Kris Bernal on status of relationship with Carl Guevara: "Alam naman niya na espesyal siya sa akin, alam naman niya mahal ko siya."

Hindi pa rin umaamin sina Carl Guevera at Kris Bernal sa tunay na estado ng kanilang relasyon, pero aminado ang dalawa kung gaano sila kalapit ngayon. Sabi ni Kris, “Siguro masasabi nating special friends, may something—may gusto ako, gusto ko siya. Pero relationship, naku, takot ako diyan! Huwag muna!”


Hindi pa rin umaamin sina Kris Bernal at Carl Guevara, pero sa mga kilos nilang dalawa ay hindi na kailangang itanong kung hanggang ligawan pa rin ba sila.

Sa taping ng 50th anniversary celebration ni German “Kuya Germs” Moreno na ginanap sa Resorts World nung nakaraang linggo, namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na inalalayan ni Carl si Kris pababa sa backstage.

Magkakasunod lang sila nina Kylie Padilla na inalalayan naman nina Aljur Abrenica, at si Louise delos Reyes naman ay kasama ang ex-boyfriend na si Enzo Pineda.

Hinatid lang ni Carl si Kris ss dressing room at iniwan na niya ito.

Nakorner doon ng PEP si Kris at sinabi nitong “special friends” lang sila ni Carl.

“Siguro masasabi nating special friends, may something—may gusto ako, gusto ko siya.

"Pero relationship, naku, takot ako diyan! Huwag muna!” bulalas nito.

EUROPE VACATION. Napapangiti si Kris na ikinuwento sa amin na nung nagbakasyon siya ng isang buwan sa Europe kasama ang pamilya, isa raw si Carl sa nami-miss niya. Pero tuloy pa rin naman daw ang komunikasyon nila.

Sabi ni Kris, “Nakakatawa nga ‘tong si Carl, kasi nung pag-uwi ko, nagpasundo ako sa kanya.

“Aba, may welcome-back flowers ako. Ang taray, di ba?

“Tapos, binigyan niya ako ng calendar na araw-araw nililista niya yung ginagawa niya kasi hindi naman kami nag-uusap araw-araw.

“Sabi niya sa akin, ‘Para isipin mo na pagbalik mo andito pa rin ako para sa ‘yo, hindi ako nagloloko.

“Pero natutuwa ako kasi nandiyan yung loyalty niya at patience niya sa akin.”

SPECIAL RELATIONSHIP. Hindi lang maidetalye ni Kris ang sinasabi niyang "special friendship" nila ni Carl, pero masaya raw siya kasama ang hunk actor at wala naman daw siyang ibang dini-date.

Dagdag pa niyang pahayag, “Hindi ko rin masasabing kami, e, kasi wala pa kasi kami sa point na may karapatan, e—yung karapatan niya akong pagbawalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun kasi ang dahilan din kung bakit ayaw kong pumasok sa relasyon—yung may nagbabawal lalo dito sa trabahong ito.”

Nilinaw rin ni Kris na wala naman nagbabawal sa kanila para aminin ang kung anong meron sa kanila ni Carl.

Aniya, “Itong trabaho din naman po, sinasabi sa amin na bawal kaming mag-boyfriend.

“Pero ako din, choice ko din na alagaan yung career ko, alagaan ang pinaghirapan ko.”

Sinundan uli namin ng tanong kung ano ang sagot niya kay Carl kapag nag-“I love you” ito. Binabalikan din ba niya ng “I love you?”

“Hindi pa,” mabilis niyang sagot sa amin.

“Hindi pa ako sigurado, e. Alam naman niya na espesyal siya sa akin, alam naman niya mahal ko siya.”

PROFESSIONALISM. Napangiti lang si Carl nang tinanong ng PEP kung gaano nga ba kadalas siyang magpahayag ng pagmamahal kay Kris.

“Siyempre sa akin naman, mahal ko naman si Kris siyempre.

“Sinasabihan ko siya ng ‘Ingat ka,’ ‘I love you.’ Pero iniiba niya ang usapan, umiiwas!” natatawa niyang pahayag.

Tinitiyak naman ni Carl na hindi makakasira sa kanilang career ang kanilang relasyon at kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa.

“Sa akin naman, ginagawa ko lang trabaho ko nang maayos. Pagdating sa trabaho, professional.

“Kailangan, pag may trabaho siya, ginagawa niya. Hindi naman ako nang-disturbo sa trabaho niya, hindi naman ako nakakadisturbo,” sabi ni Carl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN