Kris Aquino hints at running in 2016; refuses to tell if she will vote straight Team PNoy in Senate race

Tila nagpahiwatig na ang TV host-actress na si Kris Aquino na may plano nga siyang tumakbo sa 2016 elections. Sa campaign rally sa Davao del Norte ngayong araw ay nagbiro si Kris habang nagtatalumpati: "...Sa 2016 dapat manalo ako.”


Puspusan na ang pangangampanya ni Kris Aquino sa mga kaibigan nito in and out of showbiz na tumatakbo ngayong May 2013 elections.

Kahapon, May 2, ay sa General Santos City ang destinasyon ni Kris para ikampanya sina Chiz Escudero at Grace Poe, kapwa tumatakbong senador.

Sa ulat ng Pilipinas News (PNews) ng TV5 kagabi, sumama rin daw si Kris sa motorcade ng dalawa pati na sa mga interview nito sa iba’t ibang radio stations.

Pero iniintriga ang suportang ito ni Kris para sa mga kapartido ng kanyang kapatid na si President Noynoy Aquino dahil hindi lahat ng senatorial lineup ng Team PNoy ay kanyang ikinakampanya.

Bukod kina Chiz at Grace, sina Peter Allan Cayetano, Bam Aquino, at Sonny Angara lang ang sasamahan ni Kris sa mga susunod na araw ng kampanya.

Nauna nang ikinampanya ni Kris si Allan sa Taguig noong May 1.

Ibig sabihin ba nito ay hindi straight Team PNoy ang boto ni Kris?

Sagot ng TV host-actress, “I won’t answer that na lang kasi I don’t have to lie.”



KRIS IN 2016? Mula sa GenSan, lagare naman sina Kris, Chiz, at Grace sa Davao.

Una nilang sinamahan sa motorcade ang kampanya ng asawa ni Dawn Zulueta na si Anton Lagdameo, na tumatakbo muling congressman sa Davao del Norte.

Kasunod na ikinampanya ni Kris ay si Davao Vice Mayor Rodrigo Duterte na tumatakbong mayor sa nasabing siyudad.

Naintriga naman ang marami nang nagbiro si Kris sa kanyang talumpati.

Natatawa niyang sabi kay Vice Mayor Duterte, “Mayor Duterte, hello, friends na tayo. Kahit hindi ninyo pinapanalo si Noy noong 2010, sa 2016 dapat manalo ako.”

Matatandaang pumutok ang balita na may balak diumanong tumakbo si Kris bilang Vice President sa 2016 elections, kaya duda ng marami ay tuloy nga ang pagsabak sa pulitika ng pinakabatang kapatid ni PNoy.

Pero sa panayam kay Kris ng TV Patrol kanina, May 3, sinabi nitong maaari siyang tumakbo pero hindi raw sa national position kundi sa local muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I want to start in a big city.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN