Ogie Alcasid "still with GMA" until his contract expires in June

Tikom pa rin ang bibig ni Ogie Alcasid tuwing natatanong sa balitang paglipat niya sa TV5. Giit niya, "As far as I’m concerned—and this is what I have been saying—I cannot really make any negotiations until my contract expires, which is in June."


Masaya si Ogie Alcasid na muli niyang nakasama sa pelikula ang mga dating kaibigang sina Quezon City Mayor Herbert Baustista, Dennis Padilla, Joey Marquez, at si Randy Santiago (bilang direktor) sa comedy film nilang Raketeros.

Sa last shooting day ng pelikula noong April 11 sa isang warehouse sa Novaliches, sinabi ni Ogie na na-miss niya ang paggawa ng ganitong brand of comedy film.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa Ang Latest ng TV5, “Nakaka-miss ’to kasi ito yung old school na comedy na ginagawa namin nung araw.

"Na comedy na medyo may pagka-naughty, medyo may pagka-nonsense, may kabaklaan, meron ding panlalaki.”

Ito ba ang klase ng comedy film na pampasaya lang at parang wala masyadong aral na matutunan ang mga manonood?

Natatawa niyang tugon, “Meron din naman kahit papaano.

“So na-miss ko ‘to and na-miss ko rin yung mga kaibigan ko.

“So it’s nice na kahit papapano nakagawa kami ng movie na kaya pa naming magpatawa sa mga manonood.”

Ano ba ang role niya sa pelikula?

“Funeral singer ako dito, isa ako sa mga barkada nina Herbert, magkumpare kami.

“And yung isa naming kumpare, who is Joey Marquez, ay magde-debut [ang anak].

"Isa kami dun sa maghahatid nung damit nung anak niya, kasi mayaman siya, kami hindi kami masyadong mayayaman dito.”



PROUD OF I DO BIDOO BIDOO. Last year ay ipinalabas ang musical comedy film na I Do Bidoo Bidoo, showcasing the music of Apo Hiking Society.

Isa sa mga bida rito si Ogie, kasama sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, at Eugene Domingo.

Maganda ang reviews ng pelikula kaya naman dalawa nang international film festivals ang nasalihan nito: Far East Film Festivals sa Italy at Osaka Film Festival sa Japan.

Sabi ni Ogie tungkol sa pelikula, “Nakakatuwa naman dahil isa siyang pelikula na it’s worth showing to the other community, international community.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And at the same time, it’s a kind of film that showcases not only our culture but our music.

“And I think it’s a very good representation of how we are as a people.

“And pag pinanood mo, very universal naman yung theme, di ba? It’s about a wedding.

“And I think any race can watch it.

“So I think it’s really one of the films that I’m really proud of.”



CONTRACT EXPIRATION. Isa rin sa mga katanungang palagi nang ibinabato kay Ogie ngayon ay ang tungkol sa diumano’y nakatakda niyang paglipat sa Kapatid network mula sa GMA-7.

Pero ayaw pang kumpirmahin ito ng Kapuso talent.

Sabi ni Ogie, “Hindi, no… maraming offers, e, we talk.

“But as far as I’m concerned—and this is what I have been saying—I cannot really make any negotiations until my contract expires, which is in June.

“So ‘til then, I’m still with GMA.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN