Liza Diño on her acting talent: “I found myself in that—I grew, I matured as an actress, dahil sa paggawa ko ng mga indie films.”

Pakiramdam ni Liza Diño, panahon na para ituluy-tuloy na niya ang kanyang acting career dito sa Pilipinas. Aniya: “Pero ever since I won, umuwi muna ako. Iba talaga, e, parang I just feel like, parang hopefully, this will open a lot of opportunities.”


Nasa Pilipinas ngayon si Liza Diño para i-promote ang indie film niyang In Nomine Matris na ipalalabas ngayong May 8 in time for Mother’s Day.

Sa lakas ng kaway ng showbiz sa indie actress, iniwang pansamantala ni Liza ang maganda niyang career sa Amerika.

Isang successful chef si Liza sa Los Angeles na nagtatrabaho sa Spago, isang sikat na restaurant na pag-aari ng world-renowned chef na si Wolfgang Puck.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza sa Icings restaurant sa Timog Ave., Q.C. kamakailan.

“Nag-aral ako sa Le Cordon Bleu sa Hollywood, tapos, yung pinaka-job training ko, I worked for Wolfgang Puck, [Spago] for two years na,” umpisa niyang kuwento.

CHEF-ACTRESS. Pagkatapos ng on the job training (OJT) niya sa Spago ay kinuha na siyang regular employee.

“They liked me kaya dire-diretso na. Recently nga, I had to file a leave kasi pauwi-uwi ako.

“I tried to resign, pero sabi nila… kasi naman, noong time na nanalo ako na Best Actress sa New York, tuwang-tuwa sila for me.

Nanalo si Liza sa 2011 International Film Festival Manhattan o IFFM, November 2011, para sa indie movie niyang Compound.

“Kasi halos lahat ng mga artista or actors, puro waitress, sila yung nasa front.

“Ako lang yung nag-iisa sa kitchen nagtatrabaho na nag-aartista, so talagang tuwang-tuwa sila.

“Proud sila na, ‘O, cook ‘yan, hindi ‘yan waitress!’ Parang ganoon.”

Indefinite leave ang status ng work niya sa Spago.

“I’m one of his main cooks… I make first courses, any first course, appetizers, soups, salads, mga teasers, sa mga VIP guests namin.

“I put together yung mga pica-pica, yung mga ganoon.”

Ilan ang Pilipino sa Spago?

“Ako lang yung nasa savory, ibig sabihin, savory is yung mga main dishes, pero sa pastry merong isa—si Sally Camacho.

“Nanalo siya sa Top Chef [Just Desserts], siya yung naging pastry sous chef namin bago siya nalipat dun sa isa pang restaurant… she’s very good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong isang beses lang noong bumalik ako sa U.S., katabi namin si Bruce Willis kumakain!

“At ang daldal ko, sabi ko, ‘Ay, si Bruce Willis!’

“Narinig yata ako, lumipat ng upuan,” ang tumatawang kuwento ni Liza tungkol sa experience niya working in Spago.

COOKING SHOW. Nag-pursue rin siya ng acting career sa LA.

“I did mga short films over there… May mga Filipino-American directors na I worked with.

“And then, there’s a Filipino-American TV station, it’s called Film-Am TV and they do mga original content for Filipino-American community sa LA [Los Angeles].

“It’s a free channel so I was hosting yung mga different events sa LA community… I did a cooking show… yung mga ganoon.

“Tapos, I’m very active. Yung mga, alam mo naman doon sa States, di ba?

“Pag dumadating yung mga artista, ako yung nag-i-interview sa kanila, yung mga ganoon.”

SHOWBIZ CAREER. Sa ngayon ay sa acting career niya dito sa Pilipinas muna magpo-focus si Liza.

“Siguro, I just know na parang at the end of the day, parang I really… acting, that’s my first love.

“Kaya kahit nandoon ako, uwi pa rin ako nang uwi dito. Kasi that’s how I started.

“I found myself in that—I grew, I matured as an actress, dahil sa paggawa ko ng mga indie films.”

Last December lang ay tinanghal si Liza na Best Actress sa Metro Manila Film Festival New Wave Selection para sa In Nomine Matris.

May time frame ba siya kung hanggang kailan siya mag-aartista dito sa Pilipinas?

“Siguro kasi, may baby na ako, parang I wanna put a certain balance.”

SINGLE MOM. May isang anak na five years-old si Liza.

“Hinatid ko muna doon sa U.S. kasi gusto muna siyang makita ng dad niya bago siya mag-kinder—dito siya mag-aaral—bakasyon lang siya doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi doon mamamalagi ang anak niya.

“No, mamamatay ako! Hindi ko kaya yun!” at natawa si Liza.

“I’m lucky na he’s very supportive so dito kami,” patungkol ni Liza sa ama ng anak niya.

Sa tanong kung hiwalay sila…

“Okay kami. We’re in good terms, very, very, very good friends.”

At payag ito na kay Liza ang anak nila?

“And I’m so grateful dahil alam ko na malaking sacrifice iyon for him.”

Single mom ngayon si Liza.

“He supports naman, pero siyempre, nasa akin yung baby ko.”

FULL TIME. Kaya magtatagal sa Pilipinas si Liza dahil nga sa kanyang showbiz career at sa pag-aaral ng kanyang anak.

“Kasi I’m based in LA. So ako, umuuwi lang ako for work to shoot or pag may project na in-offer sa akin, umuuwi ako dito.

“Pero ever since I won, umuwi muna ako. Iba talaga, e, parang I just feel like, parang hopefully, this will open a lot of opportunities.

“Kasi, ever since I’ve been an actress naman… nag-move lang ako sa States in 2007, kasi I got married, tapos, I have a daughter.

“Pero every chance I get, umuuwi ako dito para gumawa ng movie. Tapos ito, simula noong nanalo ako 2011 sa New York.

“Tapos, nagkaroon ng Ani Ng Dangal, yung I was fortunate to be one of the Ani ng Dangal.

“Tapos, lumabas itong In Nomine Matris, I won last year.

“Parang I feel like, siguro, it’s time… maybe it’s calling me again to continue doing projects dito.

“Kasi maganda, e… ang ganda ng industriya natin dito and ang ganda ng mga indie films na lumalabas…

“And first time na nagkakaroon ng mga movement on independent films, I was part of it in 2004 and 2005.”

Limang taon namalagi sa US si Liza at pagbalik niya, kinuha niyang manager si Ricky Gallardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He was highly recommended.”

Nagsimula siya sa mga stageplays sa UP.

“Tapos eventually I was with GMA-7, I did mga soaps.”

Ang most recent show niya sa GMA-7...

“Oh my God ang tagal na… Bakekang!”

May anim na dance numbers siya, bilang si Mara, sa In Nomine Matris bilang isang flamenco dancer.

“Nag-train kami four months, eight hours a day.

CAST. Nasa In Nomine Matris din sina Biboy Ramirez bilang Daniel, Al Gatmaitan bilang Enrique at Clara Ramona, who plays Mercedes, ang master Flamenco dancer na kilala sa States at Spain.

Ang direktor naman ng pelikula ay si Will Fredo.

Ipapalabas commercially ang pelikula simula May 8 to May 14 sa SM Cinemas, Robinson’s Galleria, Metro East, sa Ayala Malls at sa Trinoma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN