Ritz Azul on first kissing scene with Derek Ramsay: “Hindi ko na nalasahan, hindi ko ginamit yung dila ko!”

Maipagmamalaki na ni Ritz Azul na ang "first kiss" niya ay walang iba kundi ang hunky actor na si Derek Ramsay. Sabi ng Kapatid star, “Siyempre kapag first kiss na ganyan, tinatanong, ‘Sinong first kiss mo?’ O, ako, masasabi ko, ’Derek Ramsay!’ Parang ganoon.”


For the very first time sa buo niyang showbiz career ay nagkaroon ng kissing scene ang Kapatid young actress na si Ritz Azul.

Isa itong eksena para sa Kidlat at ang nakahalikan niya ay walang iba kundi ang bida ng TV5 fantaserye na si Derek Ramsay.

“At sa buong buhay ko!”natatawang bulalas ni Ritz nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kidlat sa Pasig City kahapon, April 23.

Ninerbiyos daw si Ritz bago kunan ang naturang intimate scene nila ni Derek.

“Todo-nerbiyos ako! Pero siyempre iniisip ko, hindi ako marunong. Lagi kong sinasabi, ‘Direk, hindi ako marunong!’

“So tinuruan naman ako ni Derek.”

Nag-practice ba sila ni Derek bago ang take?

“Hindi! Wala, parang kinakalma niya ako. Lagi niya akong binibiru-biro.

“Nakakatawa nga dahil parang lagi niya akong ginaganoon... para mawala yung nerbiyos ko.”



TASTE. Tawa muna ang isinagot ni Ritz nang tanungin namin kung ano ang lasa ng mga labi ni Derek.

“Hindi ko na nalasahan, hindi ko ginamit yung dila ko!" sabi niya.

Wala naman daw dila na kasama sa halikan nila.

“Wala, sobrang ano lang... kiss lang pero walang dila.”

Dagdag niya, “Nag-goosebumps nga ako!

“Siyempre, panibago sa akin, parang halu-halong emosyon, kinakabahan.

“Pagdikit ng labi… iyon, nag-goosebumps ako!

"Naramdaman niya kasi nakahawak siya dito sa akin. Sakto malamig pa noon.”

Nakadalawang takes daw ang kissing scene nila ni Derek.

“Wala namang nagkamali, nag-insert lang... umanggulo lang para mas malapitan makita,” sabi ni Ritz.



“PROFESSIONAL” KISS. Masuwerte raw si Ritz na ang first kiss niya ay isang Derek Ramsay.

“Oo naman, oo naman!

"Siyempre napaka-professional pa ni Derek and, iyon, masasabi ko na si Derek Ramsay ang first kiss ko.

“Parang ganoon. Siyempre kapag first kiss na ganyan, tinatanong, ‘Sinong first kiss mo?’

“O, ako, masasabi ko, ’Derek Ramsay!’ Parang ganoon!” sabay-tawa ni Ritz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ng dalaga, “Ang sa akin lang din, trabaho iyon, nasa script and hindi na rin naman ako sobrang bata, nagma-mature na rin naman ako.

“And iyon yung hinihingi ng eksena.

"Tinanong ko din yung parents ko. Sabi nga, okay naman sa kanila.

“Basta depende sa akin, sumusuporta lang sila sa akin. Ganoon.”



TWO LEADING LADIES. May pambibitin sa magiging ending ng Kidlat next week.

Mukhang imbes na si Nadine Samonte (as Lara) ang makakatuluyan ni Derek (as Kidlat) ay si Ritz (as Joey) pala?

“Dalawa kaming leading ladies,” ang nangingiting sagot ni Ritz.

Hindi naman puwedeng dalawa silang makakatuluyan ni Derek sa ending.

“Abangan sa finale kung sino!” ang tumatawang sabi niya.

Kung siya ang makakatuluyan ni Derek sa huli, ano ang pakiramdam niya na “kinabog” o tinalo niya si Nadine na mas malaking artista kaysa kanya?

“Unang-una, dahil nasa writer naman yun.

"Pero ako, siyempre natutuwa naman ako na kung ako yung magiging makakatuluyan ni Kidlat at ni Voltaire sa huli.

“Siyempre nakakatuwa, tsaka ang daming dapat abangan, e.

“Ang dami kong first time na nangyari dito, ang daming mga… nag-grow ako dito, so masaya.

“Isang Derek Ramsay na [project] na napasama ako.”



PROUD KAPATID. Si Eula Caballero ay may solo-starrer na show na sa Singko, ang Cassandra, pero hindi raw nagtatampo si Ritz sa TV5.

“No naman, hindi ako nagtatampo. Basta ako, go ako sa work ko, sa ibinibigay na project sa akin.

“And actually, lucky nga ako na nakasama ko yung mga cast dito.

“And ang mahalaga sa akin, marami akong natututunan, na naggo-grow na ako sa craft ko, iyon yung mahalaga sa akin.

“In time siguro magkakaroon din ako, in God’s will and sa trust ng network.”

Wala pa naman daw sinasabi sa kanya ang TV5 kung ano ang kasunod niyang project.

“Wala pa, wala pa. Magmi-meeting pa lang kami, doon ko pa lang malalaman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN