Charice Pempengco’s new hairstyle draws mixed reactions from fans

Sa isang comment naman sa kanyang Instagram page, may nakasaksi na hindi raw siya nakilala ng isang security guard sa ABS-CBN compound at ayaw siyang papasukin.

Hanggang sa nagalit na raw si Charice at nakapagsalita ng hindi maganda, doon lang daw siya nakilala ng security guard.


Mixed reactions ang inaani ng international singer na si Charice Pempengco dahil sa bagong hairstyle niya ngayon.

The singer is now sporting a short cropped hairstyle na itim na ang kulay.

Ito ang ikalawang beses na mag-iba ng hairstyle si Charice mula sa kanyang girlie-girlie long hair with full bangs na mas gusto ng kanyang mga fans noong una siyang lumabas sa hit US TV series na Glee.

CONFUSED FANS. Naguguluhan nga tuloy ang ilang mga tagahanga ni Charice sa transformation na gusto nitong ma-achieve.

Noong magpa-blonde nga si Charice a la K-Pop hairstyle noong maging judge siya sa The X Factor Philippines, umani siya ng mga hindi magagandang comments.

May nagsabi nga noon na nakahawig tuloy niya ang komedyanteng si Maverick Realova (ang comic partner ni Ariel Villasanta) dahil magkapareho sila ng kulay at style ng buhok.

Noong i-post nga ni Charice sa kanyang Instagram page (@officialcharice) ang kanyang new look at marami ang nag-download nito para i-post sa iba’t ibang blogs, nakakuha ito ng magkakaibang feedbacks.

Ilan nga sa mga nag-comment ay lalo raw nagmukhang tomboy na si Charice. Mukha na raw itong lalaki talaga.

May nag-comment din na look-alike na niya ang teen heartthrob na si Daniel Padilla dahil pareho na sila ng pagkaka-style ng buhok.

Meron namang nag-comment na kahawig na ni Charice ang supreme leader ng North Korea na si Kim Jong-un.

UNRECOGNIZABLE. Sa isang comment naman sa kanyang Instagram page, may nakasaksi na hindi raw siya nakilala ng isang security guard sa ABS-CBN compound at ayaw siyang papasukin.

Hanggang sa nagalit na raw si Charice at nakapagsalita ng hindi maganda, doon lang daw siya nakilala ng security guard.

May kuwento rin na noong nagbago ulit ng buhok si Charice, hindi raw ito alam ng kanyang inang si Raquel Pempengco at nagulat na lang ito nang makita si Charice na gano’n na ang buhok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinagalit nga raw ito ng ina ni Charice, pero wala na raw itong magawa dahil ito raw ang kagustuhan ng kanyang anak.

Sa huling pag-post niya ng litrato nila ng kanyang ina, mukhang okey na sila at tanggap na ng kanyang ina ang bagong look niya.

Una ngang nakita ang new hairstyle ni Charice nang mangampanya ito para sa Team PNOY sa isang sortie.

Marami ang hindi nakakilala kay Charice noong dumating ito dahil suot nito ay blue polo shirt, bow tie at brown low-waist pants. Noong umawit na raw ito, doon lang nila nalaman na si Charice pala yung inakala nilang lalaki na umakyat sa entablado.

Mukhang wala na ngang pakialam si Charice sa sasabihin pa ng ibang mga tao sa kanyang bagong hitsura. Proud pa nga niyang i-post ang kanyang new look para iparating na masaya siya sa kanyang mga ginagawa sa sarili.

CHASTERS TO THE RESCUE. Pinagtatanggol naman si Charice ng kanyang mga fans na kung tawagin ay mga “Chasters.”

Respetuhin naman daw ang mga ginagawa ni Charice sa kanyang sarili dahil ito nga ang gusto ng kanilang idolo.

Kasalukuyang nasa vacation mode si Charice ngayon at kunsaan-saan ito namamasyal sa Pilipinas.

Sa huling post nga sa web fansite niya na www.charicemania.com last April 15, kasama ng singer ang kanyang inang si Raquel at ang kapatid na si Carl sa kanyang bakasyon.

MEETING WITH WARNER JAPAN. Kasalukuyang mga raw na nasa Japan ngayon si Charice at may series of shows siya roon na ginagawa.

Hinihintay nga ng mga Chasters ang mga susunod na gagawin ni Charice dahil matagal nga itong napahinga sa kanyang pag-perform.

Huli nga nilang balita ay nagtungo sa Tokyo, Japan last February si Charice para makipag-meeting sa mga executives ng recording label na Warner Japan.

Tahimik lang daw ang Warner Japan tungkol sa pakikipag-meeting nila with Charice, pero nag-post naman sila ng photos ng singer sa kanilang Twitter page na @wmj_intl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malamang na gagawa si Charice ng bagong album at ipag-produce siya roon ng concert ng naturang label.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN