Sam Milby gets intimidated by Judy Ann Santos: “Minsan sa mga eksena, nabubulol ako minsan.”

Nakakaapekto sa performance ni Sam Milby ang paghanga niya kay Judy Ann Santos. Pag-amin niya: “May mga times lalo na pag kasama ko siya, magaling talaga siya, pini-force ko ang sarili ko talaga na pagbutihan.”


Naging bukas noon si Sam Milby tungkol sa espesyal na nararamdaman niya para kay Shaina Magdayao.

Inakala ng iba na maaring mauwi sa mas malalim na relasyon ang paglabas-labas ng dalawa, hanggang sa unti-unti itong nabawasan at tuluyang nawala.

Sa kalagitnaan nito, pumutok naman ang balita na madalas nakikitang kasama na ni Shaina sa paglabas ay si Piolo Pascual na nagba- badminton, running at yoga.

Ngayon nga ay matunog ang usap-usapan na mukhang may namumuo nang espesyal na relasyon kina Shaina at Piolo.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam noong nakaraang Linggo sa ASAP 2013 kung ano ang reaction niya tungkol sa balita.

“Kailangan ba ng reaction?” balik-tanong naman ni Sam.

“Ayokong mag-comment, di naman kailangang maging issue kasi with Shaina, we don’t have anything.

“Kung sino man ang happy, happy ako for them.



FOCUS. Inamin din ng aktor na wala pa rin siyang bagong girlfriend at naka-focus ang atensyon niya sa sunud-sunod na trabaho na ginagawa.

Sabi niya, “Wala pa, hindi naman sa maganda ang wala, but masaya naman na maraming work, dire-diretso ang trabaho, happy ako doon.”

Katatapos lang gawin ng actor ang seryeng Kahit Konting Pagtingin na pinagbidahan nila ni Angeline Quinto at Paulo Avelino.

Dinipensahan ni Sam ang bali-balita na ang mababang ratings ng nasabing show ang dahilan kung bakit maaga itong nawala sa ere.

Lahad niya, “I’m sad, it’s not a long teleserye but lahat kamo, sobrang nag-bonding.

“Ang saya sa set, kasi lahat kami very light, lahat kami nag-enjoy, sobrang masaya talaga sa set.

“Nakaka-miss talaga ang mga katrabaho ko… si Angeline, si Paulo, si Direk… even the production.”

“Hindi, the plan really was and until now I think it was thirteen weeks, ever since the beginning, thirteen weeks lang talaga.

“That was really the plan.”

INTIMIDATED. Sa ngayon ay busy naman siya sa taping ng seryeng Huwag Ka Lang Mawawala kung saan makakasama niya sina Judy Ann Santos at KC Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Sam na nabubulol siya minsan kapag kaeksena niya ang young superstar.

Kuwento niya, “Mag-e-air na, I think, maybe June. Hindi naman ako lumaki dito sa Pilipinas, I haven’t watched yung mga projects niya.

“But working with her, watching her sa mga eksena, sobrang magaling talaga si Judy Ann.

“Sometimes nai-intimidate ako, ang galing talaga! Minsan sa mga eksena, nabubulol ako minsan.

“May mga times lalo na pag kasama ko siya, magaling talaga siya, pini-force ko ang sarili ko talaga na pagbutihan.”

Para mahasa siya sa pagta-Tagalog, madalas nagbabasa si Sam ng mga local publications.

“May binabasa ako everyday. Basta tongue twisters, mga ganoon.”

NEW SAM. Para kay Sam, hindi mahalaga ang titulo na maaaring maikabit sa isang artista dahil mas importante sa kanya ang magampanan nang mahusay ang role.

“Ayoko ng mga title-title,” deklara niya.

“Gusto ko lang ibigay ang best ko at sana naman maganda yung pagtanggap ng mga Kapamilya natin na mga manonood.

“Ako, I’m very happy kasi, heto, kakaiba yung role na ginagawa ko dito.

“I’m a very different Sam na makikita ng mga tao—very grey role, iba sa mga nagawa ko na, so I’m really excited.

“Ayokong i-spoil ang character ko, hindi siya yung Sam na lagi kong ginagawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN