Arthur Solinap hints marriage proposal to Rochelle Pangilinan: “Malay mo, next year hindi ko na mahintay, di ba?”

Nagko-compromise si Arthur Solinap at ang girlfriend na si Rochelle Pangilinan kung ilan ang kanilang magiging anak. Ani Arthur: “Hindi apat, sabi ko lima. Gusto ko isang basketball team, e.”


“Ipon muna,” ang sagot ni Arthur Solinap nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kailan sila magpapakasal ng girlfriend niyang si Rochelle Panglinan.

Naganap ang tanungan sa presscon ng Home Sweet Home sa GMA Network Center nitong Martes, April 16.

Patuloy pa rin naming tanong kay Arthur kung handa na ba siyang mag-propose kay Rochelle.

Sa mga nakaraang panayam kasi kay Rochelle, nabanggit nitong naghihintay na lang siya ng proposal mula kay Arthur.

“Oo naman. Naghihintay lang ng right time,” sagot naman niya.

THREE-YEAR CONTRACT. Kakapirma lang ni Rochelle nitong nakaraang Disyembre ng isang three-year guaranteed contract sa Kapuso network.

So, tatlong taon pa ang hihintayin niya bago niya yayayaing magpakasal si Rochelle?

“Siguro kapag natapos na yung kontrata niya, na puwede na siyang magpakasal, puwede ng magkaanak.”

“So, sa time na sa three years na contract niya, kailangan mag-ipon na talaga ako para anytime, puwede na siya.”

“Malay mo, next year hindi ko na mahintay, di ba?” at natawa si Arthur.

“Pero wala lang muna sigurong anak… ganoon.”

Ang gusto ni Rochelle ay dalawang anak lang, si Arthur ay apat ang gusto, so paano ang compromise nila?

“E, di tatlo!” sabay tawa ni Arthur.

“Hindi apat, sabi ko lima. Gusto ko isang basketball team, e.

“Kasi, naiinggit ako sa ibang mga pinsan ko na marami, masaya.

“Dalawa lang kasi kami, e. Tapos, babae pa yung kapatid ko.

“Gusto ko marami, gusto ko ng masayang bahay—malaki, masaya, magulo.”

CONSERVATIVE. Nalaman naman ng PEP.ph na hindi papayagan ni Arthur si Rochelle na mag-pose ng sexy para sa FHM.

“Oo, huwag na lang. Ano kasi, conservative kasi talaga ako na tao.

“Minsan nga sa Party P [Party Pilipinas], kapag mga sexy, alam ko naman na, siyempre, required dahil sexy yung sayaw, ano lang… hindi ko type.

“Siguro ano, kasi lumaki akong conservative, parang ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi laki ako sa Iloilo, pati family ko kasi, conservative… pati parents ko.”

Isa pang nadiskubre namin, bilang magkarelasyon, hati sina Arthur at Rochelle sa mga gastos kapag nagde-date o nagbabakasyon sila.

“Oo. Pag mga ano lang na, ‘Tara, alis tayo for the weekend,’ Ayaw niya—gusto niya hati kami—gusto niya ng ganoon.”

Mabuti at payag si Arthur sa ganoong set-up kahit siya ang lalaki.

“Pinagbibigyan ko, pero may mga time na minsan ako magpaplano, hindi ko siya talaga pinagbabayad.

“Ayoko talaga ng ganoon kasi wala lang, ako kasi ang lalaki, bakit ka hahati?”

GIVE AND TAKE. Ano ang pinakamatindi na nilang pinag-awayan?

“Marami na rin kaming away, e. Kasi, yung mga unang taon namin, away-bati, away-bati kami.

“Ano lang, nagka-clash, iba lang yung paningin niya sa mga bagay, iba rin yung paningin ko sa mga bagay.

“Tapos, hindi kami naggi-give and take sa mga decisions.

“Ngayon kasi, parang respetuhan na, ‘Iyon ang tingin mo, iyon ang decision mo, rerespetuhin kita.’”

Sino ang madalas unang manuyo o sumuko kapag may away sila?

“Hmm… pareho lang naman.

“May time ako naman. Buti na nga lang ganoon, na pag ako yung matigas, siya yung lalapit.

“Pag siya naman ang matigas, ako yung lalapit.

“Kasi pag pareho kayo, walang mangyayari—kaya kami nagtagal.”

JEALOUS TYPE. Seloso ba si Arthur bilang boyfriend?

“Seloso ako pero mas selosa siya,” at natawa ulit si Arthur.

Nag-away na ba sila dahil sa selos?

“Hmm… oo. Yung mga ano niya… na mga selos niya na yun pala.

“Ang pagseselos niya, ang gusto lang pala niya lambingin ko siya. Na-gets ko na noong huli, e.

“Alam ko wala sa lugar, pero iyon pala, sabi niya, ‘Pagbigyan mo lang ako kahit wala sa lugar, para lang ma-feel ko na…’ Alam mo yun?”

LIMITATIONS. Kapag mag-asawa na sila at may mga anak na, papayagan pa rin ba ni Arthur na mag-artista si Rochelle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman. Pero siyempre hindi na one hundred percent na lahat ng projects tatanggapin.

“Kahit ako naman, sabi ko sa kanya kasi, nagbi-business na kami ngayon, hindi naman forever ang showbiz.

“Pero hindi pa rin kami aalis ng showbiz. Kung may project, kung may offer, di ba, why not? Parang ganoon.”

FALLBACK. Ano ba ang pinagkakaabalahan nilang negosyo?

“Sa farm sa Iloilo, sa province ko, nag-invest kami sa dad ko ng sugar cane, tapos, itong Reluxe Spa sa Timog.

“Kasi, di ba, may time na matagal na hindi kami magkaroon ng project, kaya para focused kami sa ibang bagay.”

CAST. Sa Home Sweet Home, bukod kina Arthur, bilang si Kulas, at Rochelle, bilang si Wendy del Valle, mapapanood rin sa bagong GMA show na ito sina Raymart Santiago, bilang Reden Caharian; Roxanne Guinoo, bilang Dulce Caharian; Jake Vargas, bilang Benjie Caharian; Jillian Ward, bilang Jessie Caharian; Rain Quite, bilang Ivan Caharian; Bea Binene, bilang Lucy Buena; Arkin Magalona, bilang Arko Buena; Patricia Ismael, bilang Mikay; at sina Gladys Reyes bilang Agoncilla Caharian at si Miss Celia Rodriguez bilang si Pandora.

Ipapalabas na ngayong Lunes ang Home Sweet Home sa direksyon ni Gil Tejada, Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN