Christian Bautista plays lead role in his first soap with GMA-7; stops answering questions about girlfriend Carla Dunareanu

Sa kanyang kauna-unahang soap sa GMA-7 ay makakasama ni Christian Bautista sina Andrea Torres at Miakel Daez. Sabi niya tungkol sa bagong proyekto, "Eto na! First siyempre, this is my first lead ever in my life.”


Nakakagulat ang biglaang pag-iwas ngayon ni Christian Bautista na pag-usapan ang girlfriend niyang si Carla Dunareanu.

Samantalang nitong mga nakaraang buwan lamang ay all-out na naman siya sa pagpapahayag ng kanyang damdamin para sa kasintahan.

Pasubali ni Christian, “Sorry, may memo na, ano muna… pass muna tayo. Merong ibang projects na nakatingin or focusing tayo.”

Ibig sabihin, pagdating sa lovelife, medyo hindi muna siya magsasalita?

Tumango agad si Christian bilang pagsang-ayon, “Oo, silent muna tayo.”

Galing ba ang "memo" sa GMA-7 o sa management team ni Carla?

“Next na, next question na lang please… sorry, sorry,” paghingi ng paumanhin ni Christian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media na nag-interview sa kanya.

Pero in love pa rin ba siya ngayon?

“Yes!” mabilis naman niyang tugon.

Gaano ka-supportive si Carla sa kanyang showbiz career?

“I cannot comment on that, sorry.”

Sila pa rin ba?

“Yes, pero huwag na lang nating isulat,” pakiusap niyang muli.



PHILPOP MUSIC FEST. Noong Martes, April 30, ay napili na ang labindalawang finalists para sa Philippine Popular Music Festival o Philpop Musicfest.

Kabilang si Christian sa singer-performers na dumalo sa press launch nito na ginanap sa Napa restaurant sa Scout Borromeo St., Quezon City.

Ang PhilPop Musicfest ay patimpalak na bukas sa lahat ng aspiring and professional songwriters. Pinamumunuan ito ng composer na si Ryan Cayabyab.

Sa interview ng PEP kay Christian matapos ang presscon proper, sinabi nito ang naging partisipasyon niya sa pagpili ng finalists.

“Nag-adjudicate ako from the 30 songs to 12. So, marami kami doon, nandoon kami sa Meralco.

“Masaya, bago... ang daming magagandang bagong kanta.

“And yung mga gusto kong kanta, nasa 12,” na ang tinutukoy niya ay ang finalists sa contest.

Ibig bang sabihin nito ay may bet o gusto siyang manalo among the finalists?

“Meron, dalawa,” mabilis niyang sagot.

Saan at paano niya ibinase ang pagpili sa 12 songs?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano yung na-touch yung puso sa kanta, kung paano yung namu-move ka.

"It doesn’t matter kung anong genre, whether rap or ano…

“Meron kasi na maganda ang lyrics, pero okay lang yung music.

“Pero meron namang yung music, okay lang, pero yung lyrics, ang ganda…

“Hahanapin mo talaga, kung ano yung kumausap sa iyo.

"Meron akong dalawa… babae… hindi ko muna sasabihin.

“Pero with these songs, yung interpreter, puwedeng mag-iba, e. Puwedeng maging lalaki ang mag-interpret o group.

“Malalaman pag nai-produce na yung album.”

Anong kaibahan ng PhilPop sa natapos nang Himig Handog ng Star Records at ABS-CBN?

Sabi ni Christian, “Yung Himig Handog, I believe, more on love songs. Kasi, yun ang title nila—Himig Handog Love Songs.

“Eto, mas malawak yung reach… puwedeng kanta about papel, puwedeng kanta about aso, puwedeng kanta about country, love—different aspects of love—so mas wide.

“Kung ano yung feel ng tao na isulat noong time na yun, ganoon.”



COMPOSER. Nagko-compose din ba ng kanta si Christian?

“Hindi ako magaling, e, pero I’ll try, I’ll do my best.

"That’s one of my dreams, e—na makasulat ako ng songs.

“Pero minsan, pag inspired ako, I write a line, tapos bubuuin ko.

“Pero hindi ako kasing-talented ni Yeng Constantino na five minutes, meron kang hit song.

“Pero I think, puwedeng ma-develop yun.”

Kailan ba mas madaling mag-compose ng kanta—kapag depress, happy, o galit?

“Pantay kasi yun, e. They’re both emotions… mas madali pag in love,” palagay ni Christian.

Ibig sabihin, madali siyang kumanta ngayon?

“Yes, true! True!” mabilis niyang pagsang-ayon.



FIRST LEAD ROLE. Sa paglipat ni Christian mula ABS-CBN patungong GMA-7, ibinalita ni Christian ang pagsalang niya sa isang teleserye na pagbibidahan nila nina Andrea Torres at Mikael Daez.

Sabi niya, “So siyempre, the details, hindi ko puwedeng sabihin, labas na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, nandoon si Andrea and Mikael.

"Medyo excited kami. Medyo kinakabahan din…

"Eto na! First siyempre, this is my first lead ever in my life.”

Aware ba siya na mayroon nang naumpisahang team-up sina Andrea at Mikael?

“Yes, nag-meet na kami.”

Siya ba ang pang-love triangle sa serye?

“Uhm, it’s either me or si Mikael… tingnan natin.

"Siyempre sila ang loveteam dati… depende na lang sa istorya.”

Very particular ba si Christian sa ibinibigay na role sa kanya? Pinag-aralan ba niya muna ang project bago niya ito tinanggap?

“Oh, yes. Dapat kung ano yung role na ibinigay, dapat pag-usapan, dapat pag-aralan sa workshop… dapat mag-work.

“Kung hindi, hindi puwedeng gagawin ko ito para sumikat, dapat gusto ko rin.”



OTHER SIDE. Hindi man nagbigay ng impormasyon sa kanyang gagampanang role si Christian, sinabi niyang malayo ito sa kanyang totoong personalidad.

Ano bang role o character ang gusto niyang gampanan?

“Something light, something fun, something positive.

“Ang tingin kasi ng tao sa akin, seryoso lagi—naka-suit, hindi nagsasalita.

"Pero kapag nakausap ako, okay naman ako.

“Parang gusto kong ipakita yung my other side—fun side of Christian.”

Nakaka-challenge bang makasama ang isang Mikael Daez na hunk ang dating?

“Madali lang yun, konting pump [push-ups o workout] lang yun,” pagsisiguro ni Christian.

“Pero nag-meet kami, okay siya.

"Pati si Andrea, ang bait! Very talented yung dalawa.”

Ready na ba ang fans niya na mapanood siyang umaarte sa ibang istasyon?

“Hindi ko alam kung ready na sila. Pero dapat…

"Yun nga, e, kahit may ginawa na ako sa kabilang channel [ABS-CBN], this is my first lead in a soap.

“This is a chance that I gotta do my best. Kasi eto na, e... eto na yung project na ibinigay.

“Sana magustuhan nila yung ibibigay ko.”



MORE PROJECTS. Maliban sa Party Pilipinas, kung saan regular na mapapanood si Christian, meron din siyang Broadway stage production ng Cinderella sa Resorts World Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya babalansehin ang energy niya sa taping, singing, and stage acting?

Aniya, “Yun ang challenge sa singer talaga.

"So, kapag masyado kang puyat, nawawala talaga ang boses… sana ma-balance yung tulog.

“Sana magkaroon kami ng magandang usapan ng cut-off or whatever. Kasi nga, yung ibang mga projects, magsa-suffer."

Dahil sa dami ng ginagawa niya ngayon, biniro namin si Christian kung nagsisimula na ba siyang magpundar para sa kanyang sariling pamilya.

“Hindi pa naman… wala pa namang iniiisip na ganyan!” sabay tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN