Andrea Torres not threatened by Marian Rivera’s entry to Triple A: "I think, si Marian Rivera, may sarili na siyang level talaga."

Nilinaw ni Andrea Torres na hindi siya lumipat ng talent management. Aniya, bukod sa Triple A ni Mr. Tony Tuviera ay co-managed na rin siya ngayon ng GMA Artist Center. Sabi ni Andrea tungkol dito, “Siguro mas secure, mas may patutunguhan, kasi dalawa silang kikilos para sa ‘yo. Siguro ano naman ako, noong nasa Triple A ako, wala naman akong problema sa kanila. At ngayong pumasok ang Artist Center, siyempre kung anuman ang na-feel ko sa Triple A na security, pag-aala


Nilinaw ng Kapuso actress na si Andrea Torres na hindi siya lilipat ng talent management.

Nagpatawag kasi ng presscon noong Lunes, April 29, ang GMA Artist Center (GMAAC) para kay Andrea.

Ipinagtaka ito ng mga imbitadong press dahil sa pagkakaalam nila ay nasa pangangalaga ng Triple A (All Access to Artists) ni Mr. Tony Tuviera ang aktres.

Ayon kay Andrea, hindi siya lumipat kundi kumuha lang ang Triple A ng magko-co-manage sa kanya—at ito nga ang GMAAC na talent arm ng Kapuso network.

Paliwanag pa ng aktres, “Actually, si Ateng [Rams David] po ang nag-decide. Sila ng GMA ang nag-decide.

"So, go lang.

"Siguro, naisip nila na mas maganda kung dalawa sila. Siguro, may plans.

"Hindi ko alam ang pinaka-reason, pero happy ako.

“At least, connected sa GMA."

May tatlong taon na raw siyang contract artist ng Triple A at masaya naman daw siya rito.

“Happy naman, never naman akong nagreklamo.

"At saka, ano sila, very maalaga. Talagang papakinggan nila kung ano ang gusto mo.

"Kung mali ka naman, sasabihin nila.

"Pero still, hindi nila ipu-push kung sa tingin mo, bothered ka.

“Talagang meron silang magandang communication and, I think, yun ang pinakamaganda sa way nila ng pag-manage.”

GMAAC TALENT. Sa Huwebes, May 2, nakatakda ang pagpirma ni Andrea ng kontrata sa GMAAC. Three years plus another three-year option to renew ang pipirmahan niyang kontrata.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea kung ano ang inaasahan niya ngayong isa na rin siya sa mga artista ng GMAAC.

Nakangiti niyang sabi, “Siguro mas secure, mas may patutunguhan, kasi dalawa silang kikilos para sa ‘yo.

"Siguro ano naman ako, noong nasa Triple A ako, wala naman akong problema sa kanila.

"At ngayong pumasok ang Artist Center, siyempre kung anuman ang na-feel ko sa Triple A na security, pag-aalaga, pagmamahal, kumbaga, times two.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang ine-expect ko—mas mapu-push.”


MARIAN RIVERA. Biniro ng entertainment press si Andrea na kaya siguro siya nagpa-co-manage sa GMAAC ay dahil pumasok na si Marian Rivera sa Triple A.

Noong April 26, Biyernes, ay inanunsiyo ang pagkalas ni Marian sa dati niyang manager na si Popoy Caritativo at paglipat niya sa Triple A.

Matalik na kaibigan ni Andrea si Marian, na nakasama niya sa primetime series na My Beloved (2012).

Nagulat ba siya nang malaman niyang lumipat na rin sa Triple A si Marian?

Natatawang kuwento ni Andrea, “Oo, sabi ko nga, ’Ang baklang ‘to!’

"Kasi, noong a day before na magpa-presscon siya, nagkita pa kami sa Master Showman, nagkukuwentuhan pa kami. Wala siyang sinasabi.

“Yun pala, may ganito siyang surprise.”

Nang malaman daw ni Andrea na kasama na niya si Marian sa Triple A, tinext daw niya agad ang kaibigang aktres.

Kuwento ni Andrea, “Tinext ko siya, kinongratulate ko.

"Sabi ko nga sa kanya, good luck. Kasi, bagong chapter sa career niya.

"Pero hindi pa kami nakakapagkuwentuhan nang masinsinan. Alam ko, mag-uusap din kami.”

Ano naman ang naging reply ni Marian nang i-text niya ito?

“Wala, more on Instagram... Instagram pa lang ang napag-uusapan namin ngayon.

"Hindi pa namin nadedetalye ang tungkol sa pagpirma niya. Kung paano ba ang nangyari, hindi ko rin alam.

"Ayoko rin namang usisain muna.

“Kasi, based sa mga napanood kong interviews, parang hinihingi rin niya yun—huwag munang pag-usapan—kaya hindi ko muna tinanong.”

Hindi ba siya nate-threaten na pumasok na si Marian sa Triple A?

Sagot ni Andrea, “Ay hindi, hindi naman… I think, si Marian Rivera, may sarili na siyang level talaga.

"Ano pa lang ako, nag-i-start pa lang ako. So, kumbaga, hindi ko dapat gawing competition si Ate Yan.

“At saka, kahit naman sa mga kasamahan ko, dapat siyempre, iisipin mo lang ang sarili mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kung palagi mo lang iku-compare sa iba, maaapektuhan ang diskarte mo. Parang manenega lang.

"Sariling pagplano lang.”

NEXT PROJECT. Ngayong dalawa na ang tumatayong manager niya—ang Triple A at ang GMAAC—ano ang mga puwedeng abangan sa kanya, lalo na’t matagal nang nagtapos ang Sana Ay Ikaw Na Nga?

Ayon kay Andrea, “Meron ulit, soon. Ang alam ko, light naman, romantic-comedy.”

Si Mikael Daez pa rin ang makakapareha niya at posibleng makasama rin dito ang bagong Kapuso na si Christian Bautista. Sa June daw ito magsisimula.

Dagdag niya, “Wala pa po kasing storycon, meetings, hindi ko pa rin po alam ang mga details.

"Pero sabi naman po, afternoon pa po yata.”

Gusto ba niyang si Mikael pa rin ang maging ka-loveteam niya?

Tugon ni Andrea, “Opo naman, kasi yung mga fans, nire-request nilang talaga.

"At saka, nakikita naming successful yung naging team-up.

"At saka kay Mikael, kumportable na ako.

"Alam ko na rin kung paano siya magtrabaho, kung anong approach ang dapat sa kanya.

“Kilala na rin naman ang isa’t isa.”

Hindi itinanggi ni Andrea na sa umpisa pa lang ay naramdaman na niyang may chemistry sila ni Mikael.

Kahit dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang matapos ang Sana Ay Ikaw Na Nga, okay pa rin naman daw si Andrea sa career niya.

Sabi niya, “Okay naman kasi may mga regionals, guestings.

"Pero siyempre, hahanap-hanapin mo yung regular talaga.

"At saka, as long as may mga ginagawa pa rin from time to time.”

May lovelife na ba siya?

“Wala, ang boring, ‘no?” natawa niyang sabi.

“Walang anything, walang boyfriend.

"Yun nga siguro ang iwi-wish ko sa birthday ko.”

BIRTHDAY GIRL. Sa May 4 ang 23rd birthday ni Andrea.

Hindi pa raw niya alam kung ano ang magiging birthday celebration niya, pero nagbigay na raw ng surprise sa kanya ang mga fans niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Last week pa sila nagbigay ng surprise. Na-surprise talaga ako kasi ang aga, pero ang sweet nila.”

Ano ang gusto niyang maging selebrasyon sa kanyang kaarawan?

“Hindi ko pa nga naiisip," sambit ni Andrea.

"Siguro ganoon talaga kapag tumatagal, parang hindi ka na masyadong excited sa birthday mo.

"Pero siyempre ano, feeling ko, sa araw na yun, sobrang hyper ko talaga.

"At saka, dati kasi, bibilangin ko talaga ang araw.

“Pero ngayon, hindi pa talaga ako nakakapagplano.”

Anong regalo naman ang gusto niyang matanggap?

“Nabigyan na ako ni Lord, advance, yung project. Pinag-pray ko talaga na, ’Lord, gusto ko na talaga ng project.’”

Bukod sa pagkakaroon ng bagong project?

“Lovelife!” natatawa nitong sabi

May dalawang taon na rin daw nang huli siyang magkaroon ng karelasyon.

Kung sakaling magkaroon na siya ng boyfriend, may nai-imagine ba siya?

“Kamukha ni Ryan Gosling! Ang taas, di ba,” natatawang sabi niya.

Goal ba niya ngayong taon ang magka-lovelife?

“Hindi naman goal, siguro kung tatanungin lang ako ni Lord. Parang ano siya, bonus,” nakangiting sagot ni Andrea.

Ano naman ang hinahanap niyang katangian sa isang lalaking puwede niyang maging boyfriend?

“Ano kasi ako, very malambing ako. So gusto ko siyempre yung ganoon din, nilalambing ako.

"Kung ano siyempre yung pag-show mo ng love, gayundin ang basehan mo ng love.

"Gusto ko siyempre yung nag-e-effort.”

Inamin ni Andrea na meron namang nanliligaw sa kanya ngayon.

Aniya, “Meron din namang paminsan na sumusulpot.

"Pero siyempre, kapag hindi mo naman ano na from the very start, alam mong hindi kayo magwo-work, wala kayong connection, siyempre hindi mo na ili-lead on.

“Siyempre, nowadays, hindi naman upfront o straight na, ’Puwede bang manligaw?’ Siyempre, medyo magpi-first step muna ’yan.

"So, kapag medyo napapansin mo, siyempre magba-back-off ka o ilalagay mo sa tama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN