Marion Aunor on the possibility of doing Nora Aunor revival songs: “Baka isipin nila na talagang tina-try kong mag-follow sa footsteps niya.”

Marion on being pitted against Zia Quizon: “No, not really. I don’t wanna worry about that kind of thing. I just wanna do my own music and bahala na yung tao kung ano ang isipin nila.”


Isang quadruple celebration/party para sa Himig Handog 4th runner up winner na si Marion Aunor ang ginanap sa Amber Bar, The Fort nitong nakaraang linggo.

Maliban sa pagkakapanalo ni Marion sa nasabing songwriting competition, isinabay na rin ang selebrasyon para sa kanyang birthday, ang pagtatapos niya ng kanyang kurso sa Ateneo at pre-launch sa lalabas niyang album under Star Records ngayong May.

Ang party ay regalo sa kanya ng kanyang inang si Maribel, na siya ring pinsang buo ng Superstar na si Nora Aunor. Mas kilala ito bilang Lala Aunor na dating miyembro ng “Apat na Sikat” noong ’70s.

Nakangiti pa si Marion habang ipinapahayag nito ang nararamdaman sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya at ng ilang movie press pagkatapos ng kanyang mini-concert.

“I’m very excited and thankful that everyone I care about and supported me actually went to the party,” panimulang bati niya.

WELL-ATTENDED PARTY. Ilan sa mga dumalo sa party ay ang mga malalapit na kaibigan ng dalaga mula sa Ateneo, co-competitors niya sa Himig Handog, ang award-winning composer na si Vehnee Saturno, ang ilang movie at entertainment press at ang kanyang pamilya.

Isa sa highlight ng party ay ang mini-concert ng dalaga kung saan kumanta siya ng mga paborito niyang awitin at cuts mula sa kanyang album, pati na ang winning song niyang “If You Ever Change Your Mind.”

Parang hindi baguhan sa larangan ng live stage singing si Marion dahil sa ipinakita niyang performance sa mini-concert niya.

“Yeah, right!” sabay tawa niya sa narinig na comment mula sa PEP.

“Medyo awkward nga ako doon, e, especially sa first part ng show. Sobrang kinakabahan nga ako.

“Then, after nung pagkanta ng sister ko medyo okey na. I really hope that I get used to it though.”

Nitong nakalipas na March ay pumirma si Marion ng kontrata niya with Star Records. Pero dahil nga ang composer na si Vehnee Saturno ang mentor niya noong sumali siya sa Himig Handog, ito rin ang magsisilbing manager niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OPENING NEW DOORS. Natutuwa si Marion dahil marami nang magagandang opportunity ang dumating sa kanya ngayon.

“Eto nga po, maglalabas na kami ng album under Star Records, then yung song ko ginamit na soundtrack sa Apoy Sa Dagat [serye sa ABS-CBN] yung winning song ko. And ginamit din yung song ko sa Be Careful with my Heart [daytime series din ng Kapuso Network].”

Isang original composition niya ang carrier single ng album at hindi ang kanyang winning song.

Paliwanag ni Marion, “Well, I guess yung “If You Ever Change Your Mind,” matagal na siyang out. I don’t know why they decided for a new song to be my carrier single. I guess lang it’s something fresh and something new that will catch people’s attention.

“Maybe yun pa ang reason nila kung bakit bagong song ang gagamitin for my carrier single. But my winning song is also included in the album. Saka marami pang original songs doon.”

Maliban sa Star Records, may kontrata din raw si Marion sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Ayon kay Marion, malaki raw ang nabago sa buhay niya matapos siyang manalo sa Himig Handog.

“I guess, if I search my name in the internet, may lumalabas na. So, far, yun pa lang naman yung changes.

“Hindi pa naman po sobrang famous na pinagkakaguluhan na ako. Medyo may recall lang po ng konti yung name ko.

“I guess it feels nice to be recognized,” pag-amin niya.

NOT RIDING ON AUNT’S LEGACY. Tungkol naman sa napasikat na kanta ng kanyang Tita Nora Aunor, natanong si Marion kung bakit hindi siya nagka-ideya na i-revive ang ilan sa mga kanta nang kanyang famous auntie.

“We never really talked about that at saka personally I don’t think…would that be pretty cool at the same time parang pros and cons na rin ng paggamit ko ng Aunor as my last name.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga, baka isipin nila na talagang tina-try kong mag-follow sa footsteps niya.

“So, I want to separate... I mean, as long as maganda naman yung paggamit ko ng apelyidong Aunor parang okay na yun..

“Saka ayoko rin laging attached [yung name ko sa iba]. Gusto ko magkaroon ng sarili kong name sa industry.”

“I’m very supportive of her [Nora]. I really look up to her. Ang dami niyang na-accomplish.

“Hindi ko naman tina-try na gayahin pero I mean, it would be pretty cool to reach that level of fame as well,” saad ni Marion.

Magkaiba ba talaga kayo ng genre ng Tita Guy mo?

“Yeah, I hope, people notice that— na hindi naman talaga yung ginagaya siya. Saka mahirap rin kasing ma-compare.

“Ang laki po kasi nung pressure na related kami sa isa’t isa,” paliwanag pa niya.

RIVALRY WITH ZIA QUIZON? Isa sa posibleng intrigang haharapin ni Marion ay ang pagiging rival nila ni Zia Quizon.

Si Zia Quizon ay anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy at ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

Halos pareho ng music genre sina Marion at Zia. Malamang sila ang magiging magkaribal sa puwesto.

Reaction-comment agad ni Marion, “A, yeah, I’m a huge fan of hers actually. But then, I don’t know. I think there’s really not that many similarities between our styles. But I’m a huge fan.”

DIFFERENT STYLES. Hindi ka ba natatakot na baka magkaroon kayo ng comparison ni Zia?

“A, not really but I would be flattered kasi magaling talaga siyang musician,” pagpugay niya kay Zia.

Okay lang sa iyo na paglabanin kayo at intrigahin?

“Actually, we collaborated before sa ASAP. Kami ni Zia... si Bamboo. Kinanta namin yung kay Demi Lovato and it was pretty cool working with them. Parang magiging mas collaborative than yung parang mag-aaway kami,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi mo nakikitang maka-rival o kakumpetensya si Zia?

“No, not really. I don’t wanna worry about that kind of thing. I just wanna do my own music and bahala na yung tao kung ano ang isipin nila,” diin niya.

Ano ba ang pagkakaiba nang genre o style ng music nila ni Zia?

“I think hers is more jazzy. Tapos yung sa akin... well, yung “If You Ever Change Your Mind” is a ballad.

“Actually, marami talagang genre yung album ko, magta-try pa ako ng ibang type ng music.

“I don’t know really know how to compare my songs with Zia’s,” pagtatapos niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN