PEPtalk. John Lloyd Cruz talks about being "galante"; grateful for "mind-blowing success" of his career for the past 16 years

John Lloyd Cruz’s message to their fans: "Sa lahat ng mga nakapanood na ng It Takes A Man And A Woman, maraming salamat, especially, dun sa mga hindi lang isang beses nanood—because may umulit, may pumangatlo."

Click here for video


Hindi nakaiwas sa tanong tungkol sa kanyang lovelife ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz sa ikalawang bahagi ng PEPtalk.

Inusisa rin ng PEPtalk hosts—PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) section editor Demai Sunio-Granali at PEP.ph contributor Rose Garcia—kung pumapasok na rin ba sa isip ng aktor ang pag-aasawa.

Sa huling bahaging ito ng kanilang panayam, nagpasalamat si John Lloyd sa mga sumuporta sa pelikula nila ni Sarah Geronimo at sa kanyang fans sa patuloy na suporta ng mga ito.

Pero bago iyon, sinagot muna ni John Lloyd ang tanong ni Rose kung gaano nga ba siya kagalante.

Sagot ni John Lloyd, “You know, let’s just put it this way... Kumbaga, I work very hard, you know. So, to tell you about one of my biggest dreams in life, is to be a good provider.

"Because hindi naman...hindi lahat nabibigyan ng chance or hindi lahat nabibigyan ng opportunity.

“Minsan, kahit gusto mong maging good provider, ang hirap, di ba, para sa common na tao?

“And ako, bilang talagang abut-abot ang pasasalamat ko sa binibigay sa aking biyaya ng Diyos e para bang hindi pa ako takot gumastos. Kasi sa akin, you know, they say, ‘The best things in life are free.’

“Pero there are better things in life that you can enjoy. Minsan kailangan mo gumastos, di ba? [laughs].

“Yun lang. Pero I make sure na safe ang pera ko. You know, yung balance ba.

“I have my investments, both real estate and stocks. So, I’m okay.

“Kumbaga, parang, sabi nga nila, si Belle [Isabelle Daza] asked me, nung padulo na ng shooting namin, ‘Paano na ’pag di ka na artista? Paano?’”

Dagdag pa ng Kapamilya actor, “Tinanong niya ako, parang ‘Masu-sustain mo ba ’yan? Yung ganyang lifestyle?’

"Sabi ko, ‘You know what, Belle, di mo pa ako ganun kakilala kasi.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka kung kumikita ka ng 100, alangan namang gumastos ka ng 150, o gastusin mo yung buong isang daan, di ba? So, kailangan mong ibalanse yung budget.”

THANKFUL FOR HIS SUCCESS. Hindi maitatangging isa si John Lloyd sa may pinakamaningning na star sa showbiz industry.

Kaya naman tinanong ni Demai kung anu-ano ang kanyang nais ipagpasalamat sa puntong ito ng kanyang buhay.

Sagot ni John Lloyd, “Madami. Masyadong madami.

“Recently, you know, the moments we had in Palawan, the vacation, the movie, you know, the success of the movie.

“The success for the past 16 years, sobra siyang...it’s para sa akin! Sobrang...sobrang…

“Ikaw [to Rose], andun ka nung nagsisimula ako, andun ka nung muntik na ’kong mag-give up, di ba? Nakita mo yun?

“’Tapos ngayon, nandito tayo. I’m living my life comfortably, beyond that word. Sobra!"

Dagdag pa ng Star Magic prime talent, “Every day, talagang nagpapasalamat ako dahil nakakapag-provide ako ng comfort, hindi lang sa sarili ko, hindi lang din sa pamilya ko, pati sa mga taong hindi ko kamag-anak, random people.

"And above all, I have a very good support system—my family, my friends na nagre-remind sa akin constantly how to be a good person.

“Because, like in the movie, after all the success, after being number one, being the best, at the end of the day, I just wanna be a good person.”

Rose: “John Lloyd, dagdag ko lang ’to dun sa sinabi mo. Sa kabila ng lahat ng success and everything, do you still miss the old life? Yung apartment, parang yung ganun.”

John Lloyd: “Di naman nawala sa amin yun, e. You know, kasi maraming tao, tingin sa artista parang ’pag may narating na, nag-iba na lahat.

“I have a certain approach sa buhay ko, sa career ko. Meron tayong mga [bagay] magmula pa noon, di naman natanggal. So, kaya siguro...ewan. Hindi ako takot, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya [kahit] tanggalin mo ’to sa ’kin lahat, sabi nga ng daddy ko, ‘Gusto mo tumigil ka na?’ Kasi ’pag nakikita niya kong hirap na hirap, yung pagod na pagod, sinasabi nga niya, ‘Nak, kung gusto mong tumigil na, okey lang.’

“Kasi lahat kami, hindi kami takot, di ba? Yun siguro yung edge mo sa iba, pagka galing ka sa ibaba. Alam mo yung paano mahirapan.”

NO MORE WORRIES. Tinanong din ni Demai kung sa lahat ng blessings na tinamasa ni John Lloyd, meron pa kaya siyang nais maayos na problema sa buhay niya ngayon.

Sagot ni Lloydie, “At this point? Wala, e. Parang ang ganda ng weather sa labas, e. Alam mo yung ganun? Di ba? It’s bright and sunny. So, para sa akin, wala na akong inaalala, you know.

“Kung meron man, yung health ng parents ko. Yung ganun lang, yung mga ganung bagay na di naman sa lagi mong inaalala, na para bang napapraning ka na para sa kanilang kalusugan.

“Pero at this point, really, talagang punung-puno lang ako ng pasasalamat.

“Ang ganda ng mga nangyayari ngayon. And I know, darating yung araw na magbabago siya, di ba? Di naman pwedeng constantly ganito na, e.”

Rose: “Accepted na yun?”

John Lloyd: “Hindi...you know, you cross the bridge when you get there.

“It’s always a test of character, e. So, hindi naman yung problema ang nagma-matter, e. In the end, it’s how you will rise above it.”

MESSAGE FOR HIS FANS. Sa bahaging ito pinasalamatan ni John Lloyd ang lahat ng sumuporta sa kanilang pelikula. Lalo na ang fans nila na makailang ulit nanood ng pelikula ni Sarah, at ang umuwi pa ng Pilipinas para lang mapanood sila.

Demai: “John Lloyd, invite natin ulit sila to watch It Takes A Man and A Woman, para dun sa hindi napapanood.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

John Lloyd: “Unang-una sa lahat, salamat, salamat sa inyo. Thanks for having me. I had so much fun. Gusto ko yung ganito, e. Yung parang, parang..”

Rose: “Gawin ulit natin ’to.”

John Lloyd: “Baka naman masyadong magsawa na.” [laughs]

“Sa lahat ng mga PEPsters, maraming-maraming salamat for, ano bang tawag dun? Online..? Online..?”

Rose: “Di ka nga pala sanay sa online…”

John Lloyd: “Abacus pa ito, e.” [laughs]

“Maraming-maraming salamat sa inyo. Sa lahat ng mga nakapanood na ng It Takes A Man And A Woman, maraming salamat, especially, dun sa mga hindi lang isang beses nanood—because may umulit, may pumangatlo.

“Meron akong nabalitaan, yung taga-Singapore, pumunta dito. Nanood lang siya ’tapos umuwi din sa Singapore. Salamat.

“Kung sino ka man, sana ma-meet kita one day, I can hug you, give you an embrace, salamat. Kung pwede lang yakapin lahat kayo dahil sa tinatamasang success ng pelikula namin ni Sarah at ni Direk Cathy [Garcia-Molina], gagawin ko.

“Pero, para sa mga di pa nakakapanood, please sana huwag nyong palampasin ang It Takes A Man and A Woman.

"Kayong mga PEPsters, sana you can tell your parents, your family about it.”

Click here for video


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN