Bianca Manalo denies President Noynoy Aquino is courting her

Bagamat itinanggi ni Bianca Manalo na nililigawan siya ni President Noynoy Aquino, inamin ng dating beauty queen na nakasama niya si PNoy sa isang dinner.


Inamin ng beauty queen turned actress na si Bianca Manalo na nag-dinner siya kasama si President Noynoy Aquino.

“Yeah, na-meet ko po si Mr. President,” sabi ni Bianca nang tanungin siya ng The Buzz tungkol dito.

Ngunit itinanggi ni Bianca na nanliligaw sa kanya ang Presidente ng Pilipinas.

“Wala namang ligawan but, yeah, nakipag-dinner po kami with him.

"My sister was with me, so yun po.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na naiugnay si PNoy sa kilalang personalidad mula nang maluklok siya sa puwesto.

Ilan sa mga na-link sa kanya ay ang Korean TV host na si Grace Lee, ang stylist na si Liz Uy, at ang stockbroker na si Len Lopez.

Bago manungkulan bilang Presidente ay naging girlfriend ni PNoy si Valenzuela councilor Shalani Soledad, na ngayon ay kasal na kay Pasig representative Roman Romulo.

Si PNoy ang kauna-unahang binata na naging Presidente ng Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN