Albay Governor Joey Salceda on celebrities running for public office: “Actually, mas maraming artista ang natatalo kaysa sa mga nananalo.”

Nilinaw ni Governor Joey Salceda na hindi porke’t artista ay madaling manalo. Sabi niya, “Kung titingnan mo yung mga artistang natalo ay mas marami pa sa mga artistang nanalo. Actually, perception lang ‘yan, e, kasi ang lumalabas lang sa balita ay yung mga nanalo.”


Huling termino na ngayon ni Albay Governor Joey Salceda, who just wants to be called simply “Joey.”

Pero ayon sa pinakahuling survey, masasabing halos wala siyang kalaban bilang ama ng probinsiya ng Albay.

Nagpahayag ng pananaw si Governor Joey sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang aming makausap sa Albay mismo.

Saad niya, “Halos lahat kami ay walang kalaban kasi.

“Kaya sa halos lahat ng probinsiya siguro, Albay lang ang nakakapagpatuloy ng Tourism promotion.

“Kasi, while the rest of the country is busy maligning each other, in Albay we’re busy promoting each other.

“Kasi, sinasamantala na rin namin na to make a big bang out of our arts, history and culture sa pag-promote ng Albay.

“Kasi, yung sa amin... yung arts and culture, mahirap gayahin.

“Yung sports culture ay madaling gayahin, pero yung maging land of beauty queens and festivals, mahirap gayahin yun.

“Pero yung magkaroon ka ng genes, tinatawag nga namin na genetic transmission ng way of life...

“Yung muscle memory, yung ibig sabihin, pag talagang magandang babae, tini-train agad to become a beauty queen.”



POLITICAL ATMOSPHERE. Kampante si Governor Salceda sa takbo ng pulitika ng kanyang probinsiya ngayon.

Masasabing tahimik sa Albay sa height of campaign period kahit may mga kaharasang nangyayari sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

“Sa kanila kasi, nandoon yung political contest. Dito sa amin, wala—main unopposed ako,” patunay ng 52-year-old governor.

“Yung first district lang yung may contest. Yung sa second district, si Sir Bichara, ganoon din.

“Si Sir Gonzales, wala din. So, yung dalawang congressmen walang kalaban, yung isa lang ang meron.

“Masasabi kong peaceful dito sa Albay.”



PLATFORM. Bilang financial analyst at ekonomista, ano ang plano niya sa kanyang huling termino bukod sa pagpapaunlad ng tourism industry sa Albay?

Saad ni Governor Salceda, “One is to achieve the MDGs [main development goals].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung isa ay na-achieve na namin—yung child and parental mortality, malnutrition, malaria-free... lahat na-achieve na namin yun.

“So, yung pangalawa na lang na main vision, ang goal talaga namin for the next six years is to become the tourism capital South of Manila.

“So, ang kalaban lang namin dito ay Tagaytay.

“Ang advantage namin sa Tagaytay is culture... history. Kami, may mga national heroes din kami."

Aniya pa, “Sinasanay na namin ang mga tao sa dito, ‘Merong bulkan [Mayon Volcano], ayaw ninyong umalis. May bagyo, ayaw niyong umalis. May baha, ayaw niyong umalis. O, dapat trained kayo kasi ayaw ninyong umalis.’

“Tapos, meron kaming mga programa na dapat ma-minimize yung exposure nila dito.

“Like yung sa tabi ng bulkan, wala ng tao diyan... may bahay pero umuuwi sila sa resettlement.”



ACTORS-POLITICIANS. Tinatanong din ng PEP kay Governor Salceda kung ano ang masasabi niya sa mga artistang pumapasok sa larangan ng pulitika.

“Kaming mga politiko, dapat pumasok na rin sa showbiz... bakit hindi, di ba?” natatawang pagbibiro niya.

Dagdag niya, “Para sa akin, irrelevant naman yung pagiging showbiz sa pagiging non-showbiz, e.

“Basta ba hindi inaabuso yung tiwalang ibinibigay ng tao sa isang artista—yun ang pinaka-prinsipyo niyan.

“Yung tinatawag namin sa marketing na ‘abuse of market power to promote other interest.’

“Kung competitive ka naman, at hindi ka gagamit ng mga means na masasabi mong dehado ang mga kalaban mo.

“E, kung minsan nga ay mga artista pa ang dehado, e.

“Kung titingnan mo yung mga artistang natalo ay mas marami pa sa mga artistang nanalo.

“Actually, perception lang ‘yan, e, kasi ang lumalabas lang sa balita ay yung mga nanalo.

“Natural naman sa mga Pilipino na naaawa sa mga matalo, so ba’t mo nga pa ididiin yung talo?

“So, lumalabas sa newspapers at TV yung mga artistang nanalo. Pero yung mas maraming artistang mga natalo, hindi na lumalabas ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa ating mga Pilipino, smooth personal relationship ay ayaw na nating masira—talo na nga, ipapahiya pa.

“Actually, mas maraming artista ang natatalo kaysa sa mga nananalo.”



ADVANTAGE. Ayon pa sa gobernador, malakas ang popularity lead ng mga arista.

Sabi niya, “A, oo. Merong popularity lead ang mga artista.

“Ang sa akin lang, i-control din nila ang pag-abuso ng market power nila.

“Halimbawa, siguro kung kumakandito siya, wala dapat siyang advertisement na lumalabas, wala dapat siyang pelikulang lumalabas, walang shows sa TV na lumalabas.

“So, level playing field tayo... dati na nga siyang popular.

“Kaya ako, halimbawa ang kalaban ko ay aristista, alam ko na dapat right from the start na artista ang kalaban ko, ba’t pa ako lalaban?

“Pero, dapat during the contest, dapat merong control sa abuse of power. Yung lang naman dapat diyan.

“Tama naman yung batas diyan... nasa batas naman na ‘yan.”



FOCUS. Speaking of the tourism boom ng Albay, sinabi ni Governor Salceda na malaking factor dito ang pagpo-focus nila sa festival at beauty competition.

May month-long Daragang Magayon Festival ang Albay na nag-commence noong April 1.

Dagdag pa rito ang Daragang Magayon 2013 na nagkaroon ng grand coronation night last April 27.

Celebrity judges sina Maggie Wilson, Carla Abellana, TV and radio host Gretchen Pulido, radio host Joebert Sucaldito, TV reporter Mario Dumaual, fashion designer JC Buendia, at Manila Standard entertainment editor Isah Red.

Na-witness din ito ng ilang grupo ng entertainment media from Manila na personal na inimbitahan ni Governor Salceda organized by DZMM’s Teledyaryo host Ambet Nabus.



STARTING YOUNG. Matatandaan na sina Miss Universe 1999 1st runner-up Miriam Quiambao, Miss International 2005 Precious Lara Quigaman, at Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj ay pawang mga taga-Albay.

Pahayag ni Governor Salceda, “Kina-career naman talaga ng Albay ang pagpapanalo sa beauty contests.

“Isa ito sa aming tourism promotion strategies ng aming probinsiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, gawa nga ng Mayon [Volcano], it stands for ‘magayon’ which isa beautiful in English translation.

“So Mayon stands for Albay and magayon is beautiful—hindi lamang yung magandang babae, kundi yung magandang ugali.

“Kina-career namin yung pagpanalo sa beauty contests nationally and internationally. Kasi we want Albay to be na ‘Venezuela of the Philippines.’

“Tini-train namin ang mga bata. Unang-una ay mananalo muna sila sa mga town-to-town beauty contests.

“Tapos, ginu-grupo namin sila, binibigyan ng chance at ng suporta ng training.

“Dito pa lang, nabe-benchmark na namin at para pagdating nila sa Maynila ay confident na sila.

“Kaya taun-taon naman ay nagpapadala kami sa Binibining Pilipinas. This year lang kami walang panalo.

“Noong mga nakaraan naman, halos taun-taon kami may panalo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN