Talent manager Perry Lansigan on rumored transfer of Dingdong Dantes: "Puwede siyang maging Kapuso pa rin, pupuwedeng mag-iba na."

Hindi itinatanggi ng talent manager na si Perry Lansigan na may mga pag-uusap na nagaganap sa pagitan ng kampo nila ni Dingdong Dantes at ng ibang networks para sa posibilidad ng paglipat ng aktor sa ibang istasyon. Pero wala pa raw silang desisyon tungkol dito. Samantala, ayaw namang magbigay ng pahayag ni Perry tungkol sa pagkalas ni Marian Rivera sa dati nitong manager na si Popoy Caritativo.


Ayaw magbigay ng komento ng talent manager na si Perry Lansigan tungkol sa pagkalas ni Marian Rivera sa dati nitong manager na si Popoy Caritativo.

Si Perry ang manager ng boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes. Siya rin ang namamahala sa career ng PPL Entertainment Inc. talents na sina Jolina Magdangal, LJ Reyes, Angelika dela Cruz, Rochelle Pangilinan, Max Collins, Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Wendell Ramos, Carl Guevara, Carlo Gonzalez, Arthur Solinap, at Janno Gibbs.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng reaksiyon si Perry kaugnay ng nakakagulat na pagkalas ni Marian kay Popoy. Ngayon ay nasa pamamahala na ng Triple A ni Mr. Tony Tuviera ang Kapuso actress.

Ngunit tumanggi si Perry na magbigay ng pahayag.

Katuwiran niya, wala naman siyang kinalaman sa talent-manager relationship nina Marian at Popoy.

Kahit may relasyon daw ang alaga niyang si Dingdong kay Marian, may indibidwal pa rin na pamamalakad sa career nila at magkaiba sila ng management.

Pero sabi namin kay Perry, hindi maikakaila na malapit siya kay Marian; gayundin naman kay Popoy na kasamahan pa niya niya sa Professional Artists Managers, Inc. (PAMI).

Pero maagap na sagot ni Perry, “Ayokong mag-comment sa issue.

“It’s inappropriate for me as a manager and as a manager of Dingdong—it’s inappropriate.”

Bilang isang PAMI member, ano ang masasabi niya?

“Well, hindi pa kami nagmi-meeting, kasi magkakaroon kami ng meeting supposedly this week.

"But the problem is I can’t be there because we’ll be going to Vigan, so hindi ko pa rin alam.

“Definitely, kung meron man about PAMI, it’s June Rufino [PAMI president] na dapat magsalita, hindi kami.”

Nagulat ba siya sa mga pangyayari na biglaang nagkaroon ng presscon at announcement si Marian na umalis na siya kay Popoy at lumipat na sa Triple A?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No comment,” iwas pa rin ni Perry.

Ipinaliwanag ng talent manager kung bakit ayaw niyang magbigay ng anumang pahayag tungkol sa pagkakahiwalay ni Marian at ng dati nitong manager.

Aniya, “Ayoko kasi kapag nagsalita ako, meron akong mga taong mahe-hurt. Meron akong mga taong masasagasaan.

"At ayokong mangyari yun because in case man, knock on wood, na mangyari yun sa akin, ayokong gawin ng ibang tao yun sa akin.”

DINGDONG’S RUMORED TRANSFER. Tinanong na rin ng PEP si Perry tungkol sa matagal nang usap-usapan na dumano’y paglipat ni Dingdong sa ibang network.

Sa August ay mag-e-expire na ang kontrata ni Dingdong sa GMA-7.

Sabi ni Perry, “Hindi ko pa masabing hindi, hindi ko pa masabing oo.

“Basta we are having talks with different parties, different networks.”

Hindi naman daw nila inililihim na nakikipag-usap sila sa TV5 at ABS-CBN, at gayundin sa GMA-7.

May posibilidad ba talagang lumipat si Dingdong?

Sagot ng manager ng aktor, “Lahat naman may possibility.

“Puwede siyang maging Kapuso pa rin, pupuwedeng mag-iba na.

"Lahat naman, hindi imposible.”

Bilang manager ni Dingdong, saan niya gustong pumirma ng kontrata ang alaga—sa GMA-7 pa rin ba o sa ibang network na?

“Hindi ko pa masasagot ’yan kasi hindi pa concrete ang mga pag-uusap ko na nagaganap between the networks.

"Wala pa akong firm decision on that because may mga pag-uusap pa at hinihintay ko pang maayos lahat.”

Hindi rin itinanggi ni Perry ang balitang nakita siya sa ABS-CBN compound na nakikipag-meeting.

“Hindi ko itinatago,” sabi niya.

“Nakikipag-meeting pa lang ako and alam ng GMA na nakikipag-meeting ako. Aware sila.

"Kasi, ayoko ng tago-tago. At saka ang tagal namin sa GMA para magtago-tago pa."

TO STAY OR TO LEAVE. Sa pagkakatanda ni Perry, humigit-kumulang na labinlimang taon nang Kapuso si Dingdong.

Ipinarating ng PEP kay Perry ang opinyon ng maramina, partikular na ang fans ng aktor, na sana raw ay huwag umalis ng GMA-7 si Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Perry tungkol dito, “Lahat naman ito, pag-uusapan namin ni Dingdong.

"Ang relationship namin ni Dingdong is very open. Nag-uusap kami sa lahat ng proyekto, nag-uusap kami.

"Ang usapan namin, dapat pareho kaming magdesisyon."

Ano ang magiging malaking factor, kung saka-sakali, upang manatili sila sa Kapuso network?

“With regards to that question, hindi ko pa masagot," sabi ni Perry.

"Basta ang gusto lang namin, like as a manager, siyempre ang gusto ko, yung talent ko kung saan magiging okay.

"Okay, meaning kung saan mas magiging masaya, fulfilled ang mga pangarap ni Dingdong.

"Yung kanyang mga gusto sa buhay matutupad. Kung saan siya magiging secure, lahat yun, halo-halo na.

“Security, stability, fulfillment—kung sino ang makakapagbigay nun, of course, okay na kami.”

Bilang bukas sila sa pakikipag-usap sa ibang networks, ibig sabihin kaya nito ay hindi na sila masaya sa GMA-7?

Itinanggi naman ito ni Perry sa pagsasabing, “Hindi... hindi naman porke’t nakikipag-usap ka sa iba, hindi ka na happy. Hindi."

Masaya pa rin sila bilang Kapuso?

“Sa ngayon, oo. Because inaalagaan naman nila si Dingdong. Binibigyan naman nila ng mga proyekto.

"May talks nga for the next project ni Dingdong na gagawin. May pinag-uusapan na kami.

"Happy naman kami sa TV.”

DINGDONG-MARIAN WEDDING. Inusisa rin namin si Perry tungkol sa diumano’y planong pagpapakasal nina Dingdong at Marian sa December.

Sa isang blog site nga, may lumabas pang eksaktong petsa ng kasal ng dalawa—December 8.

“Talaga?” balik-tanong naman ni Perry na tila nangingiti nang tanungin namin tungkol dito.

“Ang alam ko kasi, walang ikinakasal ng December 8. Immaculate Conception yun, so lahat ng simbahan, busy sa araw na yun, di ba?”

Kung sakaling magpaalam na si Dingdong na magpakasal, bilang manager, papayagan ba niya ito?

Tugon ni Perry, “Alam ninyo, basta hindi madadamay sa propesyunal niya ang personal, hindi ako nakikialam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At ako naman, kung saan siya maligaya, susuportahan ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN