Xian Lim on Kim Chiu’s sexy swimsuit photo: "Ang galing, summer na summer!”

Ito raw ang birthday wish ni Xian Lim sa kaparehang si Kim Chiu: "Just be happy and congratulations sa lahat ng success, ‘yan lang ang masasabi ko. Sabi nga ng kanta ni Daniel Padilla, ‘Nasa ‘Yo Na Ang Lahat,’ kasi ano, e, she’s blessed, she’s a blessed person, and she’s really lucky to have those blessings. So, ayun, birthday wish ko for her, just keep it up.”


Kakaibang excitement ang naramdaman ni Xian Lim nang dumalo siya sa 61st FAMAS Awards noong April 21 sa AFP Theater.

Ito ay dahil sa tatanggap siya ng kanyang kauna-unahang award simula nang pumasok siya sa showbiz.

Si Xian ang isa sa apat na napili ng FAMAS na gawaran ng German Moreno Youth Achievement Award. Kasama niya rito sina Janella Salvador, Joyce Ching, at Ruru Madrid.

Sabi ng Kapamilya young actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest ng TV5, “It’s my first time to ano, e, receiving an award.

“So I’m really happy, I’m really happy na nadito ako ngayon—not just presenting an award but actually receiving one.

“Yes, yun, nakakatuwa, nakaka…siyempre first time kong makakakuha ng ganito.”

Isa raw itong karangalan na hindi niya makakalimutan.

“Oo naman, isang karangalan para sa akin…

“Noong first ko nga na narinig ‘to, sabi ko nga, ang first word na lumabas sa akin is ’karangalan’ talaga.”

Noong sinabi sa kanya na dadalo siya sa FAMAS, ang una raw pumasok sa isip niya ay kung anong award ang kanyang ipi-present.

Pero laking-gulat daw ni Xian na hindi lang siya magpi-present kundi tatanggap mismo ng award.

Sabi niya, “Inspiring talaga, siyempre noong nasabi nga sa akin… sabi ko, ‘Anong ipi-present ko?’ ganun-ganun.

“Pero thankful naman at makakatanggap [pala] ako.”

Wala raw sa programa na magbibigay sila ng speech kaya sa naturang panayam na lang siya nagpasalamat sa kanyang mga tagahanga.

Mensahe ni Xian, “Sa lahat po ng mga sumusuporta, maraming-maraming salamat po at todo-todo na yun, lalo na sa mga sa teleserye namin, maraming-maraming salamat."



NA KAY “KIM CHIU” NA ANG LAHAT. Noong April 19 ay nagdiwang ng kanyang kaarawan ang ka-loveteam ni Xian na si Kim Chiu.

Ano ang wish niya para sa kapareha?

Aniya, “Wish? Just be happy and congratulations sa lahat ng success, ‘yan lang ang masasabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nga ng kanta ni Daniel Padilla, ‘Nasa ‘Yo Na Ang Lahat,’ kasi ano, e, she’s blessed, she’s a blessed person, and she’s really lucky to have those blessings.

“So, ayun, birthday wish ko for her, just keep it up.”

Nang mag-birthday si Kim, nag-post ang young actress sa kanyang Instagram account ng litratong naka-swimsuit na sobrang sexy.

Ano ang reaksiyon ni Xian dito?

Nakangiti nitong tugon, “Yes. Ang galing, summer na summer!”

Matagal na ring bulung-bulungan ang diumano’y panliligaw ni Xian kay Kim.

Pero sa mga nagdaang interviews kay Xian, lagi nitong sinasabing busy sila pareho sa work kaya walang panahon sa seryosong ligawan.

Ngayon ba ay nag-level up na ang estado ng kanilang relasyon?

Sagot ni Xian, “We are gonna be working and doing stuff professionally, all the time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN