Jessica Sanchez begins shooting for Glee

American Idol Season 11 runner-up Jessica Sanchez posted a photo of her and Glee cast member Darren Criss on Instagram. Jessica will be a special guest on two episodes of this hit US TV series.


Tuluy-tuloy na ang paglabas ng Filipina-Mexican singer at first runner-up sa American Idol Season 11 na si Jessica Sanchez sa hit US series na Glee.

Naglabas na ng photos si Jessica sa kanyang Twitter page na @JessicaESanchez—with 1,096,601 followers—ng kanyang pagpunta sa studio ng Glee.

Tweet niya noong April 15: “Ahhhh I’m so excited for glee!!! :D”

Noong April 16 naman ay ito ang dalawang magkasunod na tweets ni Jessica:

“Doing some glee things today ;)”

“Oh my gosh. Walking through the sets makes everything so real...” #glee

Matatagpuan din sa Twitter page ni Jessica ang kanyang photos kasama ang stars ng Glee na sina Matthew Morrison, Amber Railey, at ang Irish-American-Filipino na si Darren Criss.

Sa kanyang Instagram page naman na @jessicaesanchez ay naka-post doon ang photo nila ni Darren.

Sa website na www.hollywoodlife.com, nabanggit na ang magiging role ni Jessica sa Season 4 ng Glee. Lumabas ito noong March 25.

Dalawang episodes ang gagawin niya ngayong April at makakasama rin siya sa season finale episode schedules to be shown on May 9.

Jessica’s role in Glee is named Frida Romero.

“I’m playing a student from a rival school who is supposed to be a legendary diva – a powerhouse singer,” sabi ni Jessica sa kanyang interview with PEOPLE magazine last March 20.

“It’s going to be a very busy month for me. I’m very excited because I’ve never acted before.

“I really want to meet Naya Rivera. She’s got that attitude and I love it.”

Sa kanyang role bilang Frida, magkakaroon daw sila ng affair ni Finn (played by Cory Montieth) sa series.

“Yeah, my Mom and my friends tell me, everyone tells me that I am going to be Finn’s love interest!

“I am very excited if that happens! It would definitely be the role to play!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jessica ang ikalawang Pinay singer na lumabas sa Glee.

Noong 2010 ay lumabas sa tatlong episodes ng Glee Season 2 si Charice Pempengco, who played the character Sunshine Corazon na naging rival ni Rachel Berry (played by Lea Michele).

Sa pagpasok ni Jessica sa Glee, siguradong aabangan ito ng kanyang mga fans, most especially ang mga “Gleeks” na tawag sa mga die-hard fans ng Glee.

Kasabay ng paglabas ni Jessica sa Glee ay ang release ng kanyang debut album titled Me, You and The Music.

Sa April 30 ang scheduled release nito sa U.S.

Twice nang nakabisita si Jessica Sanchez sa Pilipinas. Una ay noong magkaroon ng tour ang Top 10 finalists ng American Idol Season 11 last September 2012 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

At ang pangalawa ay noong magkaroon siya ng Valentine’s Day concert na ginanap din sa The Big Dome.

Kinuha ring celebrity endorser si Jessica ng ilang local brands.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN