Nadia Montenegro ends five-year rift with Cristy Fermin

Nadia on finally making peace with her "nanay-nanayan" Cristy Fermin: “Sa nangyari po sa atin... napakalaki ng natutunan ko at ngayong nasa tamang landas na po ako ay talagang ’Nay, ipinapananalangin ko talaga na sana okay na po ang lahat… Maraming salamat po sa pagtanggap ng paumanhin ko… malaking bagay po ito sa ating dalawa dahil naging importante tayo sa isa’t isa. At hanggang ngayon ay pinapanalangin ko pa din na magbali


Matapos ang halos limang taong alitan, nagkabati na ang beteranang showbiz columnist at talk show host na si Cristy Fermin at ang dating aktres at “Regal Baby” na si Nadia Montenegro. Nangyari ito sa episode ng Ang Latest kagabi, April 27, sa TV5.

Nataon kasing sa studio na iginawad kay Cristy ng mga tagapamuno ng FAMAS ang kanyang tropeyo bilang awardee ng Art Padua Memorial Award bilang manunulat.

Matapos ng kanyang pagpapasalamat sa mga opisyal ng FAMAS, ginulat si Cristy ng kanyang mga co-host na sina Direk Joey Reyes, Amy Perez, Mr. Fu, at Divine Lee nang iparinig sa kanya ang sorpresang phone patch mula kay Nadia Montenegro.

Bungad ni Nadia, “Hello, magandang gabi po sa inyong lahat. Hello, ‘Nay.”

Tugon ni Cristy, “2008 nang magkaroon kami ng hidwaan ni Nadia Montenegro na naging dahilan ng pagkaalis sa akin sa kabilang channel, sa ABS-CBN.

“Pero alam mo, Nadia, ngayon ko lang napag-isip isip na maraming salamat sa ating hidwaan dahil kung hindi nangyari yun, wala sana ako sa TV5 ngayon. Maraming salamat.

“At saka, ano man ang mangyari, ninang ka pa rin ni Rebo.”

Sagot ni Nadia, “A, salamat po, ’Nay, tulad po nang tinext ko sa inyo, ayoko naman pong mag sugarcoat…

“Pagkauwi ko galing Amerika, nagbagong-buhay po ako, nagbalik-loob po ako sa Diyos, at ngayon ko po naisip… sa nangyari po sa atin... napakalaki ng natutunan ko at ngayong nasa tamang landas na po ako ay talagang ’Nay, ipinapanalangin ko talaga na sana okay na po ang lahat…"

Dagdag pa ni Nadia, “Maraming salamat po sa pagtanggap ng paumanhin ko… malaking bagay po ito sa ating dalawa dahil naging importante tayo sa isa’t isa. At hanggang ngayon ay pinapanalangin ko pa din na magbalik ang dati nating samahan.

“Masaya po ako na nakilala kita, nagkataon lang na gumitna ang hindi magandang sitwasyon sa buhay natin. Kaya ngayon nagpapasalamat po ako sa Diyos at naging maayos na po lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad naman ni Cristy, “Nadia, hindi ko mapapalampas ang gabing ito kapag hindi ko kinontra ang sinabi mo na maraming salamat sa pagpapatawad at pagtanggap.

“Sa nangyaring yun, hindi ikaw lang ang may pagkakamali, may kakulangan din ako, hindi tayo nagkita sa gitna, hindi po puwedeng ako lang ang magpatawad sa ’yo.”

“Salamat din sa muli mong pagtanggap sa akin bilang nanay-nanayan mo at I’m sorry din kung nasaktan kita, nasaktan ko ang mga taong malapit sa iyo... mga tao din tayong hindi perpekto.

“Pero kung sino ka nung nakilala ko nung katorse anyos ka palang, ganun pa rin, may napingas lang... didikitan natin yun. Maraming salamat sa ’yo.”

Pagtatapos ni Nadia, “Salamat ’Nay and congratulations, God bless po, ’Nay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN