ABS-CBN President and CEO Charo Santos-Concio dismisses rumored return of Willie Revillame

Pinabulaanan mismo ni ABS-CBN President and CEO Charo Santos-Concio ang usap-usapan na magbabalik diumano sa bakuran ng Kapamilya network ang controversial TV host na si Willie Revillame. Ayon kay Ms. Santos-Concio, walang pag-uusap na nagaganap sa pagitan ng network at ni Willie.


Itinanggi ng Presidente at Chief Executive Officer (CEO) ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio ang balitang magbabalik diumano sa Kapamilya network ang controversial na TV host na si Willie Revillame.

Matatandaang two weeks ago ay uminit ang usapin tungkol sa diumano’y pagbabalik ni Willie sa dati nitong istasyon.

Ito ay dahil nakasama ni Willie sa isang out-of-town vacation ang Bantay Kalikasan managing director na si Gina Lopez, kapatid ng chairman ng ABS-CBN na si Gabby Lopez.

Nakadagdag pa sa usap-usapan ang balita na magtatapos na ang kontrata ni Willie sa Kapatid network sa Setyembre ng taong kasalukuyan.

Sa ulat ng ABS-CBN News ngayong araw, April 23, tahasang pinabulaanan ni Ms. Santos-Concio ang balitang ito.

Saad niya, "That’s not true. We’re not in talks with Willie Revillame. We’re very happy with the ratings of [It’s] Showtime. We’re very happy with Showtime."

Ang It’s Showtime ang daily noontime program ng ABS-CBN at katapat ng noontime show ni Willie sa TV5, ang Wowowillie.

Matatandaang naging malaking isyu ang pag-alis ni Willie sa Channel 2 noong 2010 sa kabila ng hindi pa raw tapos ang kontrata nito. Ilang buwan pagkatapos nito ay lumipat ang TV host-comedian sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN