Rochelle Pangilinan on doing light and heavy projects alternately: “Hindi ako masyadong nagsasawa kasi meron akong dalawa.”

Rochelle Pangilinan on secret of happy relationship with boyfriend Arthur Solinap: “Kung sakaling may problema, pinag-uusapan namin. Hindi namin tinatapos ang isang araw na hindi kami nag-uusap.”


Halos mag-iisang taon din bago nagkaroon muli ng teleserye ang dancer turned actress na si Rochelle Pangilinan.

Ang huiling soap na ginawa niya para sa GMA-7 ay ang afternoon prime na Broken Vow.

Pero walang hinanakit o pagkainip kay Rochelle sa matagal niyang pagkabakante sa mga teleserye.

Kasama si Rochelle sa cast ng bagong early priemtime series ng Kapuso network, ang Home Sweet Home, na magsisimula nang umere sa Lunes, April 22.

Ayon sa dating miyembro ng SexBomb Dancers, “Mag-iisang taon bago nasundan nito ngang Home Sweet Home. Pero sa totoo lang, halos hindi ko naramdaman.

“Sa totoo lang, nag-enjoy ako sa regional shows ng GMA. Tapos, may Party Pilipinas.

"Ewan ko, nag-enjoy ako, kasi siguro gala talaga akong tao. So, masarap gumala nang gumala.

“Di ba, pagdating mo sa hotel, tulog, gala, kakain? Mas more on tulog at kain.”

Hindi ba siya nainip, nagtatanong na sa management tungkol sa pagbibigay nito ng bagong assignment sa kanya?

Sagot ni Rochelle, “Hindi, never kong tinanong si Mama Perry [Lansigan, her manager] kung ano ang show ko.

“’O, may show ka na, magpapayat ka na.’ Simula na akong maggulay-gulay.”

Nakausap ng PEP si Rochelle sa press conference ng Home Sweet Home kagabi, April 16, sa GMA Network Center.

KONTRABIDA ROLE. Ginagampanan ni Rochelle sa Home Sweet Home ang role ni Wendy, ang ex-girlfriend ng karakter naman ni Raymart Santiago.

“Ako yung mayaman na naghahabol,” sabi niya.

Kontrabida ba siya dito?

“Oo, kontrabida… pero hindi naman may pagka-Amaya at Broken Vow, pina-light naman ito.

“At saka pambata kasi ang show na ito, tsaka mas masaya kung light.

“Hindi pa naman ako nagsimulang mag-taping, pero binalitaan na ako ni Art [Arthur Solinap, her boyfriend] na sobrang masaya raw sa set.

“So, yun ang maganda.”



CONTRAST. Light lang ang teleserye niya ngayon kumpara sa mga nagdaan na madalas ay heavy drama talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas gusto ba niya na pagkatapos ng heavy drama ay light naman ang tema ng bago niyang teleserye?

Sabi ni Rochelle, “Okay lang…

"Actually, masarap yung may ganito kang light, tapos meron kang heavy. Mas masarap yung ganoon.

"Kung masyado kang light na light kasi, minsan masyadong nakakakalawang.

“Kapag masyado ka namang heavy, parang ang bigat-bigat mo every day.

“Buti na lang nga, may ano ako, Party Pilipinas.

“So, hindi ako masyadong nagsasawa kasi meron akong dalawa. Pero kung ito lang, baka.

“Pero kung tatagal ito ng two years, why not?”



HEYDAYS. Hindi ba nami-miss ni Rochelle ang panahon ng SexBomb na siya ang palaging bida sa teleserye nilang Daisy Siyete noon?

Tugon niya, “Sa totoo lang, minsan, noong time na pagod na pagod ako sa trabaho bilang kontrabida, na-miss ko yun… once.

“Pero kapag relax na akong ganito, masasagot ko naman na hindi.

“Kasi, ang tagal na taon kasi na ganoon ang role ko, so mas nahihirapan ako bilang kontrabida kasi ang lawak.

“Mas mahirap siya kasi ano, e, parang nasusubukan ka—pati yung kung paano ang sarili mo.

“Actually, ang problema minsan, nadadala ko siya sa bahay.

“Minsan, tahimik ako. Nakaganoon ang mukha ko, minsan wala naman—nag-iisip ako.

“So yun ang nakaka-amaze sa kanya. So siguro, sinawaan din ako.

“Kasi, mabilis akong magsawa. Kapag palaging ganoon ang role, nakakasawa.”



ENDURING. Marami pa rin ang nagtatanong kung paano sila naka-survive ng limang taon ng boyfriend niyang si Arthur Solinap. Na sa loob ng panahon na iyon, halos walang intriga sa kanila.

Sabi ni Rochelle tungkol dito, “Palagi lang kaming nag-uusap.

“Kung sakaling may problema, pinag-uusapan namin. Hindi namin tinatapos ang isang araw na hindi kami nag-uusap.”

Ngayong magkasama na sila sa trabaho, wala kayang magiging "sawa factor"?

“Wala,” nakangiting sabi ni Rochelle.

“Kahit naman hindi kami magkasama sa trabaho, nagkakasama naman kami araw-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least ngayon, magkasama kami sa trabaho. At saka, nagkasama na rin kami sa Ilumina, sa Daisy Siete.

“Okay nga po na kasama ko siya, at least tipid sa gas!” natatawa niyang sabi.



CO-WORKER. May disadvantage ba na kasama niya ang boyfriend sa show?

“Disadvantage? Wala akong nakikitang disadvantage.

“Sorry, ha, pero wala akong nakikita talaga, e.

“Baka ang disadvantage lang, kapag maaga kong matatapos o maaga siyang matatapos, maghihintayan kami.

"Kasi ganoon ang ginawa namin sa Ilumina.

“Kung maaga siyang matatapos, hihintayin ko siya. Kung maaga ako, hihintayin niya ako.

"Save nga sa gasoline at saka sa toll gate."

Kung sa role ay madali siyang magsawa, sa relasyon ba ay hindi naman?

Sabi ni Rochelle, “Kami naman kasi, adventurous kami.

"Bukod lang sa Sunday na pareho kaming nagkakasundo na palagi kaming nagtse-church.

“And then, happy na ako dahil hindi kasi ako pala-gimmick na tao.

"May mga surprises siya palagi sa akin, lalo na ngayon.

“Mag-e-eighteen na ako sa birthday ko next month,” biro niya.

Rochelle will turn 31 on May 23.

Dagdag niya, “Actually, sa buong isang taon, palagi siyang may ganoon.

“Minsan, may mga palabunutan siya kung saan kami magbabakasyon.

“At saka, mahilig din naman akong magganoon sa kanya, so, give and take siguro.”



BIRTHDAY SURPRISE. Saan kaya siya dadalhin ni Arthur sa kaarawan niya sa isang buwan?

“Ay, na-excite ako!” patili niyang sagot.

“Pero hindi ko alam. Kasi, ang Party Pilipinas daw, sa Boracay.

"So, feeling ko, magtatrabaho ako sa birthday ko.”

Ano naman ang hindi niya pinagsasawaan kay Arthur?

“Kapag nagagalit siya, nag-i-Ilonggo siya!” natatawa niyang sabi.

“Tapos, yung hitsura ko lang, parang pinipigilan ko ang tawa ko.”

Sa dami na ng mga sorpresa ni Arthur sa kanya, ano ang isa sa na hindi niya malilimutan?

“Yung recently lang, noong Valentine’s Day…

"Kasi, busy siya noon, tapos ako nasa bahay lang. Parang yung mukha ko, mukha nang demonyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, the next day, nilagyan niya ng petals ang room niya, nagluto siya at nag-dinner date kami doon—hindi na kami nakalabas.

“Kinabukasan, may taping ulit siya. O, di ba?” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN