TV5 exec Perci Intalan on giving equal opportunities to their talents: “Kung sa tingin nila, yung growth nila is elsewhere, hindi namin ipagkakait yun—wala lang sama ng loob.”

Sa pagpapalit ng management ng TV5, asahang maraming pagbabago rin sa programming nito. Ani TV5 exec Perci Intalan: “Ang daming binabalak na bago. Kasi doon nakilala ang TV5, di ba? When we started doing things differently.”


Ilulunsad na ng TV5 ang bagong primetime fantasy series na Cassandra: Warrior Angel na pagbibidahan ni Eula Caballero.

Umusbong lalo ang speculations na talagang paborito ng network ang Star Factor winner dahil kakatapos lang ni Eula ng kanyang suspense-thriller na Third Eye, binigyan siya agad ng follow-up project.

Binigyang linaw ng entertainment head ng TV5 na si Perci Intalan ang tungkol sa isyu sa press launch ng Cassandra last Tuesday sa Prime Bar, Tomas Morato.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Perci na sa mga female young talents nila, hindi pinapaboran ng istasyon si Eula.

Paliwanag ni Perci, “Well, hindi naman sa favorite… Eula is a talent na talagang homegrown na homegrown sa amin.

“And actually, this is a fulfillment nga of a promise na nagsimula was it two or three years ago na?

Pahayag pa ni Perci, “When she won Star Factor we knew that it’s going to take a while.

“And naalala ko pa noon, I spoke to her. Ipinaliwanag ko nga, ‘Eula, ganito yun ha? Hindi ka naman hihinugin sa pilit.’

“’So, you know, magtiwala ka lang. ’Eto yung mga projects na ibibigay namin sa iyo.’

“’We train you, we groom you, hanggang sa masanay ang mga tao sa iyo.’

“So, she did mga weekly shows and then minsan nagiging kapatid, nagiging anak, nagiging kaibigan, di ba?

“Sa Nandito Ako, naging third well… so, dahan-dahan, gradual.

“So, ’eto yung nahinog na. And ang maganda, kaya nga ako excited kay Eula, alam naming hindi kami mapapahiya in terms of talent.

“And even with her… kita mo rin yung confidence niya—ang taas ng kumpyansa niya sa sarili.”

IN DEMAND. Naging maganda ba ang rehistro ni Eula sa mga advertisers kaya hindi rin siya pinagpahinga ng network?

Tumango si Perci at saka tumugon, “Kapag ipinapakita namin siya sa advertisers, and even noong time pa lang ng Third Eye…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron nang… ‘Oh, who’s that girl?’ Meron nang ganoong tanong.

“Kasi she has a very unique face, recognizable, maaalala mo.

“But everybody says ang friendly ng hitsura. Tapos, may makings na talaga of a star. Kaya, ayun.

“This project, we knew that this is our big launch for her and yun nga fulfillment of our promise that we gave when she won sa Star Factor.”

FAVORED TALENT? Aware ba si Perci na may balitang kinaiinggitan ng iba nilang talents si Eula?

Ito raw ang dahilan kung bakit nawawalan ng projects yung iba?

Natawa si Perci sa narinig bilang una niyang reaksyon.

“Hindi. I think, natural lang na kahit sino namang artista ang bigyan mo ng project…

“I remember kunyari, when we gave a project to Alex [Gonzaga], bakit si Alex?

“Then si Nadine [Samonte] came, bakit raw si Nadine nabigyan ng project? Si Ritz [Azul] specially… Si Arci [Muñoz]…

“So, lahat naman… ganyan. Everybody na nabibigyan ng project, hindi mawawala yung ganoong tanong.

“May mga tanong na, ‘Ah, what makes her special?’

“Pero ako naman, I stand by our decisions sa mga na-cast na mga talents. Kasi, they were really perfect for the roles that we gave them.”

Balita namang magaang ka-trabaho si Eula at napakabait nitong talent?

“Ay, oo. Walang problema… napakasimple. Sabi ko nga, ‘Ganyan lang ha? Walang ere, ha? Tama lang na may confidence, pero walang ere.’”

NETWORK TRANSFER. Tungkol naman kay Alex Gonzaga, inalam namin kay Perci kung ano ang nangyari at lumipat sa ABS-CBN ang una nilang contract artist.

Kaswal at kalmado namang nagpaliwanag si Perci.

“Okay, si Alex… We actually have a number of projects that we lined up for her, that ang nangyari lang, yung timing that we have it all.

“We’re working on a big project at sinabi ko pa nga kina Mommy [ina at manager ni Alex na si Mommy Pinty], ‘O, Mommy, meron kaming projects for Alex.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unfortunately, na-delay nang na-delay in that period of time matagal siyang nabakante.

“Kami naman ni Mommy, nagkausap kami at sinabi niyang she’s gonna be talking to ABS.

“Sinabi ko naman kay Mommy na hindi ko maiaalis yun sa inyo kung gusto ninyo.

“Kasi, kakausapin naman talaga siya because of Toni. Pero may project kami and don’t feel na wala kaming ino-offer.

“Of course, she’s her manager, she’s her Mom. ‘And kung ang plans ninyo mas aligned sa ino-offer sa inyo ng ABS, wala akong magagawa.’

“We have to honor that and walang samaan ng loob. Maliit lang naman itong industriya.”

Nag-counter offer ba ang TV5 kina Alex at sa kanyang ina?

“A, noong sinabi ni Mommy sa akin na mag-uusap sila [ng ABS-CBN], nagsabi na ako na, ‘Eto ang mga puwede naming gawin, ganyan.’

“And then, after nilang mag-usap, ka-text ko pa nga si Mommy and I was in Hongkong.

“Sabi niya, ‘Sorry, but we have decided to go with ABS-CBN offer because…’

“’Final na ba ‘yan, mommy?’ Tanong ko pa.

“Sabi niya, ‘Kasi nakakahiya dahil nag-usap na kami.’ So, sabi ko, ‘Ah, ganoon po ba? Okey lang.’

“Tapos, sabi ko, ‘Mag-dinner tayo minsan.’ And actually, noong Sunday na lumabas si Alex sa The Buzz

“Saturday night, tinext ko pa siya, e, na… kasi nag-post siya sa Facebook ko ng ‘Happy Birthday.’

“Tapos, tinext ko siya. Sabi ko, ‘Alex, hindi na tayo nagkausap.’

“’Nakakalungkot that we won’t get the chance to work with you for a while.’”

“Pero sabi ko, ‘Alam ko naman na ganyan lang ang takbo natin sa showbiz.’”

INVESTMENT. Hindi ba nanghihinayang si Perci at nag-invest ng malaking pera ang TV5 para kay Alex?

Na kung hindi dahil sa istasyon, hindi siya makikila kung nasaan man siya ngayon?

“A, well… Ahm, malaking panghihinayang. Kahit naman sino. Hindi naman ako magpapaka-plastik na okey lang sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, malaki yung lungkot na parang, ‘Hay…’

“Ang tagal rin naming binuo and we also got to a point na yung reason… I guess I have to explain.

“Yung reason… tinatanong nga namin si Mommy… Sabi niya kasi, ‘O, marami namang projects… bakit hindi na lang ninyo ipasok si Alex doon?’

“Sabi ko, ‘Mommy, yun nga yung point, e. After naming palakihin yung pangalan ni Alex sa Babaeng Hampaslupa…

“Well, nag-start yun sa Juicy, tapos, may BFGF, tapos, Babaeng Hampaslupa and then Enchanted Garden

“Kailangan naming planuhin yung susunod niyang gagawin. Hindi yung paatras, dapat papalaki.

“Meron talaga kaming palaki. But it’s just that, pag malaki na yung project inaabangan namin yung tamang timing.

“Kasi, yung kasama niyang artista, malaking artista rin. So, yun—kaya natagalan.

“Yun ang pinanghihinayangan na sayang yun, okay yun, e. Kung nangyari yun, it could have been perfect.”

RECAST. Yung mga projects ni Alex, kanino na ibibigay?

“Ahm, nagre-recast kami sa mga projects na yun. Okey naman nakahanap kami.

“Iniba namin yung role to suit the new stars… magpapatuloy naman yung project.”

ON DANITA PANER. Natanong namin si Perci tungkol sa isa pa nilang talent na si Danita.

Na-interview namin si Danita at nakatsikahan rin namin ang Mommy nitong si Daisy Romualdez.

Sinabi nilang siyam na buwan nang wala itong show sa istasyon at

Mag-i-expire na ang kontrata nito sa July.

May mga paramdam na ang dalawa sa posibilidad ng kanilang paglipat sa ibang istasyon.

“Si Dan [Danita] actually, meron kaming mga projects na ino-offer.

“Pero hindi kami magkasundo ni Mommy sa klase ng mga roles,” umpisang paglilinaw at paliwanag ni Perci.

“I mean, sinabi ko naman yun na, ‘Tita Daisy, may mga projects kami na ‘eto yung nakikita namin.

“’Eto yung nakikita naming career path sa kanya [Danita]. And it’s perfect for her.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, kung si Dan lang, parang okay naman siya. Si Mommy Daisy lang na parang ayaw niya nang ganoon, which, I think is okay…

“Mommy ka, manager ka, we have to respect it. So, ganoon ang nangyayari at nadi-delay.

Pagpapatunay pa ni Perci, “Actually, may dalawang projects na dapat nasa kanya.

“Actually, meron kaming parating pa ngayon na mag-uusap na naman kami at sana tanggapin nga ni Mommy Daisy.

“In-adjust na naman to suit what she’s looking for.”

Aalukin ba nila ulit sina Danita at Mommy Daisy to sign again for a new contract?

“Ganito… it goes with all of our stars.

“Lahat naman ng mga naka-trabaho na nating Kapatid, gusto nating continuously na maka-trabaho pa rin namin.

“Pero, kung sa tingin nila, yung growth nila is elsewhere, hindi namin ipagkakait yun—wala lang sama ng loob.

“Honestly, ayoko lang na may dating na may sama ng loob or anything.

“Kasi maliit lang naman ang industriya, matatapos naman yung kontrata ng mga tao. Iniisip ko lang, love naman tayong lahat.

“And si Dan, we have plans. We know exactly kung saan nga namin siya gustong i-position kung magkasundo nga kami doon.

“Actually, perfect talaga. And we hope na mag-materialize yun,” nakangiting pahayag ni Perci.

NEW TV5 PRESIDENT. Ano naman ang nararamdaman niya na si Atty. Ray Espinosa ay ia-assign sa Hongkong ni Mr. Manny Pangilinan para hawakan ang isang company doon?

Napangiti muna si Perci at saka nagsalita, “Ayun, nainggit!” sabay tawa niya.

“Si Atty. Ray, we feel great for him, kasi it’s a move up. It’s a bigger role in the group.

“Alam mo naman, malaki ang grupo. So, ang laki ng responsibility rin.

“Siyempre, naiinggit kaming lahat noong sabihing sa Hongkong base… Ganoon.

Kinumpirma naman ni Perci na si Noel Lorenzana na ang bagong president ng Kapatid Network .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We know Noel because Smart [telecommunication company].

“But I attended na rin a few meetings within as TV5 or we’re preparing for announcement niya for TV5’s new president.

“And I can see what he’ll be bringing to the table—nakaka-excite.

“Kasi, yung background niya, yung orientation niya, not just with Smart, but also with other big companies in the past… ibang marriage, kumbaga.

“Kumbaga, lahat ng mga tiga-TV5 na broadcasting ang pinanggalingan, maganda ang orientation din from somebody na from a different field.

“Pero ganoon din ang market, iba, mas market rin ang kausap.”

NEW PROGRAMING. Anong maasahan ng viewers ng istasyon at ng TV industry sa pagbabagong magaganap ngayong papasok sa posisyon si Mr. Lorenzana?

“Marami kaming… well, I guess, I should allow Noel to say kung ano yung mga gagawin.

“I’m sure you’ll have a chance to talk to him soon.

“Pero even right now, kanina lang nag-programming kami, nag-meeting kami.

“Ang daming binabalak na bago. Kasi doon nakilala ang TV5, di ba? When we started doing things differently.

“Babalik… hindi naman babalik, pero ang hirap mag-continue doon na sunud-sunod na bago ang mga ginagawa mo.

“Baka at a certain point, di ba? Baka gagawa ka rin ng the same na… Pero nag-brainstorming kami, it took a while.

“But now, may ilalabas kaming wave of shows, maninibago na naman ang industriya.”

BIG SURPRISE. Gugulatin ba nila uli ang TV industry?

Mabilis na tugon ni Perci, “Yeah! Kasi yun ang role natin, e. Yung ang role ng TV5 mag-offer ng something new.

“At pag nagustuhan ng industriya, then we know our competition will follow suit, di ba?

“Nangyari na ‘yan before with our other shows. Alam naman natin na nauna ang TV5.

“And some of those shows, Talentadong Pinoy, Face to Face, are still there. Yun pa rin ang nakikilalang TV5 show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron kaming bagong ilalabas na hopefully, ikagugulat, ikatutuwa… very soon,” pagwawakas ni Perci.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN