Lauren Young on bashing from Julie-Elmo fans: "Sometimes it gets to me. Siyempre, tao lang din naman ako, nasasaktan din naman ako."

Aminado si Lauren Young na naaapektuhan siya ng mga batikos na mula sa mga tagahanga ng nali-link sa kanyang si Elmo Magalona at ang ka-loveteam nitong si Julie Anne San Jose. Saad niya, "Sometimes, masasakit naman talaga ang sinasabi nila. Hindi ko na kailangang sabihin kung ano yun, alam na nila yun. But ano lang, e, the fact is, Elmo and I are friends. Julie and I are friends. Siguro, they should just stop. Kasi, hindi nila nakikita. Ang akala nila, katuwaan lang. But they do


Masaya si Lauren Young na may tumatangkilik na agad sa loveteam nila ni Alden Richards.

Magkasama ang dalawa sa GMA-7 primetime series na Mundo Mo’y Akin, na unang proyekto ni Lauren bilang isang Kapuso.

Sabi ni Lauren nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Mundo Mo’y Akin, “Siyempre masaya kasi, at least, nagwu-work.

"Yun ang point na simula pa lang, maging kami na agad. Siyempre, sooner or later, may mga mangyayari.

“Kumbaga, doon siya [Darlene, Lauren’s character] kukuha ng mga pinaghuhugutan niya para maging masama siya. To do these things kay Marilyn [Louise delos Reyes] at sa nanay niya [played by Sunshine Dizon].

"Para at least, kapag nawala lahat yun, alam ng tao kung bakit.”

LAUDEN VS LOUDEN FANS. Bukod kay Lauren, love interest din ni Alden sa Mundo Mo’y Akin si Louise delos Reyes, na siyang orihinal na ka-loveteam ng young actor.

Tinanong ng PEP si Lauren kung wala ba siyang natatanggap na pangba-bash mula sa fans ng loveteam nina Louise at Alden.

Sagot niya, “Wala naman po. Very respectful sila.

"Ano sila, e... sila siguro yung sa observation ko na they just focus sa dalawang sinusuportahan nila and they just focus sa show itself.

"Wala naman sa kanila—that’s not the point of the story talaga. Alam naman natin yun.

"Kaya lang naman may team-up sa first part ay para may excitement.

"Hindi talaga yun ang basis ng character ni Darlene, masama talaga siya.

"So, paano siya magiging masama kung nandiyan palagi si Jerome [Alden] sa tabi niya na tinuturuan siya ng maganda?

“Sooner or later, mawawala ’yan kaya mawawala rin siya ng guidance to drive on good things, sa mga dati niyang kaibigan, pamilya niya.”

May mga kanya-kanyang team na rin daw ang loveteam nila—may Team LauDen (Lauren-Alden) at Team LouDen (Louise-Alden).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam ni Lauren na may pangalan na ang team-up nila ni Alden?

“Okay lang naman kung natutuwa sila, ipagpatuloy lang nila.

"Pero parang wala lang ipinagkaiba ang mga names, similar lang. Yung O at U lang!” natatawang sabi niya.

Okay ba sa kanya kung ituloy ng GMA-7 ang loveteam nila ni Alden?

Sabi ni Lauren, “Kung itutuloy man ang loveteam namin ni Alden, okay lang sa akin yun.

"I don’t hold the decision. Nasa management yun.

"Pero kung nakikita naman nila na it’s for the better, why not?

"Pero ano naman ako, I don’t want to tie myself doon sa loveteam.

“I want to explore characters. I want to build myself up as individual artist.

"But if it’s going to be helpful for my career, kung maganda ang project, okay lang din naman sa akin.

"And if it’s going to be with Alden, mas okay po.

“Kasi, siya yung una kong nakatrabaho dito sa Seven and, so far, maganda ang working relationship namin and we get very...

"Alam naman nating napakagaling umarte ni Alden, so sino ba naman ang aayaw sa team-up with him?”

GLOW IN ALDEN’S EYES. Ipinarating namin kay Lauren na tuwing matatanong ng entertainment press si Alden tungkol sa kanya, parang may “glow” sa mata ng binata palagi. Parang masaya talaga si Alden na tinanggap ang team-up nila ni Lauren.

Sabi ni Lauren tungkol dito, “Siguro ano, kasi it’s exciting nga naman.

"Siguro, first time niya to work with someone else besides Louise.

"So, it’s very new not only to him but also to me. Kasi, everything here is so new to me.

“Kakasimula ko pa lang namang magtrabaho dito so nandoon ang excitement.”

ELMO MAGALONA. Kahit noong nasa ABS-CBN pa si Lauren ay maingay na ang usap-usapan tungkol sa diumano’y relasyon nila ni Elmo Magalona. Sa kabila ng pagtanggi nila, hindi namamatay ang isyu sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naba-bother pa ba si Lauren sa isyung ito?

Sabi niya, “Well, siguro for me, may mga taong nagpapaapekto lang kaya naiinis sila.

"Ako kasi, there are so many other things naman na puwedeng mapag-usapan. May mga importanteng isyu riyan. There are better things to talk about.

“Parang imbes na pag-usapan yung mga lovelife, wala namang kinalaman sa mga trabaho nating lahat.”

Pero kinontra si Lauren ng ilang entertainment press. May kinalaman daw ang lovelife dahil iyon ang “interesting” na pag-usapan.

Sagot niya dito, “Yeah, pero sa akin, work na lang. Yun naman ang focus ko.

"I just want to focus on my work and I don’t feel the need to talk about my relationship with boys, with my friends or my family.

"Kung pamilya ko nga, hindi ko naman pinag-uusapan. Puro Megan, Megan [Young, her sister], yun lang naman ang alam nila.

“I mean, even the important people in my life, they don’t talk about, so bakit pati yung mga ganoong tao, pag-uusapan pa?”

JULIEMO FANS. Masasabing “passionate” din ang karamihan sa mga tagahanga ng tambalan ni Elmo kay Julie Anne San Jose. Naapektuhan ba siya sa mga sinasabi sa kanya o pangba-bash sa kanya?

Sabi ni Lauren, “Siyempre, given na rin as an artist na hindi mawawala yung mga ganoong tao around you.

"Siguro, it’s just a matter if you’re going to ignore it or not.

"Pero, like me, sometimes it gets to me. Siyempre, tao lang din naman ako, nasasaktan din naman ako.

“And sometimes, masasakit naman talaga ang sinasabi nila. Hindi ko na kailangang sabihin kung ano yun, alam na nila yun.

"But ano lang, e, the fact is, Elmo and I are friends. Julie and I are friends. Siguro, they should just stop.”

Dugtong pa niya, “Kasi, hindi nila nakikita.

“Ang akala nila, katuwaan lang. But they don’t realize na sometimes it also affect their idol, kung sino ang sinusuportahan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang it’s so hard with all the three of us. Parang it’s so hard for us to move around each other.

“Kasi nga, parang alam naman namin na konting galaw lang, konting tweet lang, bibigyan na nila ng meaning ’yan.

"And sa amin lang naman, we’re really good friends and it’s hard na nawawala yun sa amin.

"Kasi nga, everything for them, may meaning.

"Sa amin, wala namang meaning. Like everything is pure friendship.”

Kahit nga raw sa kani-kanilang mga Twitter account, kung mapapansin, hindi raw sila nagtu-tweet ni Elmo.

“Hindi kami nagtu-tweet ni Mo. Minsan lang kaming mag-tweet ni Julie.

"Kasi nga, parang, ’Ayan na naman, naglalandi ka na naman.’ May ganun!" natatawang sabi niya.

"So ako, kesa naman I’ll put myself in that situation, hindi na lang.

"Pero yun nga lang, sana lang... kasi kawawa rin.

"We’re just friends. Yun lang yun.”

Si Alden ay nali-link din kay Julie Anne. Ngayon, si Lauren naman ang ipinapareha sa young actor.

Ang dating tuloy sa ibang fans, parang kung ano ang mayroon si Elmo, tila yun din ang nagugustuhan ni Alden.

Napag-uusapan ba nila yun ni Alden?

Sabi ni Lauren, “Siguro, hindi naman namin kailangang pag-usapan.

"Ano lang yun, e, showbiz is very small. Maliit lang ang industriya natin.

"So, sooner or later, may mapupunta sa ganito, may mapupunta sa ganyan.

“So, nagkakahalu-halo lang tayo and it’s inevitable na lahat kami, magkaka-work with each other.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN