Ryza Cenon finally agrees to pose for FHM

Ilang beses na raw kinukumbinsi ng FHMsi Ryza Cenon na mag-pose nang sexy para sa cover, pero ngayong 25 years old na ang Kapuso actress ay pumayag na rin siya sa wakas. Aniya, “Ngayon lang talaga ako naging confident sa sarili ko—sa katawan ko. I’ve been working out at hilig ko ang sumayaw. Mostly, dancing ang pinaka-exercise ko. Dahil nga siguro sa mga ginagawa kong ‘yan, unti-unting nag-develop ang katawan ko. Heto na ang t


Pumayag na sa wakas si Ryza Cenon na mag-pose nang sexy para sa men’s magazine na FHM. Cover girl for May 2013 ang StarStruck 2 Ultimate Female Survivor.

Matagal-tagal din daw niligawan ng FHM si Ryza para maging cover girl, pero matagalang paghahanda muna ang ginawa ng Kapuso actress para sa kanyang sarili.

Sabi ni Ryza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I just turned 25 years old last December. Hindi na tayo bata, kaya puwedeng-puwede na.

“I remember noong nag-eighteen ako ay gusto na akong kunin ng FHM para maging cover girl.

“Pero siyempre, hindi pa puwede. Batang-bata pa ako noon.

“Isip-bata rin ako noon kaya imposibleng mapapayag nila ako agad-agad.

“Ngayon kasi, nasa tamang edad na ako. Tsaka nagiging daring na rin ako sa mga roles ko sa TV.

“Kaya tama lang ang lahat—it’s about time na rin siguro.”

Nakausap ng PEP si Ryza sa GMA Annex Building noong Linggo, April 28.

Si Ryza ay nanalo sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck Season 2 sa edad na 16.

Nagsimula siya sa teeny-bopper roles hanggang sa unti-unti na siyang gumanap sa mature roles.

Nagsimulang magkaroon ng sexy image si Ryza sa GMA-7 drama series na Langit Sa Piling Mo kunsaan lumabas siya bilang “other woman” at nag-pole dancing pa siya.

Nasundan ito ng daring at villainess roles niya sa Koreana, Time of My Life, at Machete.

Napapanood ngayon si Ryza sa epicserye na Indio.



LATE BLOOMER. Aminado si Ryza na “late bloomer” siya.

Matagal raw mag-mature at mag-develop ang katawan niya. Kaya sinigurado niya na may maipapakita siya kapag pumayag na siyang mag-pose for FHM.

“Ngayon lang talaga ako naging confident sa sarili ko—sa katawan ko.

“I’ve been working out at hilig ko ang sumayaw. Mostly, dancing ang pinaka-exercise ko.

“Dahil nga siguro sa mga ginagawa kong ‘yan, unti-unting nag-develop ang katawan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Heto na ang tamang panahon kaya ginawa ko na,” diin niya.

Si Ryza ang ikatlong StarStruck winner na naging cover girl ng FHM. Nauna sa kanya sina Jennylyn Mercado (Season 1) at Jackie Rice (Season 3).

Parehong dalawang beses nag-cover sina Jennylyn at Jackie para sa naturang magazine.

Kahit hindi pa nagiging cover girl si Ryza ng FHM, lagi siyang napapasama sa FHM 100 Sexiest Women taun-taon.

“Yun naman ang ipinapasalamat ko sa FHM.

“Kaya malaking bagay ito para sa akin—my first sexy cover—at sana ay magustuhan ito ng marami,” asam ni Ryza.

Ang iba pang StarStruck alumni na naging cover girl ng FHM magazine ay sina Katrina Halili, LJ Reyes, Iwa Moto, Rich Asuncion, Stef Prescott, Jade Lopez, at Cristine Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN