Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Jomari Yllana prefers to be with son Andrei than to have a girlfriend

by Ruel J. Mendoza
Apr 26, 2013
Nami-miss daw ni Jomari Yllana ang pagka-istrikto at disciplinarian ng yumaong talent manager niyang si Douglas Quijano. Sabi niya, “Kung meron man akong pinakikinggan o kinatatakutan, si Douglas lang yun. Kapag sinabi niyang, ‘Behave!’ Behave kaming lahat.”

Ingat na ingat si Jomari Yllana na matawag siyang isang “irresponsible father.”

Kaya kahit na marami siyang pinagkakaabalahan ngayon ay tinitiyak ng aktor na mayroon siyang oras sa kanyang anak na si Andrei.

Hindi makapaniwala si Jomari na 14 years old na ang anak nila ng kanyang ex-wife na si Aiko Melendez.

Sa ganoong edad siya nagsimulang mag-artista at binuo nga ang grupo nila nina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso—ang “Guwapings."

“That was twenty years ago na yata. Hanggang ngayon naman, guwapings pa rin!” sabay tawa ni Jom nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Annex Building.

“Sa totoo lang, nagulat nga ako na teenager na pala si Andrei. Parang ang bilis ng panahon, di ba?

“Dati ay kinakarga ko lang siya, ngayon binatilyo na pala.

“Pero si Andrei kasi, kahit na fourteen years old na ‘yan, marunong pa rin maglambing sa amin ni Aiko.

“Hindi nawawala ang pagiging close niya sa aming dalawa, lalo na sa akin, kaya any time na kailangan niya ako, parati akong nandiyan

Continue reading below ↓

“Ayoko kasing masabing hindi ako naging mabuting ama sa anak ko.

“Kita ninyo naman, wala akong ganoong record sa anak ko.”



PARENTS’ COMPANY. Natutuwa si Jomari dahil hindi tulad ng ibang mga nagbibinatang mga bata, gusto raw ni Andrei na parating nakakasama ang parents niya sa mga lakad nito

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Iba si Andrei, e. Gusto niya nandoon kami parati ni Aiko sa tabi niya.

“May ibang mga kasing-edad kasi niya na ayaw na nakikitang kasama ang parents nila… parang nahihiya sila.

“Si Andrei naman, hindi. Parang mas kampante siya kapag kasama ang mga magulang niya.

“Medyo may pagkamahiyain pa rin kasi ang batang ‘yan.

“Kami naman ng mommy niya, ini-encourage namin siya sa mga gusto niyang gawin.”



BAD BOY. Nag-flashback si Jomari na noong kaedad daw niya si Andrei ay medyo naging out of control siya.

“Dumaan nga kasi ako sa edad niyang ‘yan.

"Ako naman kasi, wala akong pakialam—lahat ng gusto kong gawin, ginagawa ko.

Continue reading below ↓

“Hindi naman sa pagiging rebelde, pero yung tipong kapag nakialam ka, bad trip ako sa iyo. Kaya walang nakikialam sa akin noon.

"E, that time, artista na ako, e. Sikat kami nina Mark at Eric.

“Kung meron man akong pinakikinggan o kinatatakutan, si Douglas [Quijano] lang yun.

“Kapag sinabi niyang, ‘Behave!’ Behave kaming lahat.

“Siya lang yung nakakapag-control sa aming tatlo. Kapag nandiyan siya, hindi kami makulit… para kaming mga anghel.

“Kaya sobra kong nami-miss si Tito Dougs. Malaki ang nagawa niya para sa akin, para sa mga kapatid ko.

“Sinisimulan na nga niyang asikasuhin si Andrei, e. Pero bigla nga siyang nagpaalam na.

“Para sa akin, walang magiging kapalit si Tito Dougs sa buhay namin.”

Pumanaw ang talent manager na si Douglas Quijano noong 2009.



SHOWBIZ CHILD. Papasukin na rin ni Andrei ang pag-aartista at todo-suporta naman si Jomari sa magiging career ng kanyang anak.

“Oo naman. Kung gusto niya talaga, I am here for him.

Continue reading below ↓

“Gusto ko lang at ng mommy niya na hindi niya pabayaan ang pag-aaral niya.

“Ako kasi, noong nagsimula akong mag-artista, tinamad na tayong mag-aral, e.

“Kumikita na kasi tayo noon sa pelikula at TV. Hindi ko na nabalikan ang school.

“Yun ang ayokong gawin ni Andrei. Kapag oras na for school, yun ang harapin niya.

“Gusto namin ng mommy niya na kahit nasa showbiz siya, hindi niya nane-neglect ang studies niya,” nakangiting sabi ni Jomari.



CAR RACING. Ikinatuwa rin ni Jom na naging hilig ni Andrei ang racing, na siyang paborito niyang sport noong kaedad niya ang anak.

“Gusto rin niyang maging karerista—mahilig din siya sa kotse.

“Sabi nga ni Aiko, nagmana talaga sa akin.

“Hindi naman ako magugulat kasi bata pa lang si Andrei, dinadala ko na ‘yan noon sa race track.

“Tamang-tama at nagbabalik nga tayo sa isa sa mga paborito kong gawin noon.”

Kailan lang ay ini-launch ni Jomari ang Yllana Racing sa World Trade Center sa Pasay City bilang bahagi ng 9thManila International Auto Show (MIAS).

Continue reading below ↓

Isang GT 300 ang race car na pag-aari ngayon ni Jomari.

Lahad ng aktor, “Hilig ko na talaga ang pagkakarera noong bata pa lang ako.

“Basta may ibang high siyang ibinibigay sa akin whenever hawak ko na yung manibela at kumakarera na nga ako.

“Noon, nood-nood lang ako... until it became my dream.

“In 1997, I was trained by the best Japanese team then, kaya nga I grabbed the opportunity.

“Peg ko noon, si James Dean. Naranasan ko naman that time na maging Rookie of the Year.

“Para kasing umangat ako ng two years sa class that I belonged to. Meron ding time na nag-first runner-up ako.

“Sa tatlong huling taon ko in racing noon before nagtuluy-tuloy na talaga ako sa showbiz.

“May prestige naman akong natatanggap sa competitions that I joined.

“My ultimate dream din is to be able to put up an international racing school.

“If Andrei wants to do it, okay lang, kasi magkasama na kami—father-and-son team na kami sa sport na ito.”

Continue reading below ↓



SERYE CAST. Busy rin si Jomari sa taping ng afternoon drama series ng GMA-7 na Kakambal ni Eliana, kunsaan gumagana siya bilang ama ng bidang si Kim Rodriguez.

Nagpapasalamat si Jomari nabibigyan pa rin siya ng pagkakataon na umarte kahit na paisa-isa lang ang nagagawa niyang teleserye.

Sabi niya, “GMA-7 has been good to me. Lagi naman silang may ino-offer na show.

“Nagkakataon lang na hindi ako puwede dahil may iba tayong ginagawa noon.

“Yung huli kong ginawa for GMA-7 before Indio was Sana Ngayong Pasko and Zorro… both in 2009.

“Huli kong mga nagawang teleserye was with ABS-CBN—yung Imortal, Agimat, at E-Boy.

“Nagkataon na maganda ang offer ng Kapuso sa atin ngayon.

"Kakaiba ang Kakambal nN Eliana. Interesting ang story kaya tinanggap natin.”



NO LOVELIFE. Single and available si Jomari ngayon pero hindi raw siya naghahanap ng bagong makakarelasyon.

Mas gusto raw niyang makasama ang kanyang anak kapag may libre siyang panahon.

Continue reading below ↓

“I'm single… I live alone and I’ve been like this for a long time na.

“Excited ako kapag weekends dahil I get to spend it with Andrei.

“Yung buhay ko, naging ganoon na siya. Kapag may girlfriend kasi, problema pa ‘yan dahil nadi-divide yung time ko.

“Kaya huwag na lang, di ba? Masaya na ako kasama ang anak ko.”

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nami-miss daw ni Jomari Yllana ang pagka-istrikto at disciplinarian ng yumaong talent manager niyang si Douglas Quijano. Sabi niya, “Kung meron man akong pinakikinggan o kinatatakutan, si Douglas lang yun. Kapag sinabi niyang, ‘Behave!’ Behave kaming lahat.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results