Jessica Sanchez "freaked out" after getting offer to guest on Glee

by Ruel J. Mendoza
Apr 26, 2013

Pagkatapos lumabas ni Charice bilang Sunshine Corazon sa hit US series na Glee three years ago, pagkakataon naman ngayon ng American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez na magpakitang-gilas sa naturang hit US comedy-musical series.

Lalabas si Jessica bilang si Frida Romero sa isang two-episode arc bilang pagtatapos ng fourth season ng Glee.

At tulad ng nangyari kay Sunshine Corazon, makakatunggali ni Frida si Rachel Berry (played by Lea Michele) at magdadala siya ng pagbabago sa grupo ng New Directions.

Sa lumabas na interview kay Jessica last April 23 via Associated Press on YouTube, ikinuwento ng Filipino-Mexican singer kung paano siya naimbitahan na lumabas sa Glee.

“Oh, I freaked out! Ryan Murphy [Glee executive producer] called me into a meeting and I was, ‘For what? For Glee?’

“And then I went in and we had a simple meeting after Idol and I was really, really tired.

“And I really didn’t say much, I just sat there and listened to what he said,” pag-alala pa ni Jessica.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng ilang araw ay nakatanggap si Jessica ng tawag mula sa kanyang manager at sinabing gusto siya ni Ryan Murphy para lumabas sa Glee.

“I’m like, ‘What?’ And right after the show, I’ve been taking acting lessons and I’ve been really working in it,” sabi ni Jessica.

Mag-uumpisa ang two-episode arc ni Jessica on May 2 at ang season finale episode sa May 9.

Kailan lang ay nabigyan ang Glee ng dalawa pang seasons, kaya may chance na muling mapanood si Jessica sa future episodes ng show.

Sa April 30 naman ang release ng debut album ni Jessica na Me, You and The Music na produced ng 19 Recordings/Interscope Records.

Available din ito online at Amazon.com with an instant download of “Tonight” kunsaan kasama niya si Ne-Yo.

Nag-perform na sina Jessica at Ne-Yo sa isang episode ng American Idol Season 12.

“Ne-Yo is so amazing! He’s like the sweetest sweetheart ever! He’s like a big brother to me,” sabi pa ni Jessica sa kanyang video interview.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results