Gretchen Barretto on family feud: "I have no answer for a possibility of reconciliation."

Nananatiling tikom ang bibig ni Gretchen Barretto (kanan) kaugnay ng alitan sa kanilang pamilya. Ayon sa kaibigan at manager ng aktres na si Boy Abunda (gitna) ay pinayuhan nila si Gretchen na huwag nang magsalita dahil away ito ng pamilya. Samantala, tila hindi naman apektado ang pamangkin ni Gretchen na si Julia Barretto (kaliwa) sa isyung kinahaharap ng kanilang pamilya.


Marami ang nag-abang kung magsasalita si Gretchen Barretto sa The Buzz kahapon, April 28, dahil bukod sa isa sa mga host ng programa si Boy Abunda ay paminsan-minsan ding nagge-guest co-host ang aktres dito.

Bukod kasi sa pagiging manager ni Gretchen, hindi maikakaila na si Boy ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ng aktres sa showbiz.

Ngunit sa halip ay isang special report ang ipinalabas ng Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN hinggil sa isyung kinasasangkutan ni Gretchen at ng kanyang pamilya—partikular na ang alitan nila ng kanyang ina na si Inday Barretto at ng bunso niyang kapatid na si Claudine.

Pagkatapos nito ay nagbigay ng pahayag si Boy tungkol sa kalagayan ngayon ni Gretchen.

Sabi ni Boy, “Patuloy pa rin daw siyang nasasaktan sa mga nangyayari ngayon sa kanyang pamilya.

“Tila, muli raw bumabalik ang lahat ng alaalang kanyang pinagdaanan.

“Sa ngayon, mas pipiliin daw muna niyang manahimik dahil na rin sa labis na sakit na kanyang pinagdadaanan.

“Sa tanong kung bukas siya na makipag-ayos sa kanyang ina at kapatid, ang sagot ni Gretchen, ‘I have no answer for a possibility of reconciliation.’”

Dugtong pa ni Boy, “Mga kaibigan, we tried getting in touch with Gretchen. She remained silent.

“It probably takes a lot of provocation from us to get something from Gretchen.

“She said, ayaw pa rin niyang magsalita, lumabas, at i-grant ang interview na aming hinihingi.”

Bilang manager at kaibigan ni Gretchen, ano ang mga ipinapayo nito sa kanyang alaga?

Sagot ni Boy, “Tinatanong kami, what was our advice to Gretchen. Para maging malinaw, I told her just a few minutes ago, ‘I think, Gretchen, the best way to attack this, the best way to confront this is to keep quiet dahil pamilya na ang pinag-uusapan dito.’

“But again, katulad ng sinasabi ko, I think, it takes a lot of words, provocation for her to come out and break her silence.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



JULIA BARRETTO. Kaugnay pa rin ng alitang ito ng mga Barretto, nakausap din ng The Buzz si Julia Barretto.

Si Julia ay anak ni Marjorie at pamangkin naman nina Gretchen at Claudine.

Nadadawit ang pangalan ni Julia sa isyu dahil isa raw sa dahilan ng alitan ng mga Barretto ay ang pagpasok ni Julia sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Ayon kasi sa mga naunang report ay tinututulan daw ni Claudine ang pagpasok ni Julia sa Star Magic dahil ito raw ang paraan ni Gretchen upang pigilan ang pagbabalik ni Claudine sa ABS-CBN.

Ngunit mariin naman itong pinabulaanan ng kampo ni Claudine.

Sabi ni Julia tungkol sa isyu ng kanilang pamilya, “I’m not affected.

“Kasi for me, marami na akong mga naririnig na rumors, marami na kaming napagdaanan as a family, and we surpassed them all and we’re okay now.

“So, whatever trials will come our way, for sure, kaya naming lagpasan yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN