Rochelle Pangilinan on how she settles differences with boyfriend Arthur Solinap: “Actually, siya yung nag-a-adjust sa akin.”

Rochelle on how many kids she would want to have: “Ako gusto ko dalawa. Siya kasi ang gusto niya ay apat pero siyempre ako ang masusunod at hindi siya. Ang magluluwal. Pero, siyempre, depende rin. Kung yun ang ibinigay ng Diyos, di ba, tatanggapin ko.”


Sobrang happy si Rochelle Pangilinan sa tunay na estado ng relasyon nila ni Arthur Solinap na kasama niyang muli sa Home Sweet Home, ang pinakabagong family entertainment show ng Kapuso network.

Sa Lunes, April 22, ang pilot airing nito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dancer-turned-actress ay ipinagmamalaki nito ang limang taong pag-iibigan nilang dalawa, pati na rin ang magandang relasyon ng kani-kanilang pamilya.

Kuwento niya, “Alam mo yun, nung pumunta kaming Hong Kong, gusto nila ay kasama rin sila… Matuk mo yun? Kasama nga namin yung parents niya at parents ko pati bunso kong kapatid.

“Natutuwa ako kapag magkakasama kami kasi ang saya namin. Ang kukulit naming anim.

“Habang kumakain kami sa isang table, wala kaming ginawa kundi tumawa. Masaya!

“Kasi mabait ang mommy at daddy niya, ang nanay at tatay ko naman, e, tahimik lang, so, ako ang maingay sa pamilya.

“Ako lang ang nagpapatawa, ako yung babangka sa kuwentuhan. Happy talaga. Sobra.”



OPPOSITES. Sa kanilang dalawa naman ni Arthur, aminado siya na siya din yung laging maingay at ang huli naman ang serious type.

Ani Rochelle, “Oo nga. Pero naba-balanse naman.

“Minsan ay natawa siya kasi inamin niya sa isang interview with the press na hindi niya akalain na kikay ako.

“Kaya, makikita mo talaga na parang nagmi-meet kami halfway.

“Kung wala yang kibo, para hindi kami ma-bore ay kung anu-ano ang ginagawa ko para maging alive kami.

“Alam mo yun? Pero, nasasakyan naman niya.

“Minsan siya naman ang inaabot ng sobrang kakulitan. Hinahayaan ko na lang kasi, moment niya yun.

“Minsan lang mangyari na siya yung parang bida sa aming dalawa.”



SEXY ATTIRE. Kilala si Rochelle na kung manamit ay may kaseksihan.

Sa mga dance numbers niya sa Party Pilipinas ay karamihan very daring.

Hindi kaya pinagmumulan ito ng selos sa pagitan nilang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually kapag wala ako sa TV, hind ako ganun manamit,” paliwanag niya.

“Kapag lumalabas ako, makikita mo, simple lang ako. Naka-T-shirt lang, naka-maong pants lang.

“Simple lang talaga.

“Kaya nung nanliligaw pa yan sa akin, nagulat siya nung makita niya kung paano ako naka-get up.

“Kasi sa TV nga, di ba, kung manamit ako ay naka-bra, naka-shorts. Nakalabas yung katawan, yung sayaw ko sobrang sexy.

“Tapos makikita niya ako na ganun ako ka-simple Nagulat siya. Parang gusto niyang isipin na’Bakit ganun?’

“Sabi ko sa kanya, “Anong gusto mo? Sexy na ako sa TV, sexy pa ako sa labas?’ Naku, baka magahasa na ako n’yan.

“ Natawa siya.”

Sabi pa ng seksing dancer, “Ganito lang talaga ako. Yung naka-jacket. Balot ang katawan. Parang manang type.

“ Ito talaga yung trip ko. Kasi, ayaw ko namang maging bastusin ako paglabas ko. Baka, mapaaway pa ako o siya, di ba?

“At saka yung mga lalaking iba ang tingin sa akin, na-disappoint sila,” natatawa pa siya.

Tungkol naman sa sobrang sexy niyang sumayaw, ang sabi ni Rochelle, “Hindi naman naging problem yun sa aming dalawa.

“Kasi, alam naman niya na nakilala niya ako, ganito na ang sayaw ko.

“So, never niya akong na-question dahil dun.”



CRUSHES. Naitanong din ng PEP sa kanya kung nagkaka-crush pa rin ba siya sa ibang lalaki. O, ang boyfriend niya sa ibang babae.

Nagiging dahilan ba ito ng hindi nila pagkakaunawaan?

Iiling-iling na sagot niya, “Hindi, e. Kasi alam niya na wala akong crush na... alam niya na foreigners ang crush ko, e.

“’Pag sinabi ko sa kanya na ‘Oy, crush ko si ganyang Hollywood actor,’ ang sagot niyan ay kaswal lang na: ‘a, okey.’ Dedma.

“Siya naman, ’ala din siyang crush na local actress pero baka hindi rin lang niya inaamin,

“Okay lang sa akin, basta huwag lang niyang seseryosohin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro namin sa kanya.

Ilang taon na ba siya at parang wala siyang balak mag-settle down?

“Next question please,” natatawang hirit niya.

Si Arthur?

Nag-isip pa siya, “Magti-thirty two [years old] na ‘ata siya. Pero, mas matanda naman siya sa akin.

“ Kasi, di ba nga sabi nila ay mas matagal mag-mature ang mga lalaki.

“Sa part naman niya, actually, siya yung nag-a-adjust sa akin.

“Maaga akong nag-mature. Ngayon, pabata na ako ng pabata,” muling natatawang saad niya.

Inam in din ng Party Pilipinas mainstay na hindi pala sila madalas magkasama sa mga gimikan.

Sabi niya. “Yun ang nakakatawa sa aming dalawa.

“Gimik kami nang gimik pero kadalasan ay hindi kami magkasamang dalawa.

“Minsan, nakakatuwa siya kasi sasabihin niya ba, ‘Oy, inom naman tayo. Mag-unwind naman tayo.’

“Tapos, sasagutin ko naman siya na, ‘O, sige. Dito na lang tayo sa veranda ng bahay.’ Ganun kami.

“Yun na ang naging trip namin.”

Paliwanag pa nya, “Sa ano kasi, sa showbiz, masyado nang maingay.

“Like ako nasa Party Pilipinas, alam mo maingay na.

“’Tsaka ako sinasabi ko sa kanya na ako pag nabuntis ako gusto ko ay nasa Iloilo ako [Ilonggo si Arthur].

“Maganda sa probinsiya. Fresh air, di ba?



KIDS. Talking about having a future family, ilang anak ba ang plano nila?

Mabilis niyang tugon, “Ako gusto ko dalawa.

“Siya kasi ang gusto niya ay apat pero siyempre ako ang masusunod at hindi siya.

“Ang magluluwal. Pero, siyempre, depende rin. Kung yun ang ibinigay ng Diyos, di ba, tatanggapin ko.”

Just in case magkaanak na siya, tuloy pa rin ba ang pagsasayaw niya?

“Siguro mag-a-adjust,” pahayag niya. “After manganak, kung kaya ko pa, itutuloy ko.

“Pero kung sa tingin ko, hindi na dapat, ititigil ko na.

“Kasi, siyempre, nanay na rin ako that time, marami na akong iku-consider.

“Pero, siyempre, mami-miss ko ang pagsasayaw kasi heto ang bumuhay sa akin at sa pamilya ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



KEEPING IN TOUCH WITH SEXBOMB GIRLS. Sa huling tanong namin sa kanya, kinumusta namin ang relasyon niya sa Sex Bomb dancers.

“Okay naman kami,” sabi niya. “Mababait naman kami sa isa’t isa sa Party P… kaya lang yung iba kasi ay hindi ko na rin mga kakilala.

“Iba na ang ilang mga ka-grupo ngayon. Mga bagets na.

“Pero yung mga seniors, kahit anong gawin sa amin, hindi man kami magkita-kita, like si Sunshine, si Mia at yung iba pa, kapag pinagsama-sama mo kami, masaya pa rin kami sa isa’t isa.

“Imposibleng hindi.

“Sa labas nagkakasama pa rin kami. Nagkikita-kita pa rin kami.

“As a group, four years pa lang ‘ata kaming naghihiwalay pero as friends, hindi nagkawatak-watak”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN