Bam Aquino on Ninoy, Cory, and PNoy: “Hindi po sila ang karapatan ko para maging senador, sila po ang inspirasyon ko.”

More than the reputation that his name evokes, Bam Aquino says his good track record and his desire to serve people make him deserving to become a senator.


Isa si Paolo Benigno Aquino—o mas kilala bilang Bam Aquino—sa mga first-time senatorial candidates sa darating na May 2013 elections.

Kasapi si Bam sa Team PNoy Coalition ni Pres. Benigno “Noynoy” Aquino III, pinsang buo ni Bam.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na may recall ang pangalan ni Bam dahil sa kanyang apelyido. Tito niya ang bayaning si Benigno “Ninoy” Aquino Jr., asawa ni former President Corazon “Cory” Aquino, na mga magulang ni Pres. Noynoy.

Nakababatang kapatid ni Ninoy ang ama ni Bam na si Paul Aquino.


HAS THE “K” TO BE A SENATOR. Sa ginanap na electoral forum na Harapan 2013 noong Linggo, Abril 21, sa ABS-CBN, itinanong ng news anchor na si Lynda Humilla kay Bam kung ano ang “K”—karapatan o katangian— niya na maging senador bukod sa pagiging isang Aquino nito.

“Alam niyo po, ang Tito Ninoy, Tita Cory [at] kahit na po si PNoy, hindi po sila ang karapatan ko para maging senador. Sila po ang inspirasyon ko,” bungad ng senatorial candidate.

“Totoo naman po na batang-bata po ako nung mamatay si Tito Ninoy. ‘Yan po ang naging kamulatan [ko] pagdating sa pagtulong sa taong-bayan.”

Anim na taon si Bam nang mamatay si Ninoy noong Agosto 21, 1983 pero ayon sa Wikipedia.org ay nagbibigay na ng mga speeches si Bam sa mga political rallies sa kanyang murang edad.


A GOOD TRACK RECORD. Sa sagot ni Bam sa Harapan, idiniin niya na bukod sa pagiging isang Aquino, may mga parangal siyang maaaring magpatunay na may kakayahan siya para maging senador.

“Ang tanong po, ano po ang track record [ko]?

“Andiyan naman po yung years of service po natin sa mahihirap na komunidad.

“Nabigyan po tayo ng parangal mula sa iba’t ibang dako ng mundo para sa ating mga programang tumutulong po para sa mahihirap nating mga kababayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Andiyan po ang iba’t ibang parangal [na] puwede naman pong hanapin ‘yan ng ating mga kababayan sa internet, sa Google, sa Wikipedia [at] sa mga leaflets,” paliwanag ng entrepreneur.

Si Bam ay pinarangalan bilang isa sa Ten Outstanding Young Men of the Philippines o TOYM noong 2010, at recipient ng Ten Outstanding Young Persons of the World noong 2012 bilang pagkilala sa kanyang “world-class work with Youth and Social Enterprise,” ayon sa Wikipedia.


MORE THAN THE AWARDS. Dagdag pa ni Bam, “Pero palagay ko po, mas mahalaga pa po sa track record, mas mahalaga po sa karapatan [na tumakbo sa pulitika], e, yung gusto kong gawin para sa bayan. At ‘yan po ay tulungan ang bawat pamilyang Pilipino na magkatrabaho, magkanegosyo [at] umangat po tayo gamit ang inspirasyon ng aking mga naging kapamilya sa pulitika, na sa totoo lang po [ay] inspirasyon po natin hanggang ngayon.”

Sa nasabing electoral forum noong Linggo, isa sa mga tanong na ibinato kandidato ay kung pabor ba sila sa pagpapatupad ng Anti-Dynasty Law.

Kabilang si Bam sa angkan na may mga miyembrong pulitiko.

“Pabor po tayo na i-define na finally kung ano ang political dynasty, para yung mga kagaya ko po na gustong manilbihan, mas maging malinaw po sa amin kung puwedeng manilbihan o hindi,” diretsong sagot ng senatorial candidate.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN