Mike Tan on not having regular project for seven months: "Ilang taon ba ang hinintay ko noon para mainip pa ako?"

Pitong buwan nang bakante si Mike Tan mula nang matapos ang huling proyekto niya sa GMA-7. Pero tila hindi naman ito ikinababahala ng young actor. Aniya, “Yung naiinip, siyempre kasama naman yun. Yung nagtatanong, oo nagtatanong, pero yung pagkakainip, natural. Siyempre, natural naman. Sa loob ng pitong buwan, wala kang ginagawang regular na trabaho, hindi ka nakakaarte. Yun talaga ang passion mo."


Tampok si Mike Tan sa docu-drama ng GMA News & Public Affairs na Landas, na ipalalabas sa SNBO ng GMA-7 sa Linggo, May 5.

Ang Landas ang sumunod na proyekto ni Mike pagkatapos ng afternoon soap na Faithfully na noong isang taon pa ipinalabas.

May sinasabi na ba sa kanyang kasunod na proyekto o bago niyang teleserye?

Sabi ni Mike sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portral), “Hindi ko pa alam, pero sinasabi ng handler ko na si Daryl [Zamora], meron na raw yata.

“Pero okay naman ako, masaya naman ako.

“Actually, noong ginawa ko ang Landas, parang lahat ng pagkaka-miss ko sa pag-arte, parang nawala na lahat.

“Parang pagkatapos nito, parang okay na ako ulit ng ilang buwan na walang pag-arte.”

SEVEN MONTHS. Gaano katagal ba siyang nabakante?

“Tagal… ang tagal!” natawang sabi ni Mike.

“Actually, ang huling bilang ko, may seven months na.

“October kasi nagtapos yung Faithfully kung hindi ako nagkakamali.”

Sa loob ng pitong buwan, ano ang mga pinagkaabalahan niya?

“Honestly, napabayaan ko ang sarili ko!” tawa na naman ng 26-year-old actor.

“Puro regionals kasi, wala namang regular… puro pagkain sa regional!

“Nag-gain ako ng weight hanggang December.

“Then, sinubukan kong mag-diet ulit pagdating ng January. Pero dahan-dahan so I took my time.

“Nag-experiment ako ng panibagong diet.

“Okay naman ngayon, back to shape na ako.

“Although, palagi ko namang sinasabi na kung may kailangang paghandaan, sabihin sa akin. Mas paghahandaan natin.

“Hindi talaga ako yung gifted na tulad ng ibang tao na maganda talaga ang katawan kahit walang ginagawa.

“Pero sa seven months pala, natuwa naman ako, may pumasok na endorsement, yung Guitar garments.

“Alam ko ngayong May na ia-up naman ang mga billboards.”

Sa loob ng pitong buwan wala siyang proyekto, hindi ba siya nagtanong, hindi siya nainip?

Abi ni Mike, “Yung naiinip, siyempre kasama naman yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung nagtatanong, oo nagtatanong, pero yung pagkakainip, natural. Siyempre, natural naman.

“Sa loob ng pitong buwan, wala kang ginagawang regular na trabaho, hindi ka nakakaarte. Yun talaga ang passion mo.

“Pero sabi ko nga, ilang taon ba ang hinintay ko noon para mainip pa ako?

“At saka, nagdarasal ka, alam mo yun?”

Bago ang pitong buwan na pagkabante niya ay humigit-kumulang dalawang taon namang sunud-sunod ang mga naging teleserye niya.

Saad ng StarStruck alumnus, “Well, wala naman akong nilalabasang iba bukod sa afternoon at primetime soap.

“Nagkadikit lang talaga ang Kung Aagawin Mo Ang Langit at Legacy, sobrang magkadikit yun, nagsapawan yun.

“Pero bago ang Faithfully, nagpahinga rin ako ng three to four months bago ako ulit gumawa.

“At saka, siguro kasi ako, naranasan ko nang maghintay ng what… five years.

“So, yung seven months sa akin, wala na, parang madali na!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN