Rocco Nacino on joining the cast of Unforgettable: "I never felt any insecurity, I never felt uncomfortable in any way."

Sa pagpunta ni Rocco Nacino sa bansang Cambodia ay may nakakilala raw sa kanyang mga Pinoy doon. Kuwento pa niya, “Nakita nila ako naka-sando at shorts, nakakahiya! Kasi ang init, e! At nakakatuwa, kasi tuwing may magtatanong kung tagasaan ako, sabi ko ’Philippines.’ Tapos sasabihin nila, ‘A, Marian, Marian! Dingdong! Dyesebel! Dyesebel!’ Tapos yung My Beloved, ipinapakita sa mga


Si Rocco Nacino ang latest addition sa cast ng GMA-7 afternoon soap na Unforgettable.

“Akala ko rin po pahinga ako, e,” sabi ni Rocco nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito sa taping ng show noong Martes, April 16, sa Tagaytay City.

Patuloy niya, “I was focused on the two films—yung Ibong Adarna tsaka Burgos—at biglang sinabi sa akin na gusto po nila akong ipasok dito sa Unforgettable.

“So iyon, kinausap ko po yung manager ko, tapos pinag-usapan namin yung role, kung kumusta ba.

“E, magiging love interest ko si Kylie [Padilla] so na-excite ako.

“Mas nauna yung excitement ko, sabi ko, ‘Wow, balik-tambalan kami ni Kylie!’”

Nagkasama na noon sina Rocco at Kylie sa The Good Daughter (2012).

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kay Kylie for the second time?

“Masaya! I’m just enjoying it at excited ako.

"Lalo na nung first time na sinabi ko sa kanya, ‘Kylie, magkakatrabaho tayo ulit!’ Tapos niyakap niya ako tapos sabi niya, ‘Yehey!’

“Balik-tambalan kami, parang The Good Daughter lang.”

Dagdag niya, “Si Direk Gina [Alajar], siya po ang mentor ko during StarStruck, so during our acting workshops siya ang nagturo sa amin.

“And I’m really flattered na ginusto po nila akong sumali dito and I gladly accepted it.”

Magiging threat daw ang karakter ni Rocco sa roles naman nina Benjamin Alves at Polo Ravales para kay Kylie.

“Mag-aagawan kaming tatlo,” sabi ni Rocco.

Although ang tunay na “mahal” ni Kylie sa kuwento ay si Mark Herras, na gumaganap na multo sa naturang drama series ng GMA-7.

NOTHING TO BE INSECURED ABOUT. May isyung lumabas na hindi diumano nagustuhan ni Mark ang pagpasok ni Rocco sa show, na nilinaw naman ni Mark sa interbyu niya sa PEP.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon naman kay Rocco, walang dahilan para ma-insecure ang kahit na sino sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, hindi, tsaka hindi ko rin naramdaman yung insecurity na yun.

“And they’re really professional when it comes to work.

“I never felt any insecurity, I never felt uncomfortable in any way.

“Kaya parang yung pagpasok ko, I felt very welcome.”

Sila ba ni Kylie ang magkakatuluyan sa ending ng Unforgettable?

“Hindi ko pa alam yung ending, e.”



TRIP TO CAMBOADIA. Bilang birthday gift sa kanyang sarili ay nagpunta si Rocco sa Cambodia nang mag-isa lamang.

Kuwento niya, “Pahinga, nagpahinga ako.

“Kasi before nun, iyon yung nagsunud-sunod ako ng Bayan Ko, My Lady Boss, tsaka Yesterday’s Bride, tapos may Party Pilipinas pa ako.

“So I was mentally, emotionally, physically stressed.

“So sabi ko, pahinga muna ako.

“Umalis ako April 2, bumalik ako April 9.”

Ano ang hindi niya malilimutang lugar sa Cambodia?

“A, yung pagdalaw sa Big Buddha. Isa siyang rock na may katawan ni Buddha, tapos habang tumatagal, umaangat siya.

“So, wino-worship siya ng mga tao.

“Tapos pag-akyat ko dun, iba yung sense of relaxation ko dun.

“So I spent mga two hours dun, nakaupo lang, tinitingnan ko yung forest, ini-enjoy ko yung view. Tapos pahinga.

“Matagal ko nang gustong pumunta sa Cambodia, e.”

Unang beses daw iyon na nagbiyahe siyang mag-isa sa labas ng bansa.

“Yung first time ko, Bohol.

“Medyo nakakatakot, hindi ko alam kung saan ako pupunta, e, so research ako nang research.

“Tapos bahala na. Backpacker, ang saya!

“Tapos I was talking to other people, ang dami kong nakausap—mga taga-Japan, Australia, England.

“Tapos sabi ko, ‘You guys should visit the Philippines,’ ganyan-ganyan.”

May mga Filipino rin daw na nakakita at nakakilala sa kanya sa Cambodia.

“Nakita nila ako naka-sando at shorts, nakakahiya!” sabay tawa ni Rocco. “Kasi ang init, e!

“At nakakatuwa, kasi tuwing may magtatanong kung tagasaan ako, sabi ko ’Philippines.’

"Tapos sasabihin nila, ‘A, Marian, Marian! Dingdong! Dyesebel! Dyesebel!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos yung My Beloved, ipinapakita sa mga TV… kumain ako sa carenderia, pinapanood nila yung My Beloved, naka-dubbed.”

Saan ang susunod na gustong puntahan ni Rocco na siya lang mag-isa?

“Japan sana, Japan. Gusto kong bumili ng samurai sword, e.

“Mahilig akong mangulekta ng weapons, e.

“Meron akong blow dart, may arnis ako, mga kutsilyo, isang samurai sword... meron akong local samurai sword.”

Wala raw siya nabiling weapon sa Cambodia.

“Mahirap iuwi e, tsaka actually, mas maganda pa yung mga gawa nating kutsilyo dito.”



LOVI POE. Naitanong din ng PEP kung kailan sila huling nagkita ni Lovi Poe, na inili-link sa kanya.

Sagot ni Rocco, “Tagal na, tagal na kaming hindi nagkikita.

“Ang dami naming ginagawa, e. She’s really busy, I’m busy.

“Nag-uusap na lang kami sa text.”

Sa isang interview kay Lovi ay tinanong siya tungkol sa sitwasyon sa pagitan nilang dalawa ni Rocco, at sinabi ng dalaga na ang young actor daw ang tanungin.

Kaya naman tinanong namin si Rocco tungkol dito.

Pero tumatawang sagot niya, “Puntahan ninyo ulit siya, tanungin ninyo siya ulit!

“Still the same, e, still the same. We don’t know kung nasaan.

“And the good thing is yung friendship namin, special.

"Maganda yung friendship namin, malalim.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN