Benjamin Alves denies dissing Daniel Padilla’s hit song

Pinabulaanan ng Kapuso actor na si Benjamin Alves (kaliwa) na mayroon siyang sinabing hindi maganda tungkol sa awitin ng Kapamilya young actor na si Daniel Padilla (kanan), taliwas sa lumabas sa isang tabloid sa Dubai.


Nilinaw ng manager ni Benjamin Alves na si Jonas Gaffud ang artikulo na lumabas sa isang tabloid sa Dubai, UAE, kung saan mayroon daw sinabing hindi maganda ang Kapuso actor-model sa Kapamilya teen star na si Daniel Padilla.

Kahapon, April 22, ay nag-post ng mensahe si Jonas sa kanyang Twitter account (@jonasofmercator ):

“To all Daniel Padilla fans, Benjamin Alves was never interviewed by that Dubai tabloid. Obviously som1 used his image and name. Sorry 4 that

“And whoever made up that article, where’s responsible journalism? Benjamin won’t answer like that. He is a very intelligent and decent man.”

Ang tinutukoy ni Jonas ay isang question-and-answer type of article kunsaan sa question na “Track I’d skip right now,” ito raw ang isinagot ni Benjamin:

“Nasa Iyo na Ang Lahat by Daniel Padilla. Try listening to it, or any song of his, and you will know why.”

Ang “Nasa Iyo Na Ang Lahat” ang hit single ni Daniel.

Maging si Benjamin ay nag-post din ng mensahe sa kanyang Twitter account (@benjaminalves) upang pabulaanan na nagpa-interview siya para sa isang tabloid sa Dubai.

Aniya, “I was never interviewed for this Dubai tabloid magazine. Surprised just as much as you guys. Sorry to all who read this bogus interview.”

Nabasa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Twitter account ni Jonas ang ilan sa mga mensahe ng fans ni Daniel kunsaan humingi sila ng paumanhin dahil sa pagre-react nila kaagad sa naturang artikulo kahit wala pang kumpirmasyon kung si Benjamin nga ba talaga ang nagbigay ng inetrview.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nakasagutan ang fans ni Daniel sa social-networking sites.

Umalma rin sila sa kumalat na video kunsaan sinasabayan ng Kapuso loveteam na sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona ang “Hinahanap-hanap Kita” ni Daniel, habang ginagaya ang estilo nito ng pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa fans ni Daniel, ang pagtawa nina Julie Anne at Elmo ay isang pangungutya sa kanilang idolo.

Sa isang panayam naman ay nag-react din si Daniel at sinabing kahit ganoon ang boses niya ay magku-concert naman siya sa Araneta Coliseum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN