VP Binay downplays poll results, says more UNA senatorial candidates will win

Sinabi ni Vice President Binay na ang mga kalaban nila mula sa partidong Liberal Party (LP) “are in for a surprise” sa darating na May 2013 elections. Kinontra naman ito ng LP at sinabing mahihirapan ang UNA na kontrahin ang resulta ng mga surveys.


Hindi nababahala si Vice President Jejomar Binay sa mga resultang inilalabas ng mga polling bodies, kagaya ng Pulse Asia at Social Weather Stations, pagdating sa mga senatorial candidates para sa May 2013 elections.

Sa pareho kasing polling bodies, angat ang bilang ng mga kandidato sa pagkasenador mula sa Liberal Party ng administrasyong PNoy ang maaaring manalo, kumpara sa United Nationalist Alliance o UNA.

Kasalukuyang pangulo ngayon ng UNA si Binay.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, lumalabas na sa 16 na kandidatong may malaking tsansang manalo, 11 ang mula sa Liberal Party (LP), samantalang lima lamang ang mula sa UNA.

(CLICK HERE to see related article.)

Sa SWS survey, 10 kandidato mula sa Team PNoy ang maaaring manalo, habang lima lamang sa UNA.

Gayunpaman, sinabi ni Binay na ihanda ng mga taga-LP ang kanilang mga sarili sa darating na eleksiyon, ayon sa GMA News Online.

Sa panayam sa Vice President noong Martes, Abril 30, inihalintulad ni Binay ang kasalukuyang sitwasyon sa 2010 presidential elections nang tumakbo siya sa pagka-bise presidente, kung saan nakalaban niya si current Interior Secretary Mar Roxas na mula sa Liberal Party.

"Noong eleksiyon sabi ng survey... 54 [percent] Mar Roxas, Jojo Binay 2 [percent].

“Sabi naman ni Sen. [Juan Ponce] Enrile, if I quote it correctly, lagi kasi niyang sinasabi, ‘You know Jojo [palayaw ni Binay], those guys they will be in for a surprise.’

“They [Liberal Party] will also be in for a surprise in this election," ani Binay sa panayam.

Si Binay ang nanalo sa 2010 elections na nakakuha ng botong 14,645,574 samantalang si Roxas ay 13,918,490. Ang slim margin ni Binay kay Roxas ay 727,084 votes.

Ani Binay, hindi malayong ganito rin ang mangyayari sa darating na eleksiyon sa Mayo, lalo pa’t marami raw local officials ang nagpahayag ng suporta nila sa UNA.

"Yung north more or less solid... yung sa Region 2. Mananalo kami. Galing ako sa Bicol, paano magti-twelve-zero? Si [Albay] Gov. [Joey] Salceda, lima sa UNA ang kandidato niya. Galing ako sa Zamboanga lalung-lalo na sa Mindanao. Di ko lubos maisip kung paano kami matatalo sa Mindanao. Sa Iloilo... ang lakas ng kandidato namin... paano kami matatalo rito?" ani Binay sa panayam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tahasan pa niyang sinabi sa interview, "Hindi kami mati-twelve-zero, tiyak na tiyak. Bukas makawala magiging 8-4 o 7-5. Baka 7-6."

Samantala, sa panig naman ng LP, sinabi ng tagapagsalita ng koalisyon na si Ben Evardone na mahihirapan ang UNA na baliktarin ang lumalabas sa survey.

"Mahihirapan na ang UNA na baliktarin ‘yan. Ilang polling agencies na ang naglalabas ng survey. Pare-pareho ang sinasabi. Ang UNA na lang ang hindi naniniwala," ani Evardone, sa ulat ng GMA News Online.

"This is a clear indication that our people want the President’s reform agenda of inclusive growth anchored on the “daang matuwid’ to continue in the next three years. We will continue to work hard in the homestretch of the campaign to pull up our remaining candidates outside the ‘Magic 12,’” dagdag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN