Paolo Contis refuses to talk about Lian Paz; clarifies alleged issue with Gladys Guevarra

Paolo on why he chooses to keep mum about issue with Lian Paz: “Such problem medyo mahirap i-divulge sa tao, e. Unless, wala akong masasabing tama or wala akong masasabing sure kung anuman, ayoko muna. Kumbaga, sinusunod ko lang ang bilin sa akin ng network [GMA-7] mismo, ng mga tao sa network.”


Nagpaliwanag si Paolo Contis sa malaking ipinagbago ng kanyang pangangatawan ngayon.

Marami ang nakapansing tila tumaba ngayon ang character actor-host na malayo sa dati niyang pigura na macho at well-defined ang mga muscles.

Mukha na nga raw bouncer sa laki ng kanyang katawan ngayon si Paolo, bagay na binigyang linaw naman niya ang dahilan.

“Ay, during training kasi namin puro kain. Normally, nagpapaliit naman ako pag needed lang.

“So, with this show, I’m not portraying anyone sexy naman. So, I leave the good body na lang sa mga mas batang artista.

“Pero I’ll try to maintain yung health... pero mahirap kasing mag-diyeta, e.” saad ni Paolo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo noong kasagsagan ng TV promo niya para sa kasalukuyan nilang serye ni Richard Gutierrez sa GMA-7, ang Love and Lies.

Ang tinutukoy niyang training sa naunang pahayag ay ang military drills na ginagampanan nila ni Richard sa nabanggit na teleserye na pinagbibidahan din nina Bela Padilla at Michelle Madrigal.

Bukod sa training at kain na ginawa ni Paolo, tinanong namin siya kung masaya ba siya ngayon sa buhay niya kaya siya tumaba.

“Wala, wala!” agad niyang tugon.

“Walang stress... well, kasama naman yung no-stress-eating. Kapag masyado kang maraming iniisip pagdating sa show and everything.”

Kailan ka uli magpapayat o ibabalik ang dati mong pangangatawan?

“Pag merong project na kailangan kong magpapayat, saka ako magpapayat. Mostly, probably within the year,” pag-estima niya

MUM ON LIAN ISSUE. Kumusta ka naman ngayon? At peace ka na ba?

Mabilis naman niyang sagot nang, “I’m okay! Nothing…nothing... okay lang.”

Paano ka bumawi doon sa mga isyung pinagdaanan mo lately? Sa problema sa pamilya at sa personal life?

“Wala naman... ako to be honest I cannot speak about it. I refuse to speak about any issues about ano…the biggest factor there are my friends, my Mom and... yun lang. Hanggang doon lang ang puwede kong sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Number one, I am not allowed to speak. Number two, I refuse to speak as well.”

Bakit hindi ka allowed magsalita?

Ngumiti si Paolo saka sumagot, “Una, I cannot explain that,” nangingiting sagot ni Paolo na nanindigan sa kanyang unang statement.

Ito ba ay dahil may court order o legal battle sa pagitan nilang dalawa ng misis niyang si Lian Paz?

“Wala, Walang gano’n. I cannot answer anything regarding that,” mariin niyang pag-ulit.

Ipinaliwanag namin kay Paolo na para na rin sa mga mambabasa kaya namin siya tinanong kung ano ang rason bakit hindi na siya puwede pang magbigay ng update o comment tungkol sa kanilang dalawa ni Lian.

Sagot naman niya, “Sabihin na lang natin na it’s better not to speak about anything. Unless you know what to say, unless sure naman yung sasabihin mo.

“I’ve consulted the people I have consulted. I will not speak unless it’s needed.”

HELPFUL, LOYAL FRIENDS. Ang Pambansang Kamao o Boxing Champ na si Manny Pacquiao ang isa sa may pinakamalaking bahagi para magkasundo na sina Paolo at si Lian.

Ngumiti si Paolo at saka nagsabing, “Manny helped a lot with my problem sa mga taong napaghiraman ko dati. Pero at a certain point... again, I cannot speak about my relationship.”

Inamin naman ni Paolo ang pagkakaroon niya ng financial problem.

Kumusta naman na ang kanyang finances? Tanong namin kay Paolo.

“As I’ve said, Manny is one big factor who helped me a lot with my problem.”

Tungkol naman sa lovelife, tinanong namin si Paolo kung nagkaroon siya nang trauma sa pag-ibig at pakikipagrelasyon dahil sa gulong namagitan sa kanila ni Lian?

“Hindi naman,” kunut-noong sagot ng aktor.

NO LOVELIFE AT THE MOMENT. Kumusta naman ang puso mo ngayon?

“Masaya ako kasi nagtatrabaho ako. I’m always with my Mom.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala nga raw lovelife si Paolo ngayon at puro trabaho lang muna ang inaasikaso niya.

Kelan lang ba napahinga ang lovelife mo?

“Alam naman ng lahat kung kailan natapos ’to, “ na ang tinutukoy niya ang marriage nila ni Lian

“Nandun lang yun.”

May time table ka bang sinusunod ngayon kung kailan ka mai-in love uli?

“Wala. Wala naman. First thing about me, I have to fix my life first before I enter whoever’s life or before I do something.”

Pagdating naman sa kanyang mga anak, kumusta naman ang mga ito?

“Ay, okay na okay sila. Nakita ko sila kamakailan lang. Birthday nila, I was with them.

“I can see naman, they’re fine. Three and two years old. Very healthy.”

Paano kaya kung dalhin ni Lian sa ibang bansa ang inyong mga anak para doon na manirahan?

REASON FOR KEEPING MUM. Umiwas agad siyang pag-usapan ang tanong.

Sabi niya, “I cannot talk about that... sorry.

“I know you hate me right now,” biglang baling sa amin ni Paolo, “because I don’t speak.

“Pero kilala mo naman ako na salita ako nang salita, ngayon lang talaga ako medyo hindi nagsasalita... pasensya na.”

Kakaiba bang Paolo ang makakausap ng press hangga’t may issue sa kanyang personal na buhay partikular na sa kanila ni Lian?

“Yes, of course!” mabilis niyang pag-amin.

“Ahm, such problem medyo mahirap i-divulge sa tao, e. Unless, wala akong masasabing tama or wala akong masasabing sure kung anuman, ayoko muna.

“Kumbaga, sinusunod ko lang ang bilin sa akin ng network (GMA-7) mismo, ng mga tao sa network.”

Paano nabago ang takbo ng buhay or naapektuhan ang buhay mo sa mga pinagdaanang kontrobersya sa iyo?

“Ahm, ako lately I learned to appreciate people more. People who really matter.

“My Mom, my brother... nakita ko kung sino ang mga tunay kong kaibigan lalo sa financial problem, I saw who my friends are.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yan, totoo yan. Wala akong masasabi sa mga nawala kong kaibigan pero may mga kaibigan na nag-stay, may mga bagong kaibigan na nandiyan. I’m very happy about that.”

ISSUE WITH GLADYS. Kasabay ng pagsulpot ng hiwalayan issue kina Paolo at Lian ay ang pagdawit naman sa pangalan ng komedyanang si Gladys Guevarra.

Magkasama ang dalawa sa nagwakas nang game show ni Manny Pacquiao, ang Manny Many Prizes sa GMA-7.

Nabalita pang may pagkakautang na dollars si Paolo kay Gladys dahil ginamit daw diumano ng aktor ang credit card nito para i-settle ang mga na-consume nito sa hotel na tinuluyan nila sa Las Vegas.

Mariing itinanggi ito ni Paolo.

“Wala namang problema sa amin ni Gladys!” bulalas agad na paglilinaw ni Paolo.

“Nagkamali lang yun, pero wala! Wala naman talaga!” patuloy niyang tanggi.

Nagkausap na ba kayong dalawa?

“Yes, nagkita na kami!” agad niyang sagot.

Dugtong pa niya, “Oo, it was miscommunication lang na hindi ko alam kung paano kumalat. So, I have nothing against her. I love Gladys.”

Patuloy pa ni Paolo, “Hindi ko alam kung paano kumalat yan. Ayokong isipin kung paano kasi baka kung ano na naman ang marinig ko or something. A, ayoko ring marinig siya sa akin.

“Basta, importante kapag nagkikita kami ni Ate Gladys, we’re okay, we’re very good friends.

“Ahm, yun lang! Mahirap kapag nakikinig ka sa ibang tao. Ako rin nakikinig sa ibang tao.

“Yun nga ang natutunan ko. Huwag ka nang makinig sa iba. Kung meron kang gustong malaman, rekta ka na doon sa tao, para mas malinaw.”

Humigit-kumulang raw sa 300USD ang na-charge kay Gladys nang ipagamit nito kina Paolo ang kanyang credit card sa tinuluyan nilang hotel.

MISCOMMUNICATION ISSUE ONLY? Ano ba ang kuwento dito?

“Magulo, e. Basta, it was something... actually, hindi nga 300, 100 lang yun... 141 lang yun (USD). I had to go home...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang valet parking ng mga bisita namin which is hindi namin alam na we have to pay at tsinarge [charge] yun sa room namin.

“And yung room namin, naka-pangalan kay Ate Gladys. Tapos, I had to go home a day earlier than everyone because I have to work.

“So, umalis ako. Pagdating ko meron palang gano’n?

“Ganun lang, ganun lang ang nangyari. Alam ni Ate Gladys. Walang dapat na i-explain about it.

“Alam niya yun. Siguro lang yung ibang mga nakabalita, nag-one-plus-one na, ’uy, balita namin si Paolo may financial problem, ano ba yan?’

“Pati one hundred dollars? Alam mo yun?

“And it’s so cheap and I don’t wanna talk about it.

“Nung nagkuwentuhan nga kami ni Ate Gladys... ka-cheap-an!”

Kailan kayo nagkuwentuhan ni Gladys?

“Tagal na, tagal na. Nag-guest pa kami, nagkasama pa kami sa Celebrity Bluff. Nakakatawa nga sa Celebrity Bluff nagtanong pa sa akin ang show kung okey lang ba sa akin na kasama ko si Ate Gladys? Sabi ko, natural!

“Sabi ko pa nga, may problema ba kami? Wala kaming problema!”

“’Yang amount na yan na 100 dollars, baka nga next month 500 dolllars na yan, hindi natin masabi,” na ang nais niyang sabihin ay kapag nasundot pa nang isyu, posibleng lumaki pa ang halaga nito.

Paano mo nakita ang issue sa inyo ni Gladys? Nakakatawa ba? Nakakairita? O isyung pangkaibigan lang?

“Ang sa amin ni Gladys, wala, nakakatawa lang. But then again, it was miscommunication on both parties. So, sa tingin ko may mga narinig siya na hindi maganda. May narinig rin akong hindi maganda.

“Yan nga ang sinasabi ko na kapag kayo na ang nag-usap wala e. Okey na yun. Nakakatawa lang. Sarap pagtawanan!” pagwawakas ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN