Steven Silva patiently waits for his big break: "Alam ko naman na darating din yung time ko."

Taliwas daw sa iniisip ng ilan, hindi masama ang loob ni Steven Silva na ang ibang Kapuso male young stars ay may kanya-kanya nang launching soaps samantalang siya ay naghihintay pa rin mabigyan ng malaking break. Sabi niya, “Some people would think kasi na baka I’ll be mad. Lahat naman kami ay Kapuso, so we’re like a family talaga. I’m very happy for them."


Inamin ni Steven Silva na kahit nababagalan siya sa takbo ng kanyang career ay masaya naman siya at kahit papaano ay may pinagkakaabalahan pa rin siyang trabaho sa GMA-7.

Regular siyang napapanood ngayon sa weekly musical-variety show na Party Pilipinas at sa epicserye na Indio.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Steven sa 50th anniversary special ni German "Kuya Germs" Moreno noong April 24.

Pahayag ng StarSrtuck V Ultimate Male Survivor, “Tama yung sinabi mo regarding sa career ko.

"But I know naman na there’s time for me. There’s time for everyone.

"I really have to be patient.

“Pero habang naghihintay ako, I’m preparing myself for the opportunity that would come.

“So, that’s what I‘m dong.”

GREAT EXPECTATIONS. Inaasahan ba niya na pagkatapos manalo sa StarStruck ay maganda agad ang itatakbo ng kanyang showbiz career? Na full support ang ibibigay sa kanya ng Kapuso network?

Aniya, “Noong manalo ako, wala akong expectations.

“At saka yung outsiders, sasabihin nila na, ‘Oy, ikaw ang winner. Dapat lahat ng magagandang projects ay ibibigay nila sa iyo.’

“Pero, at the same time, marami kami sa GMA, so I’m just waiting for my time. Alam ko naman na darating din yung time ko.”

Sa sarili niyang opinyon, ano sa tingin niya ang kulang sa kanya?

Sabi ng 26-year-old actor, “Siyempre yung iba, sasabihin nila na ang kulang sa akin ay yung Tagalog ko.

“Pero ngayon naman, medyo okey na ang Tagalog ko, so I don’t know.

“At the same time, pini-prepare ko ang sarili ko para kapag dumating yung time ay ready na ako.”

Sabi pa niya, “Ang ginagawa ko, like last year, nag-experiment ako. I tried doing a musical.

“First time ko mag-try ng isang musical acting and maganda naman yung reviews, yung feedbacks.

“Ako naman, nag-enjoy doing a musical theater kasi iba, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba yung drama acting dito kasi sa TV, may cuts, may takes. Pero dito, kailangang disciplined ka kasi tuluy-tuloy siya, e.

“So, I learned so much from it.”

Matatandaan na late last year ay gumanap si Steven ng lead role bilang si Stripe sa musical play na Hope For The Flowers.

FUTURE SEXY ACTOR. Isa sa pinagtutuunan ng pansin ngayon ni Steven ay ang pagpapaganda ng kanyang katawan.

Would this lead sa pagiging isang sexy actor niya in the near future?

“A, yeah,” kaswal niyang sagot, “I’m ready. Twenty-six na rin ako at mature na ang tingin ko sa mga ganyan.

“I’m just waiting for an offer, kasi sa Indio lagi din kaming nakahubad. Kung mapapansin ninyo, lagi lang kami naka-shorts dun.

"At nang magsimula kami mag-taping for Indio, sobrang sipag kong mag-gym.

“Minsan confident ako sa body ko, pero minsan ay hindi.

“Yung maging sexy actor, it’s also an option, siguro para mapansin.

“Pero parang nasa isip ko na kung gawin ko yun, e, parang wala na akong mai-offer aside from my skills.”

Dagdag pa ni Steven, “Ano kasi, like kapag dire-diretso ang taping namin for like a week, yung time na yun ay hindi ako masyado nakakapag-gym.

“May mga times naman na regular ako sa gym, maganda ang pakiramdam ko.

“I’m woking out on my chest.”

KAPUSO LEADING MEN. Ano ang masasabi niya na sina Alden Richards, Enzo Pineda, at Kristoffer Martin ay may kanya-kanya nang launching TV shows, samantalang siya ay tipong on-hold pa rin?

Sabi ni Steven, “Some people would think kasi na baka I’ll be mad.

“Lahat naman kami ay Kapuso, so we’re like a family talaga.

“I’m very happy for them.

“Actually, nung malaman ko na si Enzo nga will have a lead role, I was very happy for him kasi alam ko din na naghintay din siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He waited for his break, di ba?

“Hindi naman kasi ibig sabihin na kapag ikaw ang winner ng isang reality show ay gaganda kaagad ang takbo ng career mo.

“You also have to wait.”

Sa parte naman daw niya, ani Steven, “Meron naman kaming meetings na kung saan tinatanong ko sila [GMA executives] kung ano ang plans para sa akin.

“They have plans naman for me. It’s all about being patient lang naman.

“For the most part, mahaba talaga ang patience ko, pero mahirap din ang maghintay kung may darating pa ba para sa akin.

“There are times na parang naiisip ko na bumalik na lang sa States, pero maganda naman kasi ang opportunities ko dito.”

STEVEN’S LOVELIFE. Sa kanyang lovelife naman, hindi na gaanong nagkuwento si Steven ng update sa kanila ni Diva Montelaba.

Sabi niya, “I’m not dating anyone.

“May mga crush din ako right now, usually sa Party Pilipinas girls. Nandiyan si Winwyn [Marquez] and… marami, e.

“Pero showbiz kasi, e... mahirap kapag taga-showbiz. I don’t have to rush.”

Pero nasa marrying age naman na siya. Hindi pa ba pumapasok sa isip niya na mag-asawa na?

Natawa si Steven sabay diin na, “Bata pa ako, e. Hindi na ba halata? What do you think?

“Wala, e. It doesn’t cross my mind pa, e.

“If ever man maisip ko yun, gusto ko na ako sa lahat. Stable na.

"Yung talagang ang nasa isip ko ay pagpa-pamilya na lang. And working for them.”

Wala bang problema sa parents niya na dito na talaga siya sa Pilipinas naka-base?

Aniya, “A, wala naman. Ever since naman they have been very supportive of me.

“Every once in a while, I have to go back sa States because of my citizenship.

“Minsan, nagtatanong din kung ano pa ang plans ko. Paano na raw yung plano kong maging chef, yung ganun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pagdating naman kasi sa pagpaplano sa future ko, they are giving me all the liberty.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN