Daniel Padilla marks his star status with successful concert at the Big Dome

Nayanig ang buong Smart Araneta Coliseum nang magtanghal ang young matinee idol na si Daniel Padilla para sa kanyang kauna-unahang major concert. Isa sa mga special production numbers ay ang pag-duet nila ni Kathryn Bernardo.


Isang malaking tagumpay ang Daniel Live: A Birthday Concert ng Kapamilya teen heartthrob na si Daniel Padilla.

Napuno ng mga tao— karamihan ay mga teenagers at kababaihan— ang Smart Araneta Coliseum kagabi, April 30, sa birthday concert ni Daniel.

Hindi pa man nagsisimula ang palabas ay nakabibingi na ang tilian ng fans ng maituturing na hottest male young star ngayon sa tuwing ipina-flash sa mga screen sa loob ng Big Dome ang mga litrato ni Daniel.

Lalo pang nayanig ang buong venue nang sa wakas ay lumitaw na sa stage si Daniel para kumanta.

In fairness kay Daniel, hindi iisiping ito ang first major concert niya dahil walang kaba o nerbiyos na mababakas sa young matinee idol.

Natural ang galaw niya at mahusay siyang makipag-communicate sa kanyang audience. Yung mga simpleng ngiti at kindat ni Daniel ay sapat na para lalong lumakas ang tilian at sigawan sa kanya ng mga tao.

Kitang-kita rin sa kanyang mukha, lalo na noong kalalabas pa lamang niya onstage, ang sobrang kaligayahan pagkakita niya sa nag-uumapaw na audience na nanood sa kanya kagabi.

Karamihan sa mga kinanta ni Daniel ay mga awitin mula sa kanyang dalawang albums.

Anim na beses naman ang costume changes ni DJ.

May mga pagkakataon nga lang halos hindi na marinig ang boses ni Daniel dahil nangingibabaw ang napakalakas na tilian at hiyawan ng audience.

Sa aming pagkakaalam, ito ang pinakaunang concert sa Pilipinas na available sa pamamagitan ng Sky Pay Per View. Kaya ang mga fans niya na nasa malalayong probinsiya tulad ng Cebu, Davao, at Iloilo ay live ding napanood ang concert ni Daniel in the comfort of their own homes.

Unang guest ni Daniel kagabi ang lead vocalist ng foreign band na Journey, si Arnel Pineda, na ayon sa young actor ay paborito na niyang singer noon pa.

May segment naman si Pokwang bilang si Mommy D (Dionisia), kasama ang mga look-alike nina Manny at Jinkee Pacquiao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang kantahin ni Daniel ang "Binibini" ay nag-ikot siya at nag-abot ng roses sa ilang masuwerteng kababaihan sa audience.

Guests din ang bagong batch ng mga artista ng Star Magic, tulad nina Khalil Ramos at ang ex-Pinoy Big Brother Teen housemate na si Kit Thompson.

Nakakaaliw naman ang "Mister Suwabe" number ng magkakapatid na Daniel, RJ Matt, at JC.

Pagkatapos nito ay lumabas ang ama ni Daniel na si Rommel Padilla upang batiin at yakapin ang anak sa matagumpay nitong concert.

Manakanaka ring ipina-flash sa screen ang ina ni Daniel na si Karla Estrada na bakas sa mukha ang matinding kaligayahan para anak.

Nag-perform din ang banda ni Daniel na Parking Five.

Sa mga hindi nakakaalam, noong nagsisimula pa lamang si Daniel sa showbiz ay may banda na ito— ang Parking Five na binubuo nina JC Padilla (lead vocals), Seth Gothico (lead guitar), Katsumi Kabe (rhythm guitar), Lester Giri (drums), at si Daniel (bass guitar).

Well-applauded din ang number ni Yeng Constantino.

May isang portion during the concert na ipinapatay muna ni Daniel ang mga ilaw sa Big Dome at ni-request niya ang lahat ng audience na pailawin ang kanilang cellular phones at kukunan daw niya ng video from his phone ang kabuuan ng audience area.

Napakaganda ng effect nito na mistulang napakaraming mga bituing nagkikislapan ang nasa loob ng Big Dome.

Pinaka-tinilian naman among the guests ang ka-loveteam ni Daniel na si Kathryn Bernardo, na ang ganda-ganda kagabi sa kanyang makeup at cream-colored beaded gown.

Mas lalo pang naging interesting at masaya ang naturang segment nang umeksena ang isa pang special guest ni Daniel na si Vice Ganda para tuksuhin at asarin ang dalawa.

Naimbento rin kagabi ni Vice ang “I-Patchot mo ako!” kung saan tinuruan ni Vice si Kathryn na sabihin kay Daniel na “I-Patchot mo ako!”—na ang ibig sabihin ay isayaw ni Daniel ng slow dance si Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Patchot" ang pangalan ng character ni Kathryn sa pelikula nila ni Daniel na Must Be Love.

During this prod number ay panay ang pakita sa screen kay Julia Montes na kaibigan ng dalawa. Katulad ng mga tao sa audience, kitang-kita na kilig na kilig rin si Julia at panay ang tili sa sweetness ng mga kaibigan.

Kabilang din sa nanood ng concert ni Daniel ang lady boss ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio.

Umani naman muli ng nakabibinging sigawan si Daniel nang pilitin ito ni Vice na mag-Dougie dance, mag-Harlem Shake, at mag-Gentleman Dance na bagong pinausong dance craze ng Korean pop superstar Psy.

Never pa raw nakita na isinayaw ni Daniel ang mga nabangggit na steps kaya naman bawat kembot at galaw ng young actor ay umani ng makabasag-eardrum na hiyawan mula sa kanyang fans.

Nag-duet din sina Daniel at Kathryn ng hit song ni Daniel na "Nasa ’Yo Na Ang Lahat."

Sa pagtatapos ng concert ay lubus-lubos ang pasasalamat ni Daniel sa lahat ng nanood ng kanyang concert at sa lahat ng mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa kanyang career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN