Luis Manzano no plans of settling down yet: “I still have so many things to do.”

Luis Manzano is still preparing to have his own family in the future. When asked about having his own kid, the TV host-actor said, “At this time siguro, oo, kaya ko siyang buhayin, pero mas maganda yung future na nae-envision ko para sa magiging anak ko. The only way to do that is to work."


Sa halip na bumili ng materyal na bagay bilang regalo para sa kanyang ika-32 na kaarawan (April 21), naisip ng TV host-actor na si Luis Manzano na ipunin at idagdag na lamang ang pambili sana sa kanyang mga negosyo.

Para kay Luis, isang malaking regalo pa rin sa kanyang sarili ang bahay na ipinagawa niya kamakailan.

Kaya naman sa press conference na inihanda ng Minute To Win It para kay Luis kahapon, April 25, sinabi niya, “Financially, I’d rather reinvest it to something else.”

Dagdag pa niya, “Meron akong gustong bilhin pa sana, pero naisip ko ilagay na lang sa business para in two years, mas malaki ang maibibigay ko sa sarili ko.

“Ngayon pa naman kasi, nandiyan pa yung kumikita ako.

“Ang business ko kasi, sabi ko, doon ako kumikita kapag nag-retire ako.

“Kumbaga, yung ibibigay ko para sa sarili ko, inilagay ko na lang sa businesses ko.”

Sa ngayon ay pinag-uukulan ng pansin ni Luis ang dalawang negosyo niya—ang taxi and manufacturing businesses.

WATCH FROM JENNYLYN. Bagamat walang binili para sa sarili, ikinatuwa naman ni Luis ang relong regalo sa kanya ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

Ani Luis, “Kasi ako, watch fanatic ako, so nagkataon na yung ibinigay niya sa akin was something I’ve been looking for.

“Isa sa mga dream watches na dati ko pang namata.

“Siguro, halos a month and a half ago, sabi ko, ‘Ang ganda nito, a!’ Yun pala, after two days, um-order na siya [Jennylyn].”

Naikuwento rin ni Luis na sinalubong niya ang kanyang kaarawan noong April 21 kasama si Jennylyn at ilang malalapit na kaibigan.

Ipinagdiwang rin ito ng Kapamilya TV host-actor noong nakaraang Linggo sa talent show nila ni Billy Crawford sa ABS-CBN, ang Pilipinas Got Talent.

Samantala, bilang birthday celebration din, ang magiging guests sa isa pang programang hino-host niya, ang Minute To Win It, ay mga taong malalapit kay Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ON HAVING HIS OWN FAMILY. Aminado ang anak ng mga batikang artista na sina Vilma Santos at Edu Manzano na hindi na siya bumabata, kaya paminsan-minsan ay naiisip na rin niya ang magkaroon ng sariling pamilya.

Subalit sa sobrang pagiging abala niya sa trabaho, hindi pa matiyak ni Luis kung kailan siya magpapakasal.

“Kita n’yo naman, hirap nga kaming magkita, paano pa kaya ang magpakasal?” tukoy ni Luis sa relasyon nila ng Kapuso artist na si Jennylyn.

Nabanggit din niya, “Honestly, isa sa mga ano ko rin is ang sarap nung sabay kayo lumalaki [ng anak mo]. At the same time, gusto ko rin ibigay yung buhay that my child deserves.

“At this time siguro, oo, kaya ko siyang buhayin, pero mas maganda yung future na nae-envision ko para sa magiging anak ko. The only way to do that is to work.”

WEDDING PLANS. Dahil napag-usapan ang pagpapakasal, naalala rin ng Kapamilya host ang ilang mga balitang lumabas tungkol sa kanila ni Jennylyn.

Pabirong sabi ni Luis, “Natatawa nga ako kasi there was an issue before na ikinasal na raw kami.

“There was an issue naman na naghiwalay na kami.

“Sabi ko nga, bakit hindi nag-usap yung dalawang gumawa ng issue kasi magkabilang dulo, e—ikinasal na at nagkahiwalay.

“Mag-usap sila para sa gitna sila magkita!”

Muli rin niyang pinabulaanan ang lumabas na isyung nagsasama na sila ngayon ni Jennylyn sa iisang bubong.

“Bakit naman niiya iiwanan si Jazz? Bakit naman niya iiwanan ang baby niya?” tanong ni Luis sa entertainment press.

“Paano magli-live-in e, siyempre ang priority niya ay si Jazz.

“Mawala na ang lahat sa buhay niya, kahit ako, mag-break kami.

“Siyempre, ang priority pa rin niya si Jazz.

“I will forever respect that and appreciate that—si Jazz talaga ang priority.”

Si Alex Jazz ay ang four-year-old son ni Jennylyn sa dating boyfriend na si Patrick Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, talagang wala pa raw malinaw na planong pagpapakasal dahil, ani Luis, “I still have so many things to do. She has so many things to do not just as artist but more importantly as a mother.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN