GMA-7 pays tribute to German Moreno via 50 Years With The Master Showman

Naging emosyunal si German Moreno, o mas kilala bilang Kuya Germs, sa musical extravaganza na inihandog sa kanya ng Kapuso network bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa industriya sa loob ng limang dekada. Ginanap ang musical extravaganza na 50 Years With The Master Showman sa Newport Performing Arts Theatre Resorts World Manila, Pasay City.


Star-studded ang musical tribute para kay German "Kuya Germs" Moreno na pinamagatang 50 Years With The Master Showman bilang pagdiriwang ng kanyang ika-50 taon sa showbiz.

Ginanap ang musical extravaganza para kay Kuya Germs sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila, Pasay noong April 24, Miyerkules.

Ipalalabas naman ito sa telebisyon, via GMA-7, sa Sabado ng gabi, April 27.

Mga malalaking artista mula sa magkakaibang henerasyon ang dumalo at nakiisa sa pagdiriwang ni Kuya Germs??mula sa mga kasabayan niya sa Sampaguita Pictures na sina Susan Roces at Gloria Romero, hanggang sa kanyang mga naging alaga sa mga show niyang GMA Supershow at That??s Entertainment, at hanggang sa mga kasamahan niya ngayon sa Walang Tulugan With Master Showman.

Mula sa noontime variety show na GMA Supershow??na halos dalawang dekada ang itinagal (1978-1997)??dumalo sa tribute para kay Kuya Germs ang mga dating co-hosts na sina Sharon Cuneta, Dawn Zulueta, Jean Garcia, Maricel Laxa, Jackie Lou Blanco, Lani Mercado, John Nite, at Raymond Lauchengco.

Nakadalo rin at nagbigay-pugay ang mga naging bahagi ng youth-oriented talent variety show na That??s Entertainment, na tumagal ng isang dekada, sa pangunguna nina Vina Morales, Manilyn Reynes, Tina Paner, Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Jennifer Sevilla, Jojo Alejar, Ramon Christopher, at Billy Crawford.

Dumalo rin ang GMA-7 bigwigs na sina Atty. Felipe Gozon, GMA-7 chief executive and chairman, at Mr. Gilberto Duavit, network president at chief operating officer.

Dumating din ang dating GMA-7 executive na si Wilma Galvante upang batiin ang Master Showman.

Gayundin ang karamihan sa prime artists ng Kapuso network hanggang sa upcoming stars nila ngayon.

Naroon sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Richard Gutierrez, Dennis Trillo, Mark Anthony Fernnadez, Alden Richards, Glaiza de Castro, Alden Richards, Kris Bernal, Aljur Abrenica, Louise de los Reyes, Kylie Padilla, at marami pang iba.

Hindi rin nagpahuli ang ilan sa stars ng Party Pilipinas gaya nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jaya, Janno Gibbs, Rachelle Ann Go, La Diva, Julie Ann San Jose, at Jolina Magdanga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mismong programa ay binalikan ang simpleng pinanggalingan ni Kuya Germs hanggang sa makilala siya bilang isang star builder at kilalang personalidad sa industriya.

Sa pamamagitan ng isang dance number ay ipinakita ang naging paglalakbay ni Kuya Germs bago marating ang tugatog ng tagumpay??mula sa pagiging janitor ay naging artista, radio commentator, producer, at TV and radio host.

Sa nasabing musical extravaganza, sunud-sunod na dance numbers at mga awitin ang inihandog ng mga artista ng iba't ibang henerasyon.

Tila journey down memory lane din ang mga performances dahil ang mga musika at awiting ginamit ay ang mga naging sikat ilang taon na ang nakalilipas at itinanghal ng mga taong pinasikat ni Kuya Germs.

Halimbawa na lang ay ang dalawa sa loveteams na naging sikat noong ??80s at ??90s; sina Martin Nievera at Pops Fernandez, gayundin sina Manilyn Reynes at Janno Gibbs na kinanta ang ??Mambobola?? na pinasikat ni Zsa Zsa Padilla at ??Babaero?? na pinauso naman ni Randy Santiago.

May mga nagparating din ng espesyal na mensahe kay Kuya Germs via AVP (audio-visual presentation), kagaya ng beteranong announcer na si Eddie Ilarde na naging katambal ni Kuya Germs bilang commentator sa radyo.

Maging ang ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio, na for a time ay naging host din ng GMA Supershow, ay nagpaabot din ng mensahe.

Isa ring coffee table book ang ini-launch ng GMA Network bilang tribute kay Kuya Germs na may pamagat na Kuya Germs: 50 Years In Showbiz.

Isa ring plaque of appreciation na iginawad ni Mr. Duavit dahil sa maraming taong iginugol ni Kuya Germs sa GMA-7 at sa pagiging tapat niya sa network.

Dahil sa tribute sa kanya ay hindi na napigilan ni Kuya Germs ang maging sentimental sa maraming pagkakataon.

Sobrang na-touch ang TV personality sa pagmamahal na ipinaramdam sa kanya ng mga taong nagmamahal sa kanya sa loob ng maraming taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN