Aljur Abrenica on playing macho dancer: "Nakakatakot din na tingnan ka bilang karne ng mga tao."

karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg"> karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg"> karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg">

karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg"> karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg"> karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg"> karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg">

Lalong humanga si Aljur Abrenica sa indie film actor na si Kristoffer King pagkatapos niyang gampanan ang buhay nito sa isang episode ng Magpakailanman. Sabi ni Aljur tungkol kay Kristoffer: “Maituturing ko siyang isang mabuting ama, responsible na ama, at mapagmahal na ama… Ginawa niya, kinalimutan niya pagkalalaki niya para mabuhay niya pamilya niya.”


Kapansin-pansin na malaki ang ipinayat at iginanda ng katawan ni Aljur Abrenica nang makita siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 50 Years With The Master Showman sa Resorts World noong Miyerkules ng gabi, April 24.

May kinalaman ang pagpapaganda ng katawan ni Aljur sa pagganap niya sa buhay ng indie film actor na si Kristoffer King sa episode ng GMA-7 drama anthology na Magpakailanman na pinamagatang “Bayarang Adonis.”

Si Kristoffer ay napanood sa indie films na Ang Babae Sa Breakwater (2003), Masahista (2005), Foster Child (2007), Tirador (2007), Serbis (2008), Aurora (2009), at Oros (2012).

Ang episode na ito ni Aljur sa Magpakailanman ang magiging ka-back-to-back ng TV airing ng 50 Years With The Master Showman sa Sabado ng gabi, April 27.

Inamin ni Aljur na pinaghandaan niya nang husto ang pagganap niya bilang si Kristoffer.

Saad niya, “Physically, nag-prepare ako, kasi ang edad ko doon is 15 kaya nagpapayat ako.

“Mas pinaghandaan ko yung ambience, pakiramdam ng isang gigolo—bayarang adonis.”



OCULAR VISIT. Bukod sa paghahanda ng katawan niya, isa pa sa ginawa ni Aljur ay ang pagpunta sa gay bar upang mag-obserba ng totoong nangyayari at ginagawa ng isang macho dancer.

Kumusta ang karanasan niyang ito?

Sabi ni Aljur, “Sa Quezon City lang, pumunta ako sa gay bar, pinakiramdaman ko yung mga… pinanood ko yung mga sumasayaw, pinakiramdaman ko sila.

“Kasama ko rin staff ng Magpakailanman at saka si Kristoffer King mismo.”

Si Aljur daw mismo ang nag-request na pumunta muna sa gay bar bago magsimula ang kanilang taping.

Kuwento pa niya, “First time kong mag-gay bar. Nakakatawa kasi nasa banyo pa lang ako, ang laki na ng problema ko.

“Naliligo pa lang ako, parang ayoko nang tumuloy—ganoon ang pakiramdam.

“Yung nangyari, ang pakiramdam ko, ‘Pupunta pa kaya ako?’

“Good yung feeling na yun. I’m sure, naramdaman din ni Kristoffer yun.

“Pagtuntong ko doon, pinilit ko talaga...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinanong ko si Kristoffer, ‘Kumusta ang feeling mo? First time mo, noong bihasa ka na? Kung paano ka makiusap sa mga tao, kung paano mo pakitunguhan ang mga customer? May nambastos ba sa iyo, ano ang pakiramdam?’

“So, lahat ng information na puwede kong makuha from being a gigolo.”



IN CHARACTER. Ano ang naramdaman niya nang nakikita na niyang sumasayaw na ang macho dancers sa entablado?

Paliwanag ni Aljur, “Hindi ako nanood as an audience, nanood ako bilang inilalagay ko ang sarili ko sa posisyon nila.

“Pinapakiramdaman ko sila. Nakikita ko sa kanila na wala akong against.

“Pero kasi, trabaho pa rin ‘yan, pero may respeto ako sa trabaho na ‘yan.

“Pero, hindi pa rin natin maiaalis ang thinking na kaya natin ginagawa ‘yan, kasi kailangan ng pera.

“So yun... mahirap magsalita, e.”

Naawa ba siya sa mga macho dancer?

Tugon niya, “In short, opo, naawa po ako. Naawa rin ako sa character ko.

“Pero mas nanaig yung... mas humanga ako kay Kristoffer King.”



LEARNING EXPERIENCE. Pag-amin pa ni Aljur, hindi niya makakalimutan ang ginawa niya sa Magpakailanman.

“Hindi ko talaga makakalimutan ang project na ito, lalo na si Kristoffer King.

“Kasi, kumbaga, yung gampanan ang buhay niya, kahit na kulang, yung na-experience niya, hindi madali ang ginawa niya.

“Kumbaga, maituturing ko siyang isang mabuting ama, responsible na ama, at mapagmahal na ama.

“Kasi, yung anak niya, may sakit na Hunter syndrome na noong nabasa ko, may lifespan lang na twenty years.

“At may nararamdaman itong sakit at kailangan ng maintenance na gamot para hindi nararamdaman ng bata ang sakit."

Dugtong pa ni Aljur, “He’s [Kristoffer] only 15 years old, hindi siya nakatapos ng high school, hindi siya nakatapos ng college.

“Imbes na maging karpentero siya o janitor—hindi sapat yung kikitain niya kasi nakabuntis na siya—so, ginawa niya, kinalimutan niya pagkalalaki niya para mabuhay niya pamilya niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ibig sabihin ni Aljur ay ang pagpasok ni Kristoffer bilang isang macho dancer.

Dagdag niya, “At masasabi ko talaga na sa mga projects na ginawa ko, ito ang pinaka pinaghandaan ko at naapektuhan ako.”



SEXY DANCER. Mapapanood daw mismo si Aljur na naka-trunks lang at gumigiling bilang macho dancer. Unang beses daw niyang ginawa ito sa kanyang showbiz career.

Sabi niya, “Wala talaga akong lakas na loob. Unang-una, hindi ako yun.

“Pangalawa, alam naman natin na kasi... nakakatakot din na tingnan ka bilang karne ng mga tao.

“Kaya ang naging motivation ko doon, sina Kristoffer at anak niya, na ano kaya ang pakiramdam na ginagawa mo ito para sa anak mo?

“Noong unang labas ko talaga, hindi siya madali.

“Pero unti-unting nagsi-sink in na ang character, nilandi ko talaga silang lahat—yung mga bakla, matrona…

"Sana makita nila, pinaghirapan ko talaga.”



THANKFUL. Mas na-appreciate ba niya ang trabahong mayroon siya ngayon pagkatapos niyang gampanan ang buhay ni Kristoffer?

Sagot ni Aljur, “Mas na-appreciate ko po ang trabaho ko kaya mas honored ako na mas nagagampanan ko ang buhay ng iba.

“At mas marami akong natutunan sa mga buhay nila… kumbaga, nagiging part sila ng buhay ko.

“In short, pati pagmamahal nga, mas lumalawak ang pagmamahal ko sa buhay.”

Mas open na ba siya ngayon na tumanggap ng gay stories kahit sa pelikula?

“As long as maganda po ang story,” sagot niya.



LEADING LADY. Si Max Collins ang gumanap na asawa ni Aljur sa Magpakailanman.

Una nakasama ni Aljur si Max sa dating GMA-7 primetime series na Coffee Prince.

Sabi ni Aljur tungkol kay Max, “Wow, from Coffee Prince, papunta rito, ang laki ng in-improve ni Max.

“Actress talaga siya… in character.

"Kung ano ang sabihin ni Direk [Maryo J. de los Reyes], kahit anong sabihin sa kanya, nagagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very spontaneous na siya—versatile.

“At ang laking tulong ni Max. Buti na lang siya ang gumanap na asawa ko dito, naniwala ako na asawa ko siya at ang laking tulong po.

“At kaibigan ko si Max, magkaibigan talaga kami.”



KUYA GERMS. Tinanong din namin si Aljur kung katulad ng maraming artista ay naging bahagi rin ba si German Moreno ng kanyang showbiz career.

Isa si Aljur sa nag-perform sa 50th anniversary special ni Kuya Germs.

Aniya, “Opo, unang beses ko lang makita si Kuya Germs, hindi pa ako artista, sinabihan na niya ako. May nasabi na siya sa akin.

"Ang ikinatutuwa ko lang, hindi nagbago si Kuya Germs.

“Nandiyan siya sa akin bilang isang ama, bilang isang kaibigan.

"Yung pagmamahal, ramdam na ramdam ko, kaya hindi puwedeng hindi ako pumunta rito.

“Sa mga advice, desisyon, parte po siya sa career ko.”

karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg"> karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg"> karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg">


karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg"> karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg"> karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg"> karne ng mga tao."" data-url="https://www.pep.ph/news/38420/aljur-abrenica-on-playing-macho-dancer-nakakatakot-din-na-tingnan-ka-bilang-karne-ng-mga-tao" data-desc="Aljur talks about his experience entering gay bar to watch macho dancers." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c611b62ba.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN