Kristoffer Martin says girlfriend Joyce Ching understands his onscreen tandem with Kim Rodriguez

Naniniwala si Kristoffer Martin na ang ang pagsikat ay may kinalaman sa tamang “timing.” Sabi niya, “Siguro ano lang, yun nga sinasabi ko, pag oras mo, oras mo; pag sa iyo ito, sa iyo; pag hindi, hindi.”


In real life ay kasintahan nu Kristoffer Martin si Joyce Ching, ngunit may umusbong na isyu na pinagseselosan diumano ng young actress ang kapareha ni Kristoffer saKakambal ni Eliana na si Kim Rodriguez.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Kristoffer nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Aniya, “No! Lilinawin ko ‘yan. Hindi siya nagseselos at hindi siya magseselos sa bawat trabaho. Hindi totoo.

“Kasi, in the first place, before mabuo yung kung anuman na meron sa amin ni Joyce, we see to it na ang priority namin, trabaho.

“Kung magkaroon man ng selosan, kung meron man na mga bad emotions, i-set aside ninyo ‘yan.

“’Ang focus natin trabaho, iyon lagi. Pinasok natin ito, before tayo, trabaho, sa trabaho tayo naka-commit.’

“So, iyon.”



WORK-RELATED. Nagiging close na sila ni Kim, at wala naman daw kaso iyon kay Joyce.

Saad ni Kristoffer, “Actually, okay naman daw. Alam niyang trabaho, trabaho.

“Kailangan naming maging maayos, kailangan naming close, kailangan naming magkaintindihan ni Kim.

“So, kailangang ilabas yun kasi part iyon ng work, e.

“Basta alam mo naman yung priorities mo, alam mo rin kung saan ka committed, alam mo rin yung trabaho mo.

“So, alam mo kung saan ka lulugar.”

Magkaibigan din nama daw sina Joyce at Kim.

“Oo, magkaibigan sila, nag-uusap sila sa Party Pilipinas,” pagkumpirma ni Kristoffer.

“Nagkasama rin sila sa Tween Hearts, sobrang walang selosan.”

LOVETEAMS. May ilang nagsasabing tila naantala ang pagsikat ni Kristoffer dahil masyado na silang identified sa isa’t isa ni Joyce. Ngunit kinontra ito ng binata.

Sabi niya, “Hindi naman, kasi hindi ko naman napapabayaan yung trabaho ko, e.

“Alam ko naman yun, e. Alam ko naman kung saan ako lulugar.”

Totoo bang nahihirapan daw ang GMA-7 na ipareha siya sa ibang female stars?

“Hindi naman. Madali din kasi after Luna Blanca, kay Barbie [Forteza], kay Bea [Binene], then si Diva Montelaba, then this soap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman mahirap. Hindi naman... ano lang, masyado lang kaming nakilala masyado.

“Kasi, ilang soaps na rin yung pinagtrabahuhan namin ni Joyce kaya medyo nahihirapan kumalas.

“Pero ngayon, open kami na kahit kanino i-partner, kasi sa amin kasi ni Joyce, we need to grow, e.

“Ayaw naming makilala kami na sa amin lang—ayaw naming makilala kami as KrisJoy.

“Gusto niya makilala siya as Joyce Ching, gusto kong makilala ako as Kristoffer Martin.

“So ganoon yung gusto naming ma-establish.”



TIMING. Naiinggit nga ba kay Kristoffer ang ibang male tween stars ng GMA-7 dahil leading man na ito sa Kakambal ni Eliana?

Sabi ng young actor, “Ako lang, sobrang natutuwa ako, sobrang blessed ako, sobrang nagpapasalamat ako kay God, siyempre sa GMA.

“Yung sa akin kasi, oras—oras, e. Kung oras mo, oras mo; kung hindi, hindi.”

Nai-insecure na nga ba sa kanya sina Elmo Magalona at Derrick Monasterio?

“Parang hindi naman. Kami kasi, ganoong magbiruan nina Derrick, nina Elmo, na, ‘Uy, grabe, may project ka! Uy, may project ako!’

“Puro ganoon, parang payabanagan... parang ganoon.

“Nagbida na rin naman sila, ako yung pinaka-last.

“Iyon. Siguro ano lang, yun nga sinasabi ko, pag oras mo, oras mo; pag sa iyo ito, sa iyo; pag hindi, hindi.”



CAREER MOVES. Handa si Kristoffer na gawin ang lahat para sa mas lalong ikagaganda ng career niya.

“Except maghubad!” diin niya.

So ayaw niyang magpaseksi?

“Hindi naman, siguro in time. Pero huwag naman yung hubad.”

Kung fashion show o pictorial na medyo sexy ang ipasusuot sa kanya?

“Okay siguro, pero siguro huhubugin ko muna nang matino yung katawan ko.”

May ipapakita ba siya?

“Meron naman. Alam ko namang meron, e.

"Pero sa ngayon, huwag muna, huhubugin ko pa muna yung katawan ko.

“Siguro kapag mga twenties, early twenties, ganyan.”

Anong role ang hindi niya gagawin? Gay roles?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ano yun, e, puwede naman. Kasi, ano yun, e, arte yun, e.

“You’re acting, arte naman yun, e, hindi naman siya totoo, e.

“Siguro ako, willing naman ako gumawa ng mga ganoong roles, open naman ako kasi marami na naman ang gumawa—Rocco Nacino... Sid Lucero.

“Kumbaga, ano siya, another world siya for acting, e.

“So hindi siya... hindi ka dapat mag-hesitate na gumawa ng ganoon kasi trabaho yun, e.”



WISE MOVE. Hindi ba nagsisi si Kristoffer na mula ABS-CBN ay lumipat siya sa GMA-7?

Sagot niya, “Hindi naman, walang regrets, no regrets kasi inaalagaan naman ako na mabuti ng network, e.

“Sobrang hindi nila ako pinapabayaan, sunud-sunod naman yung mga projects ko after Pahiram Ng Sandali, dire-diretso sa Kakambal ni Eliana.”

Kaya para sa kanya ay tama ang ginawa niyang paglipat sa GMA-7?

“Tama yung desisyon ko, tama yung desisyon ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN