Jolina Magdangal all praises for Mundo Mo’y Akin co-star Alden Richards: "Makikita mo talaga ang sincerity niya na hindi niya pina-plastic."

Concerned si Jolina Magdangal sa nababalitang paglipat sa ibang network ng kaibigang si Ogie Alcasid. Pahayag ng actress-singer, “Iba pang nababalitaan ko, parang in a way, nagwo-worry lang ako kung bakit nagkakaroon ng ganoon. Or, bakit namamaalam?”


Si Jolina Magdangal ay gumaganap bilang Aida sa GMA-7 primetime series na Mundo Mo’y Akin.

Sa istorya, siya ang tumatayong nanay-nanayan ni Alden Richards kahit hindi siya ang tunay na nagluwal dito.

Kung pagbabasehan ang mga eksenang umeere ngayon, ang karakter ni Jolina ang tila hindi pa buo sa mga manonood kung sino siya talaga.

Kaya tungkol sa kanyang karakter sa soap ang unang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jolina nang makausap namin siya sa pictorial ng PPL talents sa Rancho Gonzalez sa Batangas.

Sabi niya, “Gusto ko kasi, mga tao na lang ang mag-observe at saka yung mga nakakapanood.

“Ako naman ay dumedepende lang din sa mga observation ng mga tao.

“At saka, kung may mga suggestion man ako, hindi rin ako basta tumatahimik.

“At yung suggestion ko, hindi lang para sa akin, para rin sa buong show. Kumbaga, sa ikakabuti ng buong show.”

Kontrabida ba siya talaga sa Mundo Mo’y Akin?

“Scheming,” sabi ni Jolina.

“Nandoon pa rin ako sa gitna. Kasi gusto ko, kung kontrabida ka man, meron kang pinanggagalingan.

“Ayoko ng makasabi ka lang ng pangit, yung ganoon. Parang gusto ko, may lalim.”



CONTENTED. Masaya ba siya sa itinatakbo ng karakter niya sa Mundo Mo’y Akin?

Tugon ni Jolina, “Happy ako sa naging reaction ng tao noong week one at week two kasi…

“Gusto ko talagang maging effect sa kanila na, ‘Ano ba ito? Kontrabida ba ito? Bakit hindi ako naiinis sa kanya?’

"At yun ang talagang gusto kong i-project.

“Tapos, nalilito sila kung kontrabida ba ito o mabait… parang ganoon.

“Yun ang gusto kong ma-feel ng mga tao at kapag lumalabas ako, in fairness, yun ang sinasabi nila.

“Pati mga comments nila na, ‘Hindi namin maintindihan kung maiinis kami sa kanya.’

“Kontrabida na mabait kasi, gusto ko talagang yun ang maging effect sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



COMPETITION. Pero sa kanilang tatlo nina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz, tila ang karakter niya ang hindi masyadong nae-establish sa manonood kung ano nga ba ang purpose sa kuwento.

Kumpara noong umpisa na malinaw na siya ang nakakaalam ng lihim na ipinagpalit niya ang mga anak nina Sunshine at Angelika na sina Louise delos Reyes at Lauren Young.

Hindi kaya medyo lumalaylay ang kanyang karakter?

Sabi naman ni Jolina, “Hindi lumalaylay kasi baka may plano.

“Siguro, ako lang, gusto ko lang din malaman ngayon pa lang ang kapupuntahan ng Aida.

“At saka, ako kasi, binabasa ko talaga ang script. Naka-clear book nga ‘yan.

“Hindi lang eksena ko ang binabasa ko, buong script, para alam ko kung saan papunta.

“Honestly ngayon, with my character, medyo nalilito pa ako, pero siguro naman may plano.”

Sa ngayon, sina Sunshine at Angelika ang madalas na naipapakita sa mga eksena.

Diretsuhan naming tinanong si Jolina kung may kumpetisyon ba sa kanilang tatlo.

Sagot niya, “Honestly, hindi ko nakikita—sila kasi talaga ang nanganak. Anak nila ang ipinagpalit ko.

"So, hindi ko nakikita—at saka hindi ko ugali, hindi ko ugaling makapagsapawan.

“Basta alam ko kung saan papunta ang role ko.

“Pero kung hindi ko na naiintindihan kung saan papunta, kailangan magtanong ako eventually.

“At kung magtatanong ako, hindi dahil sa iba kung hindi sa role ko sa Mundo Mo’y Akin.

“Kasi, para magtanong ako dahil nakikita ko sa iba, hindi tama.

“Bakit ka magbabase sa iba, e, kanya-kanya kayong role, so bakit ka magko-compare sa iba?”

Tapos na ba siya sa panahong parang may kumpetisyon palagi sa ibang artista?

“Ay, tapos na!” bulalas niya.

“Pero siyempre, hindi puwedeng may contentment ka, relaxed ka na lang.”



IMPRESSED. Kinumusta rin namin kay Jolina ang anak-anakan niya sa soap na si Alden Richards.

“Okay siya. Kasi once na mag-reading kami, memorized na niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At nakikitaan ko siya ng difference mula doon sa One True Love niya at saka yung ngayon.

“At saka, mabait siya. Nakikita ko rin siya sa Party P, hinahabol niya akong talaga.

“Hahabulin niyang talaga yung ano... hindi ko naman sinasabing maya’t maya gawin niya yun.

“Pero makikita mo talaga ang sincerity niya na hindi niya pina-plastic.

“Kasi, kahit na staff, kahit na acquaintance, kahit na RM [road manager] ko, si Ate Tracy [Baky], hindi naman palaging nasa Party P, naaalala niya, babalikan niya.

“At mula noon, hindi pa man nag-i-start ang taping, ’Nay’ na ang tawag niya.

“Kaya parang nami-miss ko tuloy ang kapatid ko.

“Mabait siyang bata. Nakakatuwa siya, nakikinig siya kapag meron kang advice.”



NETWORK TRANSFER. Naitanong din namin kay Jolina kung nababalitaan o naririnig na niya ang diumano’y posibleng paglipat ni Ogie Alcasid ng istasyon.

Malapit din sa isa’t isa sina Jolina at Ogie bukod sa matagal silang nagkasama sa Party Pilipinas kahit noong SOP pa lang ito.

Ayon kay Jolina, “Dahil kaibigan ko si Kuya Ogie, ka-small group ko yun, e.

“At saka, iba pang nababalitaan ko, parang in a way, nagwo-worry lang ako kung bakit nagkakaroon ng ganoon. Or, bakit namamaalam?

“Kasi kapag namamaalam ka, either may misunderstanding or bakit kaya?

“Pero ayoko nang umusisa kasi sila yun.”

Hindi pa niya natanong o nakausap si Ogie tungkol dito?

“Hindi, e,” kumpirma niya.

“Kasi, kapag small group, hindi talaga for that. Tapos, hindi talaga ako nagpapakuwento, kahit na ano."

Malulungkot ba si Jolina kung lilipat nga ng TV5 si Ogie?

“Oo,” mabilis niyang sagot.

“Mula nang lumipat ako ng GMA, nandoon na siya sa SOP. Nakasama ko pa sa Daddy Dearest, ka-small group ko pa.

“So, parang sayang. Sayang. Okay si Kuya Ogie, e.”

TRANSFERRING AGAIN. Sa parte ni Jolina, hindi ba niya naiisip ding lumipat muli ng ibang network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Sa akin kasi, hindi porke’t marami ang naglilipatan, iisipin mo na rin.

“Sa akin kasi, meron naman akong taping, meron naman akong work.

“So, pinapakinggan ko na lang kung anuman yung mga naririnig kong hinaing.

“Tapos, papakinggan ko naman yung sa akin, okay naman yung sa akin.

“In fairness, mabait naman sa akin ang GMA.”



OWN HOUSE. May lupa nang nabili si Jolina at ang mister nitong si Mark Escueta para sa magiging bahay na talaga nilang mag-asawa sa Quezon City.

Pero medyo natagalan lang daw ang pag-aayos ng mga permit kaya hindi natuloy ang plano nila noong March na simulan na ang pagpapatayo ng bahay.

Kuwento ni Jolina, “Si Mark, meron siyang apps [application] na ikaw na ang gagawa ng sukat ng bahay mo.

“Kaya kapag prinisent namin sa architect, in a way, alam na nila. Suggestion na lang.

“Gusto namin, kayo po, kung ano ang bahala... hindi. Gusto namin kung paano mangyayari yung ganyan.

“Ang ganda ng apps na yun na konting galaw mo, masusukat talaga na wall to wall.

“Pero next week, kakausap na kami nga architect at constructor.”

THE IN-LAWS. Mula nang ikasal sila, sa bahay na nina Mark sa Parañaque tumira si Jolina, kasama ang mga magulang ng mister.

Kumusta naman ang buhay kasama ang in-laws niya?

“Okay naman,” nakangiti niyang sabi.

“Mabait kasi sila at, usually, wala pa sila sa balur [bahay]. Lately, wala rin ako masyado doon.

“Pero ganoon pa rin sila, nagdi-dinner kami palagi. Sila pa nga yung nagtatanong, ’O, kumusta ang bahay?’”

Wala na ang ilang factor?

“Wala. Actually, ako yung kahit na mababait sila, ako yung naiilang pa rin na maggagalaw, mag-iikot.

“Kahit na sinasabi nilang, ‘Go, wala naman kami rito. O kapag may gusto kang pagkain, sabihin mo lang.’

“Yung mga ganoon, pero nahihiya akong talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na kapag wala si Mark, kakain na lang ako ng tinapay sa loob ng kuwarto… nahihiya akong talaga!” natatawang kuwento niya.

Alam ni Mark yun?

“Oo, kaya nga minsan, siya na ang tumatawag. Pero sabi ko, kapag gutom na ako, bumababa naman ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN