Barbie Forteza on network transfer: “Hindi pa dumadating sa point na gusto kong lumipat ng network.”

by Glenn Regondola
Apr 23, 2013
Nag-react si Barbie Forteza sa balitang ayaw raw ni Derrick Monasterio sa isa pang ka-loveteam na si Ruru Madrid. Aniya, “Ano yun, dyowa? ’Wag nga siyang aarte-arte doon! Siguro naman ay nagbibiro lang siya doon. Para naman na siya ang ipa-partner?”

Hindi naiinip ang teen star na si Barbie Forteza kung hanggang ngayon ay wala pa siyang kasunod na project pagkatapos ng Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa.

“Walang masyadong bago,” nangingiting sabi ni Barbie sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room ng Party Pilipinas.

Pero busy raw siya ngayon sa pagpo-promote ng kauna-unahan niyang album.

“Yung self-titled album ko lang muna ang pinagkakaabalahan ko. Noong April 15 na siya na-release.

“Nagpapasalamat nga ako kasi lagi daw siyang pinapatugtog ng mga deejay sa radio. Akala ko nga, joke lang.

“Nagpapa-thank you ako kasi balita ko nga, hindi pa siya formally nilu-launch pero nag-number two na raw.

“Hindi ko naman inaasahan yun kaya, thank you, thank you talaga sa tiwala at suporta nila.”



NETWORK TRANSFER. Pero may lumabas na intriga na pumunta si Barbie sa ABS-CBN, na ang akala ng marami ay nakipag-meeting siya sa executives ng Kapamilya network para lumipat.

Continue reading below ↓

“A, hindi totoo yun!” mulagat ang matang reaksiyon niya.

“Nag-promote lang talaga ako ng album ko sa MYX [music channel].

“Hindi naman mangyayari yun. Solid akong Kapuso, e.”

Paano kung may mag-offer sa kanya tulad ngayon na uso ang lipatan?

“No! Hindi talaga. Ayaw ko," sagot ni Barbie.

“Gusto ko ma-establish dito sa GMA. Siyempre, sila ang unang nagbigay sa akin ng tiwala.

“Hindi pa dumadating sa point na gusto kong lumipat ng network.

“At saka, ayaw kong pangunahan sila, e. Nakakahiya naman.”



ON HOLD. Hindi naman daw sumasama ang loob niya sa GMA Artist Center kung bakit hanggang ngayon ay wala pang kasunod ang huling project niya.

Sabi ni Barbie, “Okay din lang naman. Siguro kailangan ko rin ng pahinga, kasi sobrang pagod kami sa Paroa.

“Actually hindi naman ako nakapagpahinga, kasi marami ring mall shows and regional shows.

“Hindi naman ako nababakante, e.”

Maging ang pagbo-boxing ay pansamantala na rin niyang itinigil.

Continue reading below ↓

“Hay naku, itinigil ko kasi wala namang nangyayari sa akin.

“Tingnan ninyo, ang taba-taba ko pa rin. Stop na yun!” natatawang sabi niya.

DERRICK MONASTERIO. May balitang nagkaroon na rin ng lull ang friendship nila ni Derrick Monasterio matapos ang fantaseryeng ginawa nila, ang Paroa.

Kumusta na nga ba sila?

Ani Barbie, “Ayun, bihira na rin kaming magkita. Ngayon lang kami uli nagkita.

“Teka, nagkita pala kami once, then ngayon na lang uli.”

Nagkatabangan na ba sila sa isa’t isa?

Kontra ng mestisahing teen star, “Hindi naman. Ano kasi, may kanya-kanya naman kaming buhay.

“Minsan, inuumaga rin siya sa taping. Wala na siyang time na dumalaw. Text-text, ganoon.

“Pero dito sa Party P, nagkikita-kita naman kami.”



NEW PARTNER. Ang Protégé: The Big Artista Break finalist na si Ruru Madrid ang isa pang kapareha ni Barbie sa Paroa. Tuloy pa rin ang balitang ipa-partner siya kay Ruru?

“Wala namang problema sa akin,” sabi ni Barbie.

Continue reading below ↓

“Mabuti nga, may plano pa silang ganyan sa akin, di ba? Kailangan ko pa bang maging choosy?

“Okey naman ako kay Ruru. Mabait siya at very professional.”

Sa isang panayam ay sinabi ni Derrick na ayaw niya si Ruru para kay Barbie. Ano ang reaksiyon dito ng teen actress?

“Ano yun, dyowa? ’Wag nga siyang aarte-arte doon!" parang naiinis na reaksiyon niya.

Pero dagdag ni Barbie, “Siguro naman ay nagbibiro lang siya doon. Para naman na siya ang ipa-partner?”



NO RIVALRY. Ano ang pakiramdam ni Barbie na ini-launch na rin ang dati niyang kasama sa Tween Hearts na si Kim Rodriguez via Ang Kakambal ni Eliana?

“Ay, oo, nakakatuwa. Kasi, ang alam ko nagsimula siya sa Walang Tulugan tapos nakasama nga namin siya sa Tween Hearts.

“Ngayon ay lead role na siya. Kaming mga taga-Tween ay very happy for her.

“Kasi, alam din namin na gusto niya talaga ang magkaroon ng solo project, gusto niyang sumikat—deserved niya yun.

Continue reading below ↓

“Nakakatuwa kasi binigyan siya ng chance ng GMA,” saad ni Barbie.

Wala naman daw siyang insecurity na nararamdaman.

“Wala, wala...

“Actually, kahit nga yung sa amin ni Bea [Binene], hindi ko nga alam kung they made it a big thing.

“I don’t think na kailangan kong isipin na kakumpitensiya ko siya kasi may kanya-kanya kaming lugar.”

Hindi naman daw masama ang rivalry para kay Barbie.

“Hindi rin. Kasi it helps naman na maging aware ang publiko sa amin, e.

“Kahit noon pa, ewan ko ba kung bakit sinasabi nila na malakas ang rivalry namin ni Bea.

“Pero, friends naman kami,” pagsisigro niya.

Pero most of the time ay hindi magagandang publicity ang isinusulat sa kanilang dalawa. Mayroon pang bashers.

Sabi ni Barbie tungkol dito, “Sabi nga nila, good or bad publicity is still publicity.

“Pero minsan kasi nakakasawa na rin... kahit yung mga tao ay nagsasawa na rin sa isyu.

Continue reading below ↓

“Nasa kanila na rin yun na kung ang mga isinusulat nila ay pagsasawaan na rin ng tao.”



CHANGE IMAGE. Marami rin ang pumupuna na sobrang sweet ng image niya—too sweet for comfort.

Paliwanag naman ni Barbie, “Ganoon talaga ako, e.

“Kung sweet man ako at yung iba ay unti-unti nang magma-mature, I’ll stick sa pagiging sweet.

“Kasi alam ko na doon ako mag-i-stand out.

“Bata pa naman ako. Alam naman ng network kung kailan nila ako isi-shift into a more mature actress.

“Fifteen pa lang naman ako, so for now ay bagay pa naman sa akin yung pa-sweet-sweet, di ba?

“Pero, alam ko na time will come na magkakaroon ng change.

“Siguro when that time comes, pag-iisipan ko din kung ano ang magiging decision ko.”

What if dumating yung time na kailangan niyang maging daring sa isang role, sa tingin ba niya ay papayag siya?

“How daring?” pasubali naman niya.

Continue reading below ↓

“Kung yung daring na mature role na magpapakita ng ano, malulugi sila sa katawan ko.

“Tapos, hindi ko pinangarap na sexy star. Gusto ko, pagtanda ko, they will respect me.

“Gusto ko, maalaala ako dahil sa abilidad ko at hindi dahil nagpa-sexy ako.

“As much as possible, ayaw ko talaga.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-react si Barbie Forteza sa balitang ayaw raw ni Derrick Monasterio sa isa pang ka-loveteam na si Ruru Madrid. Aniya, “Ano yun, dyowa? ’Wag nga siyang aarte-arte doon! Siguro naman ay nagbibiro lang siya doon. Para naman na siya ang ipa-partner?”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results