Melai Cantiveros on Jason Francisco-John Prats feud: “Oo naman, dapat lang silang magkaayos. Pare-pareho lang naman tayong tao sa mundong ito.”

by Melba R. Llanera
Apr 24, 2013
Nagbigay ng hint si Melai Contiveros sa pagbabalikan nila ng ex-boyfriend niyang si Jason Francisco. Sabi niya “Hindi pa naman siya nandoon, pero parang doon papunta na siguro. Di ba, pag super love mo, di mo matitiis? Alangan namang balikan ko ang di ko mahal!”

Pahapyaw na inamin ni Melai Contiveros na nagkabalikan na sila ng kanyang ex-boyfriend na si Jason Francisco.

Sinabi ito ni Melai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa fans' day at launching ng soundtrack ng ABS-CBN primetime series na Apoy Sa Dagat.

Aniya, “Yung lovelife ko naman, stable. Yung ding dati kong lovelife [Jason].

“Hindi pa naman siya nandoon, pero parang doon papunta na siguro.

“Di ba, pag super love mo, di mo matitiis? Alangan namang balikan ko ang di ko mahal!”

Pero nang kumpirmahin kung talagang sila na ulit, umiwas magbigay ng detalye ang komedyana.

Ani Melai, “Sa amin na lang yun, we want to make it private.

“Para maging mas tahimik naman ang buhay namin, hindi na magulo. Basta masaya kami.”

FOR LOVE. Bago mag-Holy Week ay gumawa ng gulo si Jason nang sapakin nito si John Prats sa taping ng gag show na Banana Split.

Continue reading below ↓

Sa isang panayam ni Jason, sinabi nitong ang nagtulak sa kanya upang gawin iyon ay bilang pagtatanggol kay Melai mula sa pang-aasar diumano ni John.

Ito ba ang naging batayan ni Melai kaya binalikan niya si Jason?

“Hindi naman, before pa yun,” sagot ng komedyana.

Sa paninindigan na ipinakita ni Jason para sa kanya, kaya rin ba ni Melai na panindigan naman ang dating kasintahan?

“Oo naman. Pag love mo, kaya mong panindigan. Saka walang question yun, love is the reason itself.”

FRIENDSHIP WITH JOHN. Tinanong ng PEP kay Melai kung naapektuhan ba ang working relationship at pagkakaibigan nila ni John dahil sa nangyari.

“Hindi naman, nagkausap na… okay kami,” sagot niya.

Dahil si Melai ang naiturong isa sa dahilan ng away nina Jason at John, wala ba siyang balak na tumayong mediator at ayusin ang gulo sa pagitan ng dalawa?

Sagot niya, “Oo naman, dapat lang silang magkaayos. Pare-pareho lang naman tayong tao sa mundong ito.

Continue reading below ↓

“Dapat magkapatawaran, hindi naman yun big deal.

“Actually kahit gawan mo ‘yan ng paraan, ‘yang lahat, may time diyan… hintayin natin.”



REAL FRIENDS. Napapanood ngayon si Melai sa Apoy Sa Dagat, kung saan madalas niyang kaeskena ang matalik na kaibigan na si Angelica Panganiban.

Para kay Melai ay malaking kagaanan na magkaibigan talaga sila ng aktres sa totoong buhay.

“It’s a good thing kasi magkaibigan kami, magaan ang mga eksena, masaya sa set.

“Ako, kaya ako nandito, dahil kay Angelica, si Moi [Marcampo], dahil kay Papa P [Piolo Pascual]."

Marami pa raw dapat abangan sa Apoy Sa Dagat.

“Abangan nila ang pagtatagpo namin ni Papa P dito at ang lagi namang pag-aaway ni Moi—para siyang si Adriana, ako si Serena.

“Saka marami pang naglalaglab… magkikita pa sila Ruben at Serena, kung si Anton, pakakasalan ba niya?

“Hay naku, di rin namin alam kung ano ang mangyayari dito, basta marami!”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbigay ng hint si Melai Contiveros sa pagbabalikan nila ng ex-boyfriend niyang si Jason Francisco. Sabi niya “Hindi pa naman siya nandoon, pero parang doon papunta na siguro. Di ba, pag super love mo, di mo matitiis? Alangan namang balikan ko ang di ko mahal!”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results