Imelda Marcos called “pest” in WikiLeaks report

by Ava May Robles
Apr 19, 2013
The former first lady made a not-so-good reputation among influential American citizens, suggests WikiLeaks.

Naglabasan ang ilang ulat tungkol kay former first lady Imelda Marcos— asawa ng yumaong dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos— na nailathala sa WikiLeaks.org. Tinawag pa ang dating unang ginang na “pest” sa isang report.

Inilunsad noong 2006, ang WikiLeaks ay isang international online, non-profit organization na naglalathala ng mga secret information, news leaks, at classified media mula sa mga anonymous sources.

Sa WikiLeaks ay matatagpuan ang isang cable tungkol kay Imelda na may petsang January 31, 1976 at may titulong “Media comment on Mrs. Imelda Marcos.”

Naglalaman ito ng mga komento mula sa namayapang si Jack Anderson, isang tanyag na American newspaper columnist sa US at naging commentator sa programang Good Morning America ng ABC Television.

Sa nasabing cable sa www.wikileaks.org, sa episode ng naturang morning television show noong January 26, 1976 ay sinabi ni Anderson: “There's one foreign visitor whom the State Department hates to see. She happens to be one of the world's most glamorous women. She's the first lady of the Philippines, Imelda Marcos, a beautiful woman whose beguiling smiles charm the scowls off the world's most cantankerous leaders.”

Continue reading below ↓

Sa pahayag ni Sullivan, kinaiinisan umano ng mga protocol people sa State Department si Imelda dahil wala raw itong pasabi sa tuwing darating sa US.

“She seldom bothers to notify them. She simply arrives unannounced.

“Then, she starts making difficult demands and poking her nose into delicate matters. She's come to be regarded more as a pest than a guest.”

Ikinuwento rin ni Anderson ang ilang pangyayari noong 1975, nang pumunta ang ngayo'y Ilocos Norte congresswoman sa New York.

“She loitered around New York City for a number of days with little to do,” ayon sa ulat.

Ayon sa confidential report daw na nakarating kay Anderson, nasa New York si Imelda noon habang hinihintay ang pagpanaw ni Francisco Franco, dating dictator ng Spain, para makadalo sa lamay nito sa Madrid.

“She likes the pomp and ceremony of such international occasions,” ayon umano kay Anderson.

Sa isa pang insidente, hiningi raw ni Imelda na makadalaw sa White House.

Continue reading below ↓

Nagkaroon daw muna ng pagtatalo bago nai-schedule ang 45-minute tea break, kasama ang noon ay US first lady Betty Ford, asawa ni former US president Gerald Ford.

Hindi raw ikinatuwa ni Imelda na hindi man lang dumaan si US President Ford sa tea break para batiin siya.

Nang magpalitan na umano ng regalo ang dalawang first lady, na-disappoint umano si Imelda sa natanggap niyang regalo kaya’t iniwan daw niya ito pag-alis niya.

“She was literally sputtering with rage, according to my sources, when she flies back to the Philippines,” ani Anderson sa report.

Karugtong sa report ay ang mga komento pa rin ni Anderson sa Good Morning America sa episode nito noong January 30, 1976.

Tungkol naman daw ito sa nasagap na balita ni Anderson nang pangalanan si Imelda sa isang isyu ng Cosmopolitan Magazine bilang isa sa “10 Richest Women in the World.”

Nakasaad sa cable ang sinabi ni Anderson na isang achievement daw ni Imelda ang mapabilang sa listahan, na nagsimula bilang isang airline stewardess at napangasawa si Ferdinand Marcos na nahalal na pangulo ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

“Well, their sudden rise to riches is not a story they want to advertise in the Philippines,” pahayag umano ni Anderson.

Hindi umano magawang kontrahin ng mag-asawang Marcos ang Cosmopolitan dahil “that would only have attracted attention to the story, and would have led to bad, world-wide publicity,” pahayag umano ni Anderson.

Ang ginawa raw ng mag-asawang Marcos ay nakipag-usap sa kanilang mga mayayamang kaibigan at nagkaisang bilhin lahat ang mga isyu ng Cosmopolitan bago pa man dumapo sa mga newsstands sa Pilipinas at mabili ng mga karaniwang mamamayan.

LAVISH TWO-DAY BIRTHDAY CELEBRATION. May isa pang cable na ipinost sa WikiLeaks na may titulong “President Marcos Birthday Celebration” at may petsang September 12, 1973.

Naglalaman ito ng confidential memo ng noon ay US Ambassador to Manila William H. Sullivan sa US Department of State.

Ayon kay Sullivan, iniulat umano ng government-controlled media ng Pilipinas na tahimik na ipinagdiwang ni Marcos sa kanyang desk ang kanyang kaarawan, subalit ang totoo raw ay magarbong two-day birthday celebration ang nangyari, “orchestrated by his wife Imelda.”

Continue reading below ↓

Inilarawan ni Sullivan na naging magarbo umano ang selebrasyon na tinawag niyang “confidential festivities,” kung saan nagkaroon pa ng mga programa, parade, dinner, serenade, floor show, concert.

Paglalarawan pa ng emissary, sa pangalawang araw ng selebrasyon: “…that afternoon, an extravaganza took place at Luneta with top entertainers, new Manila airport building was dedicated, and several other projects were opened in presidential honor.

“In general, every aspect of the occasion was too much, too long, and in questionable taste.”

Partikular na binanggit ni Sullivan ang utos sa mga general officers ng Armed Services na magparada “in garish female attire” bilang bahagi umano ng “Palace floor show.”

Komento pa ni Sullivan, “Although Imelda was responsible, the president seemed to enjoy it and appeared unaware of the negative vibrations among his courtiers, especially the senior military, upon whom so much of his future programs will depend.

“Only the Marcos children, to their credit, appeared embarrassed by the display.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Imelda Marcos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The former first lady made a not-so-good reputation among influential American citizens, suggests WikiLeaks.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results