Jasmine Curtis Smith on her first indie film: “I think that will be the start of where they can see my seriousness in this industry.”

Tanggap at suportado ni Jasmine Curtis Smith ang pakikipagrelasyon ng kapatid na si Anne kay Erwan Heussaff. Sabi niya, “Because I really do love him and, you know, even when people found it hard to accept her relationship because he’s non-showbiz… so people weren’t aware of who he was.”


Gaganap si Jasmine Curtis Smith sa kanyang kauna-unahang indie movie na pinamagatang Puti (Achromatopsia) sa direksiyon ni Miguel “Mike” Alcazaren.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne sa isang coffee shop sa Trinoma, Quezon City, sinabi niyang pagbubutihin niya nang husto dito at gagawin ang lahat para mag-iwan ng magandang impression sa moviegoers.

“Yeah, gusto ko ay ibang Jasmine Curtis ang makita ng publiko ngayong 2013.

“Isa itong psycho thriller at may pagka-edgy iyong role ko rito and it’s very different sa mga nagawa ko na sa television.

“Kaya excited talaga ako sa project na ito.”

Ayon sa tisay na aktres, challenging ang role niya rito at ito na ang kanyang chance na maipakita ang kanyang kakayahan sa acting.

“We had one intense workshop last week, it was all about characterization.

“So, it’s not so much about the acting skills, but it’s more on understanding the character.

“Tapos ay doon na papasok iyong skills na mayroon ka, iyong familiarity muna.

“Iyon ang pinakamahalaga para mas naiintindihan muna iyong dapat naming gawin at maibigay talaga iyong gusto ng director.”



COMPETING NETWORK. Magtatapos na this year ang kontrata ni Jasmine sa TV5.

Since nasa ABS-CBN ang kapatid niyang si Anne Curtis, may posibilidad bang subukan din niyang magtrabaho sa ibang TV network?

“Well, I think that’ll depend on the circumstances that may arise, if ever.

“You know, healthy naman ang relationship ko with with TV5 and everyone in the network.

“So, I don’t wanna say anything too far ahead for myself, you know…

“But as long as I’m happy now with what network I’m with, doon muna ako.

“Also, I don’t wanna rush into thinking na, ‘Ay, kapag ganito ay lilipat na ako…’

“I am very happy with where I am and at the moment, that’s all we’re focusing on.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinagdag pa ni Jasmine na masaya siya dahil maalaga naman daw ang Kapatid network sa kabila ng kanyang madalas na pamamalagi sa abroad noon.

“Yes, very much happy po ako sa TV5 at sa suporta nila sa akin,” sabi ng dalaga.



OPPORTUNITY. Sakaling magkaroon siya ng show na magiging katapat ng show ng kanyang Ate Anne, ano ang magiging reaksiyon niya?

“It would have to be a very good offer... siyempre mahirap din tapatan si Ate.

“But you know, a project is a project and if the opportunity arises, why not?

“It’s a good experience for me, it’s a good learning opportunity for me as well to be in this industry.

“Maganda iyon para matuto ako ng ibang skills.”



SERIOUS ACTRESS. Ano ang komento niya sa sinasabi ng iba na parang hindi siya seryoso sa kanyang career?

“Actually, yeah. Iyon po yung madalas na sinasabi nila.

"But most of my time naman, talagang dahil sa pag-aaral ko.

“Iyon yung reason for being abroad,” paliwanag niya.

Nangako rin si Jasmine na this year ay babawi siya sa kanyang mother studio, dahil sa madalas niyang pamamalagi sa Australia noon.

Kaga-graduate lang ni Jasmine ng high school sa Loyola College sa Watsonia, Australia kaya ngayong dito na siya naka-base sa Pilipinas ay makakapag-focus na raw ang dalaga sa kanyang career

“You know, the people who think na I’m not serious about this career…

“Maybe because hindi rin po nila nakikita all the different things na nangyayari din while I’m away and all the things na pinagkakaabalahan ko.

“Siyempre, there are many different aspects to my life na I don’t always share with the public, same with other people in the industry naman.

“Pero this year, iyon yung makikita nila na… we started filming yesterday for an indie movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I think that will be the start of where they can see my seriousness in this industry.”



MOMMY’S GIRL. Tungkol naman sa kanyang ina na si Carmencita Curtis-Smith, proud na sinabi ni Jasmine na isa siyang mommy’s girl.

“Opo, very much mommy’s girl, dahil siyempre, iba rin po iyong love na ibinibigay ni Mama.

“And siyempre ay gusto ko rin maibalik iyon kay Mama,” nakangiting sabi niya.

Hindi naman ba nagseselos ang kanyang Daddy James?

“Hindi naman po. Kasi daddy’s girl naman si Ate [Anne], so parang balanse lang kami.”

Paano niya ide-describe ang sarili niya as a daughter?

“I would like to think that… ahh… isa akong daughter na caring, mapagmahal and thoughtful.

“As much as possible, I want to be there at the most important times of my parents’ life.

“Ayun, tulad ni Mama noong inoperahan siya, I very much wanted to be there, so that she knows may support system siya.

“And that, you know, because I’m here for work, it doesn’t mean I can’t be there for her personally.”



SISTER ANNE. Gaano naman ba siya ka-close sa kanyang Ate Anne?

“Si Ate po, it’s very hard to define our relationship.

“We only really started to get really close a year ago, because siyempre ang laki ng age gap namin.

“So, it was hard for me to understand yung mature way of life ni Ate.

“Kailan ko lang naintindihan kung bakit… like why she had to work so much, why she wasn’t at home so much…

“And also when I started in this industry, doon ko lang talaga nalaman kung gaano ka-busy ang schedules ng mga artista, hindi ba?

“Kasi, never ko rin namang na-experience ‘yan… through her lang.

“So, my relationship with Ate is very… we’re close, to say the least.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, nakakapag-share naman kami ng daily happenings namin when we’re in bed, magkatabi kami matulog…

“So, parang in a way, she’s like a second mom, but also she’s still a sister and a friend to me.”

Maituturing niya ba niya ring best friend si Anne?

“Oo naman, but also I think, there’s still… may kaunting ano pa ako, pagka-ilang kay Ate minsan.

“So minsan, yung ibang secrets ko, hindi ko pa rin ma-share.

“It’s also different din naman… we’re sisters.

"But siyempre, you have your friends pa na mas iba yung bonding ninyo.”



YOUNGER DAYS. Sinabi ni Jasmine na dahil sa pagiging busy sa work ni Anne, bihira lang silang magkita noong bata pa siya, pero sa mga special occasions ay laging nandoon ang kanyang ate.

“Opo, bihira kami magkita noong bata ako, because, yun nga po, she’s always away for work.

“Pero she’ll always be home for the special event… for birthdays, Christmas, New Year… she’s always home naman.”

Nag-aaway din ba sila ng kanyang Ate Anne, nagtatampuhan?

“It’s very different sa normal relationship ng mga sisters or the closeness of other sisters…

“We don’t bicker and fight… more of, kaunting asaran lang…

“Tampuhan?” ulit niya sa aming tanong.

“Very rare, very rare. Actually, more of ano lang, I mean siguro kapag siguro hindi namin feel ang isat isa, we don’t fight about it.

“Parang ipinaparamdam lang namin sa isa’t isa, and then, tama na rin. Parang, after an hour ay okay na kami ulit.”

Pero noong maliit ba sila, naranasan din nila na nag-aaway?

“Hindi po, hindi talaga. Bilang malaki rin yung age gap, parang wala kaming masyadong mapag-awayan before.”



LOVE AND CARE. So, what’s the best thing her Ate Anne has done for her and vice versa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think the best thing my Ate has done for me is, a…” nakangiting simula niya sabay isip kung paano ito sisimulan.

“It is very odd for me to say, pero the very first time na nag-away kami ng sobrang natakot ako, that was the best thing she could ever do for me.

“Because, hindi ko na-realize, I mean I don’t wanna share what happened, very petty, very small…

“I think, it was because it was one of the first times in my life… di ko na-realize kung gaano ka-grand yung nangyari sa akin.

“And also, I didn’t realize how much she was caring for me at that time.

“So yun, just the care that she showed me, even though she was mad, she was showing me how much she loved me cared for me…

“And gaano katigas lang yung ulo ko noon na hindi ko talaga na-realize…

“So isa na iyon and also iyong pagkupkop niya sa akin sa bahay niya even when she doesn’t have to.

“She can tell me to go to live with my dad habang nandito ako… but instead, she took me under her wing and I’m staying at her place.

“She gave me a room, I have a bed to sleep on and… yun.”



RETURN GESTURE. Ano naman ang the best na ginawa niya para kanyang Ate Anne?

“Ano ba? Wala pa siguro,” aniya.

“I think, just understand everything that she’s been through and love her boyfriend [Erwan Heussaff].

“Because I really do love him and, you know, even when people found it hard to accept her relationship because he’s non-showbiz…

“So people weren’t aware of who he was.

“Siguro nahirapan silang i-accept how happy she is with him.

“But ako, I was very much happy with their relationship from the very start and I was always very supportive of it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I think, that would be for now… Iyon.

“Pero sana in the future, mayroon pang mas bongga akong maggawa para sa Ate ko,” nakangiti niyang asam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN