Lauren Young on leaving ABS-CBN: "Right now, wala akong puwesto doon, so I need to take matters on my own hand."

Ina-attribute ni Lauren Young ang kanyang pagiging independent sa maagang pagpasok niya sa showbiz. Sabi niya, "I started with Star Magic, 11 ako. So, nandoon na yung mindset na hindi ito laro, trabaho ‘to. Medyo maging mature ka sa pag-iisip mo, hindi ka lang puwedeng mag-iiyak-iyak sa set kung gusto mo. So, nandoon na rin yun. Pero siyempre, may mga times din na, inaamin ko naman, hindi naman ako mature na sobra. May pagka-immature pa rin ako. Minsan, I get sensitive,


Pitong taon ang inilagi ni Lauren Young sa Kapamilya kaya hindi nakapagtataka kung manibago man siya o hindi pa siya adjusted sa Kapuso network.

Ngunit nang bisitahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Lauren sa taping ng Mundo Mo’y Akin—ang first project niya sa GMA-7—tila matagal na siyang Kapuso at kapalagayan na rin niya ang halos lahat ng kasama.

Sabi ng young actress, “Siguro masaya lang ako na I’m finally working again. Yun lang naman ang gusto ko.

"Gusto ko lang namang magtrabaho. Gusto ko lang umarte.”

Inusisa si Lauren kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya noong nasa ABS-CBN pa siya. Pagkatapos kasi niyang magbida sa remake ng Mula Sa Puso (2011) ay hindi na ito nasundan ng malaking proyekto.

Paliwanag ni Lauren, “In between kasi, ABS has so many artists na.

"Okay lang naman sa akin, pero siguro nawalan na... it wasn’t my time to be in ABS kasi there are so many artists na nandoon ang focus sa kanila.

“Wala naman sa akin yun kasi it’s for the better of the network. It’s for the better of the show.

"So siguro, it’s not my time to be in ABS-CBN.

"Right now, wala akong puwesto doon, so I need to take matters on my own hand.”

Dugtong pa niya, “I support myself kasi. I have to work.

"Hindi naman pupuwedeng tetengga lang ako. Wala akong income, wala akong ginagawa.”

INDEPENDENT WOMAN. Living independently na nga si Lauren. Mag-isa siyang nakatira sa pag-aari niyang condo unit at siya na rin ang sumusuporta sa lahat ng pangangailangan niya.

Siya raw mismo ang may gusto ng ganoong set-up.

Sabi ng 19-year-old actress, “Seventeen or 18 years old pa lang ako, I live alone.

"Pero minsan, yung personal assistant ko, she comes to the house once in a while, siyempre yung mga gamit sa taping, para lang mag-organize.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bakit pinili niya ang ganoong lifestyle sa murang edad?

“It is the way that we were brought up. Megan [Young, her eleder sister] lives with my brother naman.”

Bakit hindi na lang sila nagsama-sama sa isang bahay na magkakapatid?

Paliwanag ni Lauren, “We bought property kasi, we bought condominiums.

"Parang ayaw na namin na magkagulo-gulo kasi minsan, di ba, ang gulo-gulo niyan—pera, papeles, stuff like that.

"Naisip naman namin na ayaw naming dumating sa point na mag-aaway-away kami because of money.

“So we said, okay, para lang malinis na.

"And it was also me rin who wanted to separate because I wanted to try supporting myself.

"At saka, sooner or later, mapupunta rin naman sa ganoon. So, might as well start young, learn young.”

Magdadalawang taon na raw siyang nakatira sa condo niya.

Hiwalay na ang mga magulang niya. Ang American father niya ay nakatira sa Pampanga at ang mommy naman daw niya ay sa Amerika na nakatira.

Tanong namin kay Lauren: Bakit ang daddy niyang Amerikano ay nasa Pilipinas, at ang mommy niyang Pinay ay nasa Amerika?

Paliwanag ng young actress, “My dad kasi, he really loves the Philippines.

"Noong Navy times pa lang, ever since, gusto niya talaga ritong tumira at saka nandito rin kami.

"And the thing is, my mom, gusto niyang magtrabaho. E, mahirap maghanap ng trabaho rito.

“So, the only time na hindi ko sinusuportahan ang sarili ko, when my mom sends us to school. But everything else, ako po.”

THE INTRUDER. Tinanong din ng PEP si Lauren tungkol sa misteryosong lalaki na pumasok sa condo unit niya. Yun pala, nagkamali ito ng unit na pinasukan.

Pero ayaw na raw niyang i-elaborate pa kung ano ang nangyari.

May lesson naman daw siyang natutunan sa pangyayaring iyon.

Aniya, “Siguro it’s something that I should learn better.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, dapat na bantayan kong mabuti ang pintuan ko.”

Kung titingnan, siya ang tipo ng babaeng palaban.

Nakangiting sabi naman ni Megan, “Very strong-willed, independent.”

Ganoon na ba talaga siya noon pa man o may pangyayaring nagtulak sa kanya para maging matapang?

“Well, siguro it goes with age and experience.

"Siyempre, showbiz—I started working young so kailangan ko na rin mag-mature agad.

"I started with Star Magic, 11 ako. So, nandoon na yung mindset na hindi ito laro, trabaho ‘to.

“Medyo maging mature ka sa pag-iisip mo, hindi ka lang puwedeng mag-iiyak-iyak sa set kung gusto mo. So, nandoon na rin yun.

"Pero siyempre, may mga times din na, inaamin ko naman, hindi naman ako mature na sobra. May pagka-immature pa rin ako.

"Minsan, I get sensitive, minsan may mga nasasabi ako na hindi dapat.

"Pero, part of life naman yun. I just learned from it. Ganoon naman akong tao.

"I make mistakes and as much as possible, I try not to do that again.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN