Edgar Allan Guzman chooses to steer clear from controversies on the set of Never Say Goodbye

Edgar Allan Guzman says he chooses to avoid the controversies on the set of Never Say Goodbye. He explains, "Yung mga controversy naman sa mga cast ng Never Say Goodbye, kumbaga, ako, may naririnig ako. Pero hindi ako yung nakikisali. Hindi ako yung nagtatanong sa kanila. Yun lang. Bilang artista, dadating ako sa set. Yun, tatawa lang ako sa kanila. Hindi ako yung makikisali. Hindi talaga."


Kinunan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Edgar tungkol sa alitan ng mga kasamahan niyang artista sa TV5 primetime series na Never Say Goodbye.


Nagpahayag kasi sina Gardo Versoza at Rita Avila ng mga reklamo nila laban kay Alice Dixson, na tinototoo raw ng huli ang mga eksenang sakitan at murahan.

Ngunit ayon sa pinakahuling ulat ay nagkaayos na sina Gardo at Alice.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Edgar tungkol sa isyu, “Wala. Ako naman, di naman ako ma-issue kasing tao, e.

"Pero naririnig ko ’yan. Siyempre ako, ayoko naming magpaapekto dun.

“Ayoko naming bigyan ng kulay yung… mag-isip sa kanila na, ‘Ay, mag-aaway sila.’

“Hangga’t sa hindi ko pa nakikita na actual na nag-aaway sila, na nagsasampalan, hindi ako maniniwala.

“Yung mga controversy naman sa mga cast ng Never Say Goodbye, kumbaga ako, may naririnig ako, pero hindi ako yung nakikisali.

“Hindi ako yung nagtatanong sa kanila. Yun lang.

"Bilang artista, dadating ako sa set. Yun, tatawa lang ako sa kanila. Hindi ako yung makikisali. Hindi talaga.”

Babalik na ba si Nora Aunor sa teleserye nila?

“Alam ko, nakapag-taping na si Nanay, e.

"Patapos na din kami. Two days na lang yung taping namin. So, malungkot.

“Pero, proud naman kami sa nagawa namin at sa ginawa namin sa Never Say Goodbye.



BARON GEISLER. Hindi rin nakaiwas ang aktor sa isyu noon sa kanila ni Baron Geisler.

Sabi niya, “Ang tagal na niyan, last year pa ’yan.

“Ako, okay na ako. Siya tanungin mo siya kung okay siya.”

Kung lapitan siya ni Baron para makipagbati, makikipag-ayos ba si Edgar?

“Siyempre! Nakipagbati naman siya, e.

"Feeling ko… hindi naman niya siguro gagawin yung i-approach niya ako.

"Feeling ko, malabo naman mangyari.

"Pero sa akin naman, wala na yun.

“Matagal na yun. Before pa mag-Christmas yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nung Christmas, nagpatawad na ako, wala na yun.

"Kumbaga, yung sa amin ni Baron, okay na yun.”

HAPPY BEING SINGLE. Sinagot din ni Edgar ang balitang niyayaya raw siyang uminom ng Artista Academy finalist na si Shaira Mae dela Cruz via Twitter at Instagram.

Paglilinaw ng aktor, “Hindi, hindi... Baka nung ano pa yun, nung birthday ko pa yun.

"Pero after nun, wala na, wala na. Kahit sa Instagram, wala.

"Kahit tingnan mo mga comments ng mga posts ko, wala. Walang nagyayaya.”

Sinabi rin ng aktor na wala siyang Twitter account.

Dagdag pa nito, “Masarap maging single. Lahat nagagawa mo.”

Natanong din siya tungkol sa naging hiwalayan nila ng dating SexBomb dancer na si Johlan Veluz.

Aniya, “Ako yung nakipaghiwalay. Nakipag-usap naman ako sa kanya.

"Tagal na yun… ngayon, okay na siya.

"Naka-move on na siya. Masaya na rin siya.

"So, parehas kaming masaya.

“Yun yung mas okay dun, e. Kumbaga, parehas kami naka-move on.

"Naghiwalay kami nang maayos, hindi kami magkagalit.”

Aniya pa, “Dumadating tayo sa point na nai-in love ka.

"Hindi mo napapansin na mali pala yung paraan mo ng pagmamahal. Mali pala yung sagad na sagad. Kumbaga, ibinibigay mo lahat.

“Hindi ko lang na-realize siguro before, pero ngayon, mas matured na ako.

"Mas responsible, mas focused ngayon sa career and sa family.

"So, ako ngayon, masarap maging single.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN