Alden Richards on falling for either Louise delos Reyes or Lauren Young: “Mahirap mag-assume na walang mangyayari, baka kainin ko lang din po ang sasabihin ko sa bandang huli.”

Kahit na may namumuong tensiyon sa pagitan ng mga tagahanga ng tambalan ni Alden Richards kina Louise delos Reyes at Lauren Young, hindi ito gaanong ikinababahala ng young actor. Sabi niya, “Yun nga po, wala namang pressure, hindi naman namin sineseryoso ang away sa Twitter, sa social network… Nakikita ko po, mine-mention po ako ng mga supporters namin. Parang nakakatuwa lang po kasi nag-e-effort silang pag-usapan ang nangyayari sa show."


Nahahati sa dalawang grupo ang fans ng lead young stars ng GMA-7 primetime series na Mundo Mo’y Akin—ang Team “LouDen” at Team “Lauden.”

Ang "LouDen" ay bansag sa tambalan nina Louise delos Reyes at Alden Richards. Habang ang "LauDen" naman ay ang bagong team-up nina Lauren Young at Alden.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden, sinabi nitong hindi niya akalain na ganun kabilis tatanggapin ng mga manonood ang kanilang love triangle.

Aniya, “Hindi ko nga po ini-expect na coming from One True Love, magki-click yung another o addition sa loveteam namin ni Louise.

“Pero nakakatuwa, kasi si Lauren Young, sobrang bilis niyang makatrabaho, makapalagayan ng loob.

“Kami pong mga actor, kapag hindi po kami comfortable sa mga katrabaho namin, hindi po namin nai-express ang tamang emotion sa scene.

“Pero si Lauren po kasi, before pa, nagkikita na kami sa labas, nagmi-meet na kami sa different events, that’s why hindi na siya bago sa akin.

“Pero ngayon ko lang siya nakatrabaho na acting sa acting—magaling, magaling!”



ORIGINAL LOVETEAM. Dati nang merong “LouDen” at nang magsimula ang Mundo Mo’y Akin ay nabuo naman ang “LauDen.”

Ano ang pakiramdam na tila may namamagitang tensiyon sa pagitan ng dalawang tambalan?

Tugon ni Alden, “Yun nga po, wala namang pressure, hindi naman namin sineseryoso ang away sa Twitter, sa social network…

“Nakikita ko po, mine-mention po ako ng mga supporters namin.

“Parang nakakatuwa lang po kasi nag-e-effort silang pag-usapan ang nangyayari sa show.

“Nag-e-effort sila para paglabanin kung sino ang gusto nilang loveteam.

“Ang sarap sa feeling kasi first time kong magkaroon ng ganito na love triangle.

Kuwento pa ni Alden, “Ultimo ang lola ko, sasabihin na, ‘Si Lauren Young, maganda.’

“Sabi ko naman, ‘Opo, ’La, mabait pa yun.’

"Yun nga po, sinusubaybayan, kaya masaya lang pong talaga.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natutuwa ba siya na parehong sinusuportahan ng mga tao ang kanyang tambalan kina Louise at Lauren?

“Yes po, opo naman…

"Sabi ko nga po sa mga interviews ko before, dito naman sa showbiz, pabagu-bago lahat, walang permanent.

“At ang ikinatutuwa ko po, kapag may ganitong ina-add na something new, naggu-grow po ako, e.

“Naggu-grow yung acting prowess, naggu-grow yung experience.

“Kasi, hindi naman sa… kasi ako, masaya ako na nakaka-loveteam si Louise for the longest time.

“We never failed each other na magpakita ng something new sa audience.

“Ngayon naman, heto na si Lauren, of course, iba ang feeling.

“Si Lauren, galing sa kabila [ABS-CBN], iba yung upbringing doon. And coming here, ang dami kong natutunan sa kanya.”



NEXT LOVETEAM. Ngayong dalawa na ang kapareha niya, pupuwede pa rin ba siyang ipares sa iba?

Sagot ni Alden, “Opo, yung thought or chance na mag-iba ang ka-loveteam.

"Kasi, kami naman po, naghihintay lang sa advice ng network.

“Parang itong Mundo Mo’y Akin, biglaan lahat. Biglaan ang pagbuo nito kaya nabigla din kami.

“At ang ikinaganda nga po, parang iba. Hindi lang sasabihin ng audience na, ’Nakita na namin ito, simula’t simula, sila na.’

“I’m sure, si Louise, pareho kami ng iniisip niyan kasi gusto po talaga naming mapabuti ang acting craft…

“Kasi, sobrang mahal po namin ang trabaho namin bilang artista.

“At yung mga nararating po namin dahil sa trabahong ito, hindi po biro, iniingatan po naming mabuti.”

Ano ang nakikita niyang kaibahan ng dalawang leading ladies niya o ano ang pagkakakilala niya sa mga ito?

Ayon kay Alden, “Ako po kay Louise, kilala na naman niya ako.

“Kay Lauren po, nailalabas ko na rin po ang tunay na Alden na makulit, to the point na minsan napipikon na sa akin ang dalawa.

“Siguro, ang difference lang po nila, si Lauren, ang dami naming napag-uusapang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron at meron siyang topic na puwede naming pag-usapan.

“Si Louise naman, like before, si Louise ang kakulitan ko. Yun naman po ang hindi ko magawa kay Lauren na sobrang kulit.

“Kasi, yung... of course, mahirap namang sabihin, pero okay naman po silang dalawa.

“Parehas na professional, magaling na umarte.”



IN REAL LIFE. Kahit matagal nang magka-loveteam sina Alden at Louise, hindi sila nagkaroon ng mas malalim na ugnayan.

Sa kaso naman ni Lauren, bagamat matagal na itong nali-link kay Elmo Magalona ay patuloy pa rin nilang itinatanggi ang kanilang rumored relationship.

Kung nagkataon at magtagal ang loveteam ni Alden sino man kina Louise at Lauren, posible kayang magkagusto ang young actor sa isa sa kanila?

Tugon ng binata, “I’m not sure… yun po, palaging hanging… mahirap po kasing magsara ng door.

“Mahirap mag-assume na walang mangyayari kasi baka kainin ko lang din po ang sasabihin ko sa bandang huli.”

Ngayong single ulit si Louise, pagkatapos ng breakup nila ni Enzo Pineda, hindi ba napi-pressure si Alden sa pangungulit ng ilans fans na sila na lang sana ang magkatuluyan sa tunay na buhay?

Aniya, “Opo, meron po talagang nagsasabi, pero wala naman pong pressure.

“Kasi, kahit noong nagsisimula kami, ang dami na pong ganyan na, ‘Sana kayo na lang. Sana maging kayo in real life.’

“Yun nga po, nag-grow kaming magkasama ni Louise na hindi namin kailangang i-pressure ang sarili namin na ma-in love sa isa’t isa po.

“So, mas nakakatulong sa amin na close friends... yung mga problema niya, nagkaka-advice-an.

“Mas okay po at good thing din po sa GMA, hindi kami prinessure [pressured] na, ‘Mag-date kayo, magpakita kayo sa public na kayo.’

“Kasi, ang hirap po naman na pilit. Kahit saang bagay, ang hirap naman po ang pilit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN