Ryan Cayabyab optimistic about Regine Velasquez’s full recovery

Natutuwa si Ryan Cayabyab na nabuhay muli ang ilang music festivals sa bansa. Sabi niya, "Importante nga nabuhay yun [Himig Handog]. Hindi sa pag-aano… yung isang network [GMA-7], sana buhayin pa nila yung Metropop. Kasi sino ang magbe-benefit diyan, yung tao. Kaya may mga nagtatanong dati na anong nangyari at bakit puro cover [songs] lang, kasi walang bago. Ngayon, eto na, meron nang plataporma for writing new music, eto na yung Himig


Bilang kaibigan at madalas ding katrabaho ni Regine Velasquez, muling nagpahayag ng concern ang composer-conductor na si Ryan Cayabyab dahil sa muling pamamalat ng Asia’s Songbird at pag-announce na pansamantala siyang magpapahinga para ipagamot ang kanyang karamdaman sa lalamunan at ang tinatawag niyang acid reflux.

Sa tweet ni Regine noong April 20 sinabi niya na, “I will be resting for awhile, need to address my acid reflux and my throat syempre. Thank you guys again for your support see u soon.”

Isa si Maestro Ryan o Mr. C sa mga taong nag-alala at nalungkot noong mawalan ng boses si Regine sa Silver anniversary concert nito noong Nobyembre.

Si Mr. C ang musical director ng naturang concert kasama ang bayaw ni Regine na si Raul Mitra.

Nasundan naman ito ng repeat concert noong January 5, na naging matagumpay.

Sabi ni Mr. C, “I think it’s acid reflux iyan. Sinabi sa akin ng kanyang music director, si Raul... kasi, di ba, magkasama kami?

"Ang payo niya, magpahinga muna yung vocal chords niya [Regine]. I mean, magbakasyon muna sandali, yun ang payo niya. Siguro pahinga muna siya.

"Pero alam mo, performer iyan, e, hindi mo maaalis sa kanya na gusto niyang magpalabas, e. At saka trabaho nila yun, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mr. C sa presscon ng announcement ng 12 finalists para sa 2nd Philippine Popular Music Festival na ginanap noong April 30 sa Napa restaurant sa Scout Borromeo St., Quezon City.

Malaki naman ang tiwala ni Mr. C na alam ni Regine ang ginagawa nito at hindi magtatagal ay muli rin itong makababalik sa pagkanta.

“I’m very optimistic with Regine kasi alam niya iyan, e.

"Hanapbuhay niya yun e. Iyon ang puhunan niya.

"Alam ko ang gagawin niya, magpapahinga iyan at siguro kapag okay na iyan, kailangan niyang magpatingin din sa doktor para sabihin ng doktor, ‘Eto ang dapat gawin sa boses mo.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PHILPOP MUSICFEST FINAL 12. Samantala, abala si Mr. C ngayon bilang executive director ng PhilPop MusicFest Foundation, na nagtataguyod sa Philippine Popular Music Festival (PhilPop).

Natutuwa nga siya dahil nasa ikalawang taon na ang naturang musicfest at mula sa 3,383 entries ay napili na nila ang 12 finalists.

Ang edisyong daw ito ang most diverse collection of entries na mula sa iba’t ibang genre gaya ng rock, pop, rap, hip-hop, folk, RnB, ballad, at dance music.

Ang 12 finalists na maglalaban para sa premyong isang milyong piso ay sina: Joey Ayala (para sa kantang "Papel"), Jungee Marcelo ("Panamantagal"), Myrus Apacible ("Sana Pinatay Mo Na Lang Ako"), Paul Armesin ("Segundo"), Marlon Barnuevo ("Araw, Ulap, Langit"), Johnoy Danao ("Kung Di Man"), Raffy Calicdan ("Space"), Gani Brown ("Askal"), Adrienne Sarmiento-Buenaventura ("Sometimes That Happens"), Thyro Alfaro and Yumi Lacsamana "(Dati"), Lara Maigue ("Sa Yo Na Lang Ako"), at Marion Aunor ("Do, Do, Do").

Maganda raw ang mix ng finalists this year mula sa mga sikat na songwriters hanggang sa mga baguhan.

Sabi ni Mr. C, “This year, ang mga kilala ay sina Joey Ayala, Jungee Marcelo, among others.

"Tapos nandiyan sa mga baguhan si Lara, bago iyon. I think first few songs pa lang niya. Maybe second or third song pa lang niya at first time siyang nag-join ng competition.”

Mamimili pa lang daw ng interpreters ng mga naturang kanta para sa recording ng album na ilalabas ng Universal Records.

“Pinag-uusapan pa ngayon kung sino ang magre-recording, kung sino ang magpe-perform dahil ang may right diyan na maghanap ng performer ay pag-uusapan ng songwriter at ng recording company.

"Kasi importante sa Universal Records na ito ay mabenta o ito ay marinig sa radyo.

“Importante rin na yung production ng TV5 na magpo-produce ng special nito… importante rin na magagaling yung mga mang-aawit kasi para mas maraming manonood dahil interesting yung lineup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, depende sa kanila kung sino ang mapipili.

"Pero ang habol natin, marami ang makapanood at madaming tumangkilik ng bagong Philippine music dahil if you don’t give them quality and if you don’t give them named people, medyo mahihirapan sila.”

Excited na nga raw si Mr. C sa finals night na magaganap sa July 6, 2013 at mapapanood sa TV5.

“It’s very exciting because kami naman hindi naman… sa amin it’s national, e.

"And it’s the foundation that works on this, e. Hindi lang siya a certain network.

"Bukas kami sa lahat ng interested parties.”

Kumpara sa ibang musicfests at songwriting competitions, ano ang kakaiba at espesyal sa Philippine Popular Music Festival?

Sagot ni Mr. C, “Special siya para sa amin in the way na siguro yung 3,383 nahikayat namin na mag-submit [ng entries].

"The other thing na importante and special dito sa Philippine Popular Music Festival ay walang tema, walang genre.

"Yung self-expression mo, kung ano yung nararamdaman mo na gusto mong maisulat, na gusto mong i-share yung nararamdaman mo sa isang song, yun ang pinakaimportante.”



MORE MUSICFESTS. Hindi naman itinanggi ni Mr. C na inspired ng dating Metro Manila Popular Music Fetival o Metropop ang Philippine Popular Music Festival.

“Oo, hindi naman namin ipinagkakaila yun.

"Well, last year kasi gusto nilang ibalik ulit yung kagandahan ng Metropop, yung dati. So, nagtayo sila ng PhilPop.

"Sino ito? Ito ang grupo ng MVP group of companies—Maynilad, Meralco, Smart, PLDT—sila yung nagpasimuno nito.”

Ipinagmamalaki nga ni Mr. C ang malaking suportang ibinibigay ng businessman na si Manny V. Pangilinan at ng MVP group of companies para palaganapin ang Original Pilipino Music (OPM) at bigyan ng venue ang mga Filipino composer— propesyunal man o amateur—para sa kanilang mga bagong likhang awiting Pinoy.

Si MVP ang chairman ng PhilPop MusicFest Foundation. Kasama niya rito ang board of directors na sina Ogie Alcasid, Noel Cabangon, Ricky Vargas, Doy Vea, Al Panlilio, Patrick Gregorio, Randy Estrellado, at Butch Jimenez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang OPM advocate, masaya ba siya na nadadagdagan ang musicfests sa Pilipinas—bukod kasi sa PhilPop ay meron ding Himig Handog ang ABS-CBN?

Sabi niya, “Ay, mabuti yun, maganda yun.

"Importante nga nabuhay yun [Himig Handog]. Hindi sa pag-aano… yung isang network [GMA-7], sana buhayin pa nila yung Metropop.

"Kasi sino ang magbe-benefit diyan, yung tao.

“Kaya may mga nagtatanong dati na anong nangyari at bakit puro cover [songs] lang, kasi walang bago.

"Ngayon, eto na, meron nang plataporma for writing new music, eto na yung Himig Handog, eto na yung PhilPop. Sana meron pang iba.

“Meron ngang nagsa-suggest sa akin, bakit sa ibang bansa merong monthly writing contest, why not?

"Sa totoo lang, kung kakayanin at siguro kung may pondo, why not? Maganda iyon.”

Pagkatapos ng finals night ng PhilPop, tuluy-tuloy na ba ito hanggang sa 2014?

Sagot ni Mr. C, “Oo, exciting.

"Ngayon ang mangyayari, sana… ang habol namin ay maging popular yung mga kanta.

"Maging nationally known para yung 2014 ay medyo madaling mag-slide into that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN