“So I’m able to… so I’m more conscious of it now.

“Now, okay naman po ngayon bilang magkakapatid naman po kaming lahat dito sa Unforgettable.

“Nangyayari at nangyayari po iyon.

"Ang mahalaga po is nagkakaayos kami, nagkaayos naman po kami kaagad.

“Maliit naman pong bagay iyon para mag-away po kami after.”



KEEPING UP. Alam din daw ni Benjamin na kailangan niyang galingan ang acting niya sa lahat ng eksena dahil magagaling ang mga kasama niya sa show.

Kasama niya sa Unforgettable sina Polo, Kylie Padilla, Mark Herras, Pauleen Luna, at ang latest addition sa cast na si Rocco Nacino.

Idagdag pa ang veteran stars na sina Phillip Salvador, Glydel Mercado, Carmi Martin, at Timmy Cruz.

Bukod pa sa dekalibreng direktor nila sa kanilang drama series na si Gina Alajar.

Patuloy ni Benjamin, “And you know, kailangan ko pong sabayan si Polo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, he is really, you know… he is really good, so ako po yung naghahabol.

“Usually, ako po yung naghahabol, kasi these guys are all seasoned actors so I’m really learning a lot.

“But also, I’m learning na, you know, you have to control yourself physically.

“You know, yung energy po, it could still be high but you don’t have to be physically, you know... you don’t have to injure anybody.

“So iyon po—I’m still learning and I take blame for that.

“I was, maybe too physical, or yung hindi po tama yung ganoong pagka-physical, kaya naman pong dayain, e.

“Kumbaga, may TV cinematics po,” paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN