Wendy Valdez gradually sheds sexy image; admits to being happily single

by Arniel C. Serato
Apr 20, 2013
Wendy on her renewed Christian faith: “These past two years sobrang iba yung seasons ko, iba yung communication namin ni God, it’s really good. And I could share the feeling and I could…and if only I could share to people what I feel na parang malaman nila kung gaano ka-amazing [ang makilala si God], and it’s been so good.”

Kahit una siyang nakilala sa kanyang sexy image, nililimitahan na raw ni Wendy Valdez ang pagtanggap niya sa mga sexy roles dahil sa kanyang paniniwala sa Panginoon.

Sa pakikipagkuwentuhan ni Wendy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa Ang Latest ng TV5 last Thursday April 11 sa set ng Raketeros, sinabi niyang halos three years na siyang born-again Christian.

Panimulang saad niya, “Actually, I’ve been attending church since mga magti-three years na almost.”

“So, ano kasi... these past two years sobrang iba yung seasons ko, iba yung communication namin ni God, it’s really good.

“And I could share the feeling and I could… and if only I could share to people what I feel na parang malaman nila kung gaano ka-amazing [ang makilala si God], and it’s been so good.”

GRADUALLY SHEDDING SEXY IMAGE. Tatanggap pa kaya siya ng mga sexy roles?

Patotoo niya, “A, I’ve been praying about it, so far there are some projects naman na naibibigay sa akin nang dahan-dahan…di na siya naging ganung ka-sexy, which is very good.

Continue reading below ↓

“Also, my personality, gradual din lahat na unti-unti akong lumihis sa pagpapa-sexy.”

“And kasi this is my bread and butter, ang acting [so hindi maiwasang tumatanggap din talaga ako ng sexy role], so I’m hoping for that day and I’m really praying for that day na I would do roles na kahit kontrabida, basta hindi na ako magpapa-sexy pa and that would be very exciting for me.”

Bahagi si Wendy ng Raketeros kung saan mean girl ang kanyang role. Pero ayaw naman daw niyang i-detalye kung ano ang buong takbo ng istorya.

NO ISSUE WITH ETHEL BOOBA. Itinanggi din niyang nagkakairingan sila ni Ethel Booba sa set ng Boracay Bodies ng TV5 dahil, “Friends kami talaga ni Ethel, I’ve known her for a very long time and kilala namin ang isa’t isa.”

Pagdating naman sa lovelife, ‘happily single’ daw siya sa ngayon.

Read Next
Read More Stories About
Wendy Valdez, Ethel Booba
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wendy on her renewed Christian faith: “These past two years sobrang iba yung seasons ko, iba yung communication namin ni God, it’s really good. And I could share the feeling and I could…and if only I could share to people what I feel na parang malaman nila kung gaano ka-amazing [ang makilala si God], and it’s been so good.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results